Ang antok ay hindi mapipigilan sa oras ng trabaho lalo na kapag nasa office base ka lang at hindi sa field operations.
Kahit kumpleto ang oras ng pagtulog sa gabi ay aantokin ka pa rin. Sinubukan mo ng aliwin ang sarili pero ang sarap pa rin sa pakiramdam na pumikit ang mga mata.
Gusto mong mapag isa at umidlip ng kahit isa o kalahating oras upang matulog subalit may mga dahilan dahil bawal. Baka mahuli ng may ari o ng nakakataas at may kaakibat na paliwanag.
Mga paraan upang umiwas sa pagtulog sa trabaho.
1. Tumayo at lumundag ng tatlong beses.
Epektibong paraan upang bumalik ang sigla ng katawan. Magiging aktibo muli ang pulso ng ating katawan na maaring magpawala ng antok.
2. Kumain ng maalat at maanghang na pagkain.
Maaaring mawala ang antok sa pagkain ng maalat na pagkain. Mabibili sa mga tindahan sa halagang sampong piso o mas mababa pa.
3. Uminom ng tubig.
Ang pag inom ng tubig ay isa sa mga paraan upang bumalik ang sigla ng katawan at mawala ang antok. Tinutulungan ang ating katawan upang mag rehydrate ng tubig na kailangan sa buong katawan.
4. Mag shoppee.
Nagpabudol ka na rin ba ?
Ito ang mabisang paraan upang mawala ang antok sa aking katawan. Panay add to cart at check out kung walang voucher ay hayaan nalang muna. Kahit ano ay hahanapin at punta agad sa reviews upang makasigurado na maganda ang produkto. Ang tanging kinaaaliwan ko tuwing may bakanteng oras at sa tuwing ako'y inaantok sa trabaho.
End.
Maraming salamat sa pagbabasa.
Ingat!
Natawa ako sa Shopee. Lol! Bet ko to, kung marami lang talagang pera ito pinakamabisang pampawala ng antok.