Ang Kahulugan ng Pag-ibig

1 98
Avatar for Burnok
Written by
3 years ago

Ano nga ba ang pag-ibig? Ito ba iyong mabilis na pagpitik ng puso sa tuwing nakikita mo ang taong mahal mo? Ito ba iyong dahilan kung bakit mo nararamdaman ang mga paru-apro sa tiyan mo? Ito ba iyong pagkakawasak ng puso mo sa tuwing makikita mo siyang kapiling ang iba? Ito ba iyong pagsasakripisiyo mong iwan siya dahil alam mong ito ang mas nakakabuti para sa inyong dalawa?

Nakakamangha na ang pag-ibig ay may iba’t ibang depinisyon sa bawat tao. Iba-iba tao ng karanasan sa buhay kaya naman iba-iba rin ang nagiging pananaw natin rito. Sa bawat araw ng ating buhay, sinusubok nating ipaliwanag sa ating isip kung ano nga ba ang pag-ibig. Bakit nga ba nating sinisikap na bigyan ito ng depinisyon? Sinisikap natin bigyan ito ng depinisyon dahil gusto natin itong maintindihan. Marahil iniisip nating kapag naintindihan natin ito ay makakamit natin ito.

Ang pag-ibig ay matinding damdamin. Napakatindi na hindi na natin maipaliwanag ito. Minsan kahit pagsikapan nating intindihan, mas lalo lang tayong naguguluhan. Kaya ano nga ba ang mas makabubuting gawin? Ang pag-ibig ay nararamdaman. Sa mga nararamdaman natin gaya ng kaligayahan, kalungkutan at galit, hindi sapat ang mga salita upang bigyan ito ng kahulugan. Ganoon din ang pag-ibig. Hindi sapat ang mga salita. Hindi madaling pasimplehin ang damdamin ng damdamin ng ag-ibig sa mga pinagsasama-samang alpabeto lamang.

Hindi sapat ang salita lamang dahil kailangan ng gawa. Maipaparamdam mo ang pag-ibig mo sa mga salitang “Mahal Kita” o “Inibig kita” subalit ang mga gawa o kilos ang magsisilbing patunay. Maniniwala ka ba sa isang pag-ibig na hindi mo makita sa gawa? Kailangan mong ipakitang mahal mo nga siya, hindi lang puro bibig ang ginagamit mo. Kung patuloy mong ipapakita ang pag-ibig, mas lalo itong titindi, mas lalong tatatag. Ngunit, hindi ibig sabihing hindi importante ang mga salita. Kailangan din ito dahil kapag puro kilos lang ang ginagawa mo at hindi mo sinasabi kung bakit mo ito ginagawa, maguguluhan lamang ang taong iniibig mo. Kaya kailangang parehong may salita at gawa.

Ang pag-ibig ay kayang higitan ang lahat. Ngunit sa ibang sitwasyon, ito ay napakaselan at madaling masira. Tila hindi nila napagtatanto na hindi kayang gawin ito ng pag-ibig nang ito lamang. Ang pag-ibig ay nagdedepende sa tao. Nasa tao nakasalalay kung paano ito magiging tunay. Kaya naman, dapat ang tao ay nasa tamang siya upang maipakita nang mabuti ang pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig ay nagtitiwala at ang tiwalang mayroon it ay nakabase sa tamang kaalaman sa minamahal nito. Nararapat lang na ang tao ay dapat na handa at tama upang magtiwala. Kinakailangan ding malaman ng tao ang buong pakatao ng kaniyang minamaha dahil ang pag-ibig ay nakabase sa katotohanan.

Para sa nakararami, ang pag-ibig ay nagbabago kapag nagkakaroon ng distansya. Subalit, hindi ganoon. Ang tunay na pag-ibig ay hindi kailanman magbabago o mawawala dahil lamang sa distansiya. Ang pag-ibig ay wagas. Sa katunayan, ang pag-ibig ay tumitibay sa distansya at pagkakahiwalay. Dito napapatunayan na ang pag-ibig. Hindi rin ito nawawala sa paglipas ng panahon, bagkus tumatatag ito. Ang pag-ibig ay pinapatunayang tunay sa paglipas ng panahon at paglaki ng distansya.

Tandaan lamang na ang pag-ibig ay kinakailangan ng maturidad sa bawat isa dahil hindi ito basta-basta. Kung ang pag-ibig ay hindi nakontrol, maaaring ito pa ang maging dahil kung bakit tayo makagagawa ng masama. Nagiging mali ang pag-ibig kung ang paraan ay mali. Hindi naman kailangan ng tamang panahon dahil kahit kalian ay walang tamang panahon sa mundong ito. Ang kailangan lamang ay tamang ikaw at tamang siya. Dahil kapag pareho kayong handa, kahit nasa maling panahon man kayo ay makakaya niyong higitan ang kahit ano.

3
$ 2.04
$ 2.04 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Burnok
empty
empty
empty
Avatar for Burnok
Written by
3 years ago

Comments

Pumapag-ibig si author 😁

$ 0.00
3 years ago