Minsan nabablangko din utak ko tulad ngayon.hahah.Kaya wala akong maisip na gawing article.Habang nagluluto ako ng ulam namin ngayong hapunan ay naisip ko na ito nalang kaya yong article na gawin ko.
I hope na magustuhan niyo po yong luto ko.heheh.
Ingredients
Niyog(coconut)
Tilapya
Malunggay
At kung ano-ano pa like bawang,sibuyas,Luya,asin at ajinamoto or magic sarap..
PROCEDURE
Kailangan mo muna nating iprepare yong malunggay,Ito ang kinaiinisan ko kapag nahihimay nito.Inaantok talaga ako.hahaha..
Pakatapos ay kailangan natin kayudin yong niyog para makuha natin yong gata..Dito sa amin mano-mano lang talaga..Malayo kasi dito sa amin yong meron na may machine na kayudan para hindi ka na mahirapan ng pagkayod.
Tapos kailangan malinis na yong ihahalo nating pang sahog sa gulay..Walang ibang available kaya tilapya po ang ilalagay ko.
How to cook?
Kapag ready na lahat ng ingredients pwede na natin simulan ang pagluluto..
Dalawang beses ako kumukuha ng gata..Yong unang gata ay siniseperate ko ito sa isang lagayan tapos yong pangalawang gata..Ito ang unang ginagamit ko..
Ilalagay ko ito sa isang kawali kasama na yong ibang mga rekado like luya,sibuyas,bawang,asin at ajinamoto.
Habang pinapakuluan ko ito..Kailangan haluin hanggang sa maluto yong gata.
Kapag kulong-kulo na ito ay ilagay na natin yong tilapya.
Kapag luto na yong tilapya ay kailangan muna natin itong tanggalin sa kawali para hindi madurog..Ilipat muna natin ito sa isang malinis na plato.
Kapag natanggal na natin yong tilapya sa kawali ay saka natin ilagay yong dahon ng malunggay..Pakuluin natin ito hanggang sa maluto..
Kapag luto na yong malunggay ay saka natin ilagay ulit yong tilapya sa ibabaw ng malunggay..Tapos ilagay na din natin yong unang gata na tinabi natin kanina..Pagkatapos ay lasahan natin base sa ating panglasa at kapag ok na ay saka siguro mga 1min lang ay kailangan na natin patayin yong apoy.Pangit naman kasi yong sobrang luto yong gulay.
Author's note:
I hope na nagustuhan niyo yong inihanda kong ulam.heheh.Hindi naman talaga ako magaling magluto..Lutong bahay lang ang alam ko at gusto ko lang po ishare sa inyo.Maraming salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking artikulo..
Source image:Captured by me..
Omg sarap nyan fresh gata!!