Hindi ko na mabilang sa daliri ng aking mga kamay kung ilan na ang napanood kong pelikula. Pero sa tingin ko ay mahigit isang daan na. Ang tatlong pelikula na pinakapaborito ko ay ang Titanic, kung saan bumida sina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet, Miss Granny na binigyang buhay ni Sarah Geronimo, at The Martian ni Matt Damon.
Ang unang-una kong hinahangaan na artista naman ay si Jaclyn Jose. Siya ay isang Filipina at siya ngayon ay limampu't pitong taong gulang na. Maliban sa banayad ngunit mahusay na kaniyang pag-arte, isa rin siya sa mga kapita-pitagang artista. Ang susunod ay si Leonardo DiCarpio. Siya ay isang Amerikano at apatnapu't anim na taong gulang na. Maliban sa kaniyang hitsura ay magaling at mahusay din siya sa pag-arte. Ganoon rin si Kate Winslet. Isa siyang artist ana nagmula sa Britanya. Apatnapu't limang taong gulang na siya at nagsimula ang paghanga ko sa kaniya noong gumanap siyang Rose sa Titanic. Isa siyang magaling na artista. Hinahangaan ko ring artista si Sarah Geronimo. Isa rin siyang Pilipina at siya ngayon ay tatlumpu't tatlong taong gulang na. Talaga kasing nakakadala ang mga eksena niya at isa pa siya sa mga pinakamagaling na mga mang-aawit sa Pilipinas at maging sa buong Asya.
Atin namang pag-usapan ang pelikulang umantig sa aking puso. Naantig ang aking puso sa buhay ni Yong-Goo ng Miracle in Cell No. 7. Siya ay isang tatay na may karamdaman sa pag-iisip at kinulong dahil sa kasalanang hindi naman niya talaga ginawa. Ang kwento ng pelikulang ito ay sadyang nakakaiyak at kapupulutan ng aral lalo na sa pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak. Lahat ay ginawa ni Yong- Goo hanggang sa puntong inamin niya ang salang hindi naman niya talaga ginawa para lamang hindi mapahamak ang anak. Sa huli, nanaig ang kabutihan at pagmamahalan at ito ang mga dahilan kung bakit naantig ang aking puso sa pelikulang ito.
Ang kwento ng pelikulang Titanic ang siyang tumatak sa aking isipan. Hindi man naging maganda ang wakas nito sa pagmamahalan nina Jack and Rose, naipamalas pa rin sa kwento na wagas ang kanilang pagmamahalan lalo na noong pinili ni Rose na bumalik ulit sa lumulubog nang barko para makasama si Jack. Lalo pang mas naging kapanapanabik ang naging daloy ng kwento nang humahanap na sila ng paraan maka- alis sa barko. Nagsisitayuan pa rin ang aking mga balahibo sa tuwing naaalala ko ang parte ng pelikula kung saan nahati na sa dalawa ang barko. Isa-isang nahuhulog ang mga pasahero. Hanggang sa huli, hindi nila iniwan ang isa’t isa. Pero dahil sobrang malamig ang karagatan kung saan sila nakabunggo ng iceberg, hindi nakayanan ng katawan ni Jack na nakalubog sa tubig kaya ito nanigas at kalauna’y nagging sanhi ng kaniyang pagkamatay. Masakit man pero isa ito sa napakaraming rason kung bakit mas gumanda ang buong kwento. Lumipas man ang maraming tao, mananatili at mananatili pa rin ito bilang isa sa pinakamagandang pelikula sa balat ng lupa.
Ang panghuli ay kung paano naapektuhan ng paborito kong pelikula ang aking buhay. Isa sa mga paborito kong pelikula ang Seven Sundays. Naapektuhan ng pelikulang ito ang aking buhay sa maraming paraan. Una ay hindi kailangang kalimutan na ang lahat sa isang tao kapag nawala na siya. Ipinakita din dito ang pagiging kuntento at nakatulong ito sa aking upang ako’y maging kuntento sa kung ano man ang meron ako.
Sa buhay, meron ding mga problema at isa sa mga naitulong sa akin ng pelikulang ito ay ang hindi pagsuko sa buhay. Lilipas rin ang mga problema at mabibigyan din ito ng mga solusyon. Manalig lang sa Maykapal at patuloy na lumaban sa buhay dahil ang ating buhay ay hindi lamang itinakda upang mapuno ng hirap at pasakit, naniniwala akong ito rin ay isang daan upang mas makilala ko pa ang aking sarili.
Muracle in Cell no. 7 is really intense. Nakakaiyak.
By the way, thank you for inviting😊