October 25, 2021
Good evening to my fellow readers and writers.
Ilang araw nalang at sasapit na naman ang araw ng mga patay dito sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundo.
Magalalabasan na naman ang mga kwentong bayan at mga kwentong kababalaghan at mga patungkol sa mga kaluluwang hindi nakapaghinga ng maayos.
Simula ng naging pandemya ang covid-19 ay pinagbabawalan na ang lahat ng mga taong pumunta sa sementeryo at magsindi ng kandila.
Masaya ang paggunita ng araw ng mga patay at undas dito sa aming probinsya kasi lahat ng mga pinsan at kamag anak namin ay pumupunta dito sa aming probinsya upang makapag pasyal at makapagsindi ng kandila sa mga yumao naming mga.mahal sa buhay.
Sana matapos tapos na itong pandemya at bumalik na tayo sa normal nating buhay.
Ang saya ng mga lumipas na panahon sa paggunita ng undas ibang iba na sa panahon natin ngayon na kailangan mag ingat upang makaiwas sa virus.
Kandila
Simbolo ng hindi pagkakalimot sa mga yumao nating mahal sa buhay.
Nag alalay tayo ng kandila sa kanilang mga puntod minsan nagdadala tayo ng mga bulaklak at sabay maglinis ng mga puntod.
Nobyembre Uno
Ito yung mga pinakamasayang araw namin noon habang akoy bata pa. Magkikita kami nga pinsan kong nakatira sa malalayong lugar at sabay kaming magsisindi ng kandila sa puntod ng aming mga mahal sa buhay.
Sa kabila ng pagsisindi, masaya akong makakasama sila sa bahay namin at magkwentuhan. Kaya ibang iba na ngayon dalawang taon na tayong naka community quarantine at hindi pa rin pinapahintulutan ang pag byahe sa mga lugar pati na rin ang pagpunta sa sementeryo.
Napakasakit isipin na sandali lang tayo dito sa mundo at dumating pa ang pandemya.
Sanay matapos na at bumalik na tayo sa dati nating kinagisnang mundo na malaya tayong makakapagpasyal kahit saang parte ng bansa.
Mensahe ng may akda.
Magda dalawang taon na tayong nakatambay sa bahay dahil sa pandemya. Sana ay matapos na at bumalik na sa dating katayuan ng buhay.
Wakas__..
Maraming salamat sa pagbabasa :)
C | O | C | O| Y | A | R | N|
Dito sa amin may schedule ng pagpunta sa sementeryo tas biglang nag announce sila na bawal pumunta gang Nov 2. Dami tuloy nagreklamo.