Volcanic Erruption

1 18
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Bulkan Mayon

Ipagpaumanhin niyo po kung hindi pa ako gaanong magaling para gumawa ng isang artikulo.2days palang po ako dito sa read.cash.May nakapag kwento din po kasi sa akin na isang friend sa noise.cash about dito sa read.cash kaya willing din po ako na maibahagi sainyo ang totoong kwento ng buhay ko.

Sa mga mambabasa po.Taos puso po akong nagpapasalamat kung inyo pong magustuhan ang aking kwento.

Ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang totoong nangyari sa buhay namin noong pumutok ang bulkan Mayon dito sa aming lugar sa Albay.

Araw ng paglalaro naming magkakapatid sa aming bakuran.

Masayang-masaya kami noon ng aking mga kapatid habang naglalaro sa aming bakuran.Kami ay masayang naghahabulan,nagtatagu-taguan at nagpapatintero sa isang malawak na grass.

Ang bahay namin ay malayo sa siyudad at ang lalayo ng kapitbahay.Naalala ko noon nasa pitong taong gulang palang ako.Wala akong ibang kalaro kundi mga kapatid ko.

Ang larawang ito ay kuha ko sa aking gallery na naglalarawan sa aking inilalahad ayon sa kwento.

Simula ng pag alburoto ng Bulkang Mayon,year 1992.

Habang masaya kaming naglalaro ng aking mga kapatid ay biglang may sumabog na animoy bomba na hindi mo mawari kung saan nanggaling.Lumindol yong lupa at biglang dumilim ang paligid.Pagtingala namin sa kalangitan ay isang napaka itim an usok ang aming nakita.Dahil sa takot naming magkakapatid ay deritso kami pumasok sa loob ng bahay.Samantalang ang aming mga magulang ay nag eempake na pala para pumunta sa evacuation center kung saan daw kami ay ligtas.Dahil sa aking murang edad at wala pang alam ng mga panahon na yon ay nakasunod lang ako kung ano ang gagawin ng aking mga magulang at mga kapatid..Para kaming hinahabol ng kabayo sa kakamadali.Ramdam ko yong pagod sa paglalakad dahil bago namin marating ang daan kung saan may mga sasakyan ay halos 20mins din ang aming lalakarin.

Samantalang patuloy na nag aalburuto yong bulkan na akala namin ay hindi na makakaalis sa lugar na iyo.Madami ng abo(ash) yong nagsisilaglagan sa daan.Naalala ko sabi ng mama ko.Takpan daw namin ang aming ilong para hindi daw namin malanghap yong abo(ash)at huwag daw kami magkasakit.

Kung makikita niyo dito sa larawan na may malaking ilog.Yong tubig na dumadaloy dito noon ay umuusok dahil sa sobrang init.Ang picture na kuha ko ngayon ay hindi ang totoong larawan nong pagtuga ng bulkan.Ito ay ibinabase ko lamang sa aking isinasalarawan sa kwento.At ito ay kuha ko ngayon lamang na taon.

Pagdating namin sa evacuation center.

Sa awa ng diyos ay nakarating agad kami sa evacuation center.Ito ang pinaka malaking paaralan sa lugar namin.Ito ang ginagawa nilang evacuation center kapag tumutuga ang bulkan o kaya naman ay may malakas na bagyo.Ito din ang pinaka magandang paaralan sa lugar namin ang Tabaco National High School.Pagdating namin sa lugar ay agad kaming pumasok sa loob ng kwarto para makapagpahinga.

Kuha ko itong larawan nong bagyong rolly dahil dito din kami nag evacuate.Ipinapakita ko lang sa larawan ang lugar kung saan ang evacuation center at kuha ito ng sarili kong camera.

Sa loob ng kwarto dito sa evacuation center.

Siksikan kami sa loob,Nakahiga lang sa papag at ang mga kasama namin ay matatanda na at may mga karamdaman.Ang mama ko ay panay pagdarasal na sana ay tumigil na ang pag Alburuto ng bulkan at ng makauwi na kami.Inabot kami ng mahigit dalawang linggo sa evacuation center.Doon ko naranasan kong paano makisalamuha sa ibang mga kalaro dahil nasanay ako na tanging mga kapatid ko lang ang aking mga kalaro.Dahil ako'y bata pa noon ay masayang-masaya ako at parang ayaw ko na ulit bumalik sa aming sariling tahanan.😂

Itong larawan ay kuha ko lamang ngayong 2016 at malaki na ako.Yong huling pagtuga ng bulkan.Ang nasa larawan ay ang mama ko at ang aking pamangkin.

Author's note:

Maraming salamat po sa mga nagbasa ng aking kwento.Sana ay nagustuhan niyo.Hayaan niyo po at mas lalo ko pa pong pagbutihin ang pagsusulat ng artikulo para mas maging magaling din ako katulad ng mga nababasa ko dito sa read.cash at lubos akong humahanga sa inyo.❤️❤️

@Buhayexperience

#Orihinal

#Godbless us all

3
$ 0.01
$ 0.01 from @wondergirlwriter
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Bulkan Mayon

Comments

Salmat sa pagbabahagi ng iyong kwento sa amin.. nakapulutan namin ito ng aral at nainspire ako sa kwento mo po kahit na anong unos dumating ay anjan at matatag parin po kayo.. godbless you always too..

$ 0.00
3 years ago