Kumusta po Kayo mga ka readers??Ako ito super pagod na pagod ngayong araw.....Siguro mga apat na barangay yong nilakad namin makarating lang sa pupuntahan..At ang masama pa kasi yong mga barangay na dinaanan namin eh wala man lang na pwedeng mapa ayusan ng motorsiklo....
Habang umaandar yong motorsiklo na sinasakyan namin ay biglang tumigil yong makina at hindi na ito nag start....Yong nagmamadali ka na nga tapos ganito yong nangyari sa amin..
Kasama ko yong anak ko...Naawa ako sa anak ko samantalang yong anak ko ay parang naglalaro lang sa daan..Hindi man lang nagrereklamo at tuwang tuwa pa Ito sa mga nakikita niya..Lalo na ng makakita ito ng ibat-ibang uri ng mga bulaklak sa tabi ng daanan..
Mga bulaklak na nadaanan namin
Sino ba naman ang hindi maaakit sa mga bulaklak na Ito....
Medyo malayo layo na din yong nilakad namin ng nadaanan namin yong isang paaralan ng Sekondarya sa isang barangay...Ang likuran nito hindi playground or halaman.....Ito ay taniman ng palay..
Kahit pagod sa paglalakad ay medyo nasiyahan naman ako sa aking mga nakikita...Iba talaga ang probinsya...
Sa aking mababait na readers,thank you so much po lagi sa inyong tiwala sa akin...
Kayo mga ka readers kumusta din po ba Yong naghapon niyo ngayon???
By the way gusto ko ding magpasalamat sa aking mga readers,upvoters and mga commentors na walang sawa sa pagbabasa Ng aking mga kadramahan lalo na minsan..heheh
Published
December 04,2021
❤️Buhayexperience
Ang layo naman ng nilakad nyo saan ba yan at parang bukid talaga ,pero maganda ang mag bulaklak ,mabuti at Di mainit