Minsan may mga pangyayari sa buhay natin na mahirap ipaliwanag.Ang kwentong inyong mababasa ngayon ay mula sa aking naging karanasanan.
Ang aking alagang aso.
Bata pa lamang ako ay hilig ko na talaga mag alaga ng aso.Itinuturing ko ito na parang anak ko.Pinapaliguan,At minsan kasama sa aking pagtulog.Napakabait na aso si potpot.Malambing at parang tao din kung mag-isip.Sa tuwing aalis ako ng bahay ay lagi ko itong kasama.Kung minsan naman kapag may mga gathering akong pupuntahan at hindi ito pwede sumama ay iniiwan ko sa bahay.
Pag-akyat ko ng bundok
Sa tuwing hapon kapag maganda ang panahon ay lagi akong umaakyat ng bundok kasama ang aking alagang aso para bisitahin ang lupain ng papa ko.Madami kasing naiwan ang papa ko na mga pananim tulad ng niyog,saging at mga puno na namumunga tulad ng pili.Wala akong kapatid na lalaki at ako ang panganay sa amin kaya nakasanayan ko na talaga ang araw-araw kong ginagawa at hindi ako natatakot umakyat ng bundok.Minsan may mga kasama ako pero kadalasan ay tanging itong alagang aso ko lang ang aking kasama.
Nagkasakit ang aso kong si potpot
Dahil sa may sakit ang aso kong si potpot ay kinailangan niyang maiwan sa bahay para magpagaling.Nong mga panahon na yon ay wala akong kasama.Eh sanay naman na ako kaya ok lang.Lagi lang akong may kasamang itak.Minsan nga madaming nagsasabi sa akin na para daw akong Amasona.hahah..Ganon talaga ang buhay dapat lagi kang matapang lalo na kung sayo nakasalalay ang buong pamilya.
Habang naglalakad ako sa isang liblib na lugar ay dinig na dinig ko ang huni ng mga ibon na para bang may sinasabi nilang may isang taong paparating.Ngunit hindi ko lang sila pinapansin na habang tumatagal ay papalakas ng papalakas ang mga tunog.Hindi ko namamalayan sa aking paglalakad ay pabalik-balik lang pala ako sa aking dinadaanan.
Nakaramdam ako ng kaba at takot dahil napapagod na din ako sa paglalakad ngunit hindi ako nakakarating sa aking paruruonan.Hanggang sa may nakita ako na isang batang lalaki na nakatalikod habang may hinahawi sa mga dahon na tila may kinukuha na mga bunga ng isang uri ng damo.Tinanong ko ito kung asang lugar ako at hindi ko na malaman ang daan.Ngunit nakatatlong tanong na ako subalit hindi ito sumasagot at panay lang ang pitas ng mga bunga.Napatingin ako sa kalangitan dahil parang uulan.Paglingon ko ulit sa bata ay bigla itong nawala.Nagtaasan yong mga balahibo ko.At sa tanang buhay ko doon lang ako totoong natakot kasi nag-iisa ako at walang kasama sa gitna ng malawak na kagubatan.
Isang magandang batang babae
Sa kabila ng nangyari ay patuloy pa din ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang malawak na damuhan na may mababang puno ng pili.Isang batang babae ang aking nakita habang masayang-masaya na naglalaro sa isang mababang puno at tuwang-tuwa habang bumibitin sa mga sanga.Nilapitan ko ito at tinanong ko ito kung bakit siya nag-iisa at hindi natatakot sa liblib na lugar na iyon.Tinawanan ako ng isang magandang batang babae at sinabi sa akin na "hindi po"dito ako nakatira"....tinanong ko ulit siya kung asan ang magulang niya at kung saan siya nakatira.Tinuro niya yong kanyang kamay papunta sa malayo.
Sa bahay ng batang babae
Tumigil ang batang babae sa paglalaro at lumapit sa akin.Hinawakan niya ang aking kanang kamay at hinila ako papasok sa isang maliit na daanan.Tinanong ko ito kung saan kami pupunta..Ang sagot niya sa akin ay doon sa kanyang bahay.Para akong robot na sunod lang ng sunod sa kanya.Hanggang sa matanaw ko ang isang napakalaking puno na hindi ko mawari kung ano ang pangalan ng malaking puno na yon.Basta napakaganda niya at kung titingnan mo ay parang kahit ilang bagyo pa ang dumaan ay hindi ito mababali.Sabi ko sa bata bakit mo ako dito dinala?Sagot ng bata...Ito po ang bahay ko at nalulungkot ako dahil wala na akong mama..Gusto kitang maging mama sama ka na sa akin...Para akong binuhusan ng malamig na yelo dahil may nabubuo na sa aking isipan..Feeling ko na eengkanto ako..hindi feeling totoong naeengkanto ako..Naawa ako sa bata pero mas nanaig yong takot ko kaya bigla akong tumakbo palayo sa bata...Hindi ako tumitigil sa pagtakbo kasi gustong-gusto kong makaalis sa lugar na yon..Pero pagod na pagod ako sa kakatakbo pero parang hindi ako nakakaalis sa lugar na yon.Naalala ko yong sabi sa akin ng lola ko na kapag daw nawawala sa kabundukan ay kailangan lang baliktarin yong damit.Walang hiya-hiya at hinubad ko ang aking damit para baliktarin..
Kung paano ako nakaalis sa lugar na yon
Nong isuot ko ulit ang aking damit na baliktaf ay gulat na gulat ako.Madaming taong nakapaligid sa akin.Andon ang mama at mga kapatid ko.Nasa tabi ko din yong aking alagang aso at kitang-kita sa mukha ng alaga ko ang lungkot habang pinapanood akong nakahiga sa kwarto......Isang panaginip pala ang lahat...At doon ko lang naalala na natulog pala ako ng 7pm na hindi kumakain dahil sa sobrang pagod ko galing sa bukirin....Nagulat nalang ako pagising ko dahil 1pm na ng hapon.Mahigit 19hrs daw yong tulog ko at sobrang nag aalala daw sila dahil hindi ako nagigising pero daw yong mata ko ay nakamulat at naglilisik na umiikot yong paningin.Naisipan nilang mag alay ng panalangin sa akin dahil wala na silang makitang ibang paraan at doon daw ako nagising....
Authour's note:
Isang aral ang natutunan ko base sa nangyari sa buhay ko..Hindi ko man nagawang tawagin ang panginoon doon sa aking panaginip dapat maging palaban tayo.Huwag susuko at huwag na huwag matakot at maraming salamat sa nag alay sa akin ng panalangin dahil alam kong malaking tulong din yon para magising ako...Dahil kung hindi baka isang bangungot yong nangyari sa akin.
Maraming salamat sa inyong oras sa pagbabasa sa aking kwento..hanggang sa muli..godbless us all..
Nakakatakot nman pong experience mo yan at siguro po lapitin k ng mga engkanto po or may third eye ka po kasi nakita mo yung bata.. pero ingat ka po lagi baka maging malala pa mangyari sayo..