My mother true story year 1967

19 34
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Survivor

Sino po ang nakapanood na ng movie na Titanic(1997)Jack and Rose??Isa ito sa napakagandang movie na napanood ko...

Screenshot from youtube
Screenshot from youtube

Sa mga nakapanood na po nito ay sigurado na ma iimagine niyo po ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ngayon..

My mother True story

Taong 1967,November 02,Thursday...Galing ang mother ko sa maynila at kailangan niyang umuwi ng aklan dahil malapit na ang kanyang debut at pinapauwi na siya ng kanyang mga magulang na andon sa aklan....Sa tita kasi siya nakatira dahil pinapag-aral siya nito sa maynila...17yrs old palang ang mother ko nong mangyari ang hindi inaasahan sa kanyang buhay...

Thursday Morning

Alam ng mother ko na may papalapit ng bagyo pero pinilit niya pa din sumakay ng barko dahil ang akala ng mama ko ay hindi naman ito kalakasan at makakauwi siya ng aklan ng ligtas....Maganda at malaking barko ang kanyang sinakyan na ang pangalan ay M/V Mindoro....Habang nasa kalagitnaan sila ng karagatan ay lumakas ang alon at ramdam na ramdam ng mga nakasakay doon na tila lulubog ang kanilang sinasakyan dahil sa makakapal na alon...Kinabahan ang mother ko habang nasa loob ng barko...Marami ang nagsisigawan at tila nagpapanic na dahil pumapasok na yong tubig sa loob ng barko....Kinagabihan ay halos patuhod na nila yong tubig sa loob at may umiingay na sa kanila na lulubog na barko na kanilang sinasakyan...Pinasuot sila ng life jacket para sa kanilang kaligtasan...Umiiyak na ang lahat,marami ang nananalangin na nawa'y iligtas sila sa panganip..may mga tumalon na ng bintana at dahil sa nagpanic na din ang mother ko ay tumalon na din siya ng bintana....Lumubog siya at nakainom ng tubig galing sa dagat pero dahil sa life jacket na suot nya ay lumitaw siya....Linakasan ng mother ko ang loob dahil hindi siya marunong lumangoy ..May tumulong sa kanya at dinala siya sa isang bagay na lumilitaw para hindi siya mababad sa tubig...Hanggang sa nakita nilang tumataob na yong barko na kanilang sinasakyan..Nakita rin nila na madami na rin ang nakalutang na patay....Pero ang mama ko ay malakas ang loob..Doon sa kanilang sinasakyan na parang plywood kalawak ay nagpagitna siya dahil almost 20 na tao ang nakasakay doon ...Dahil mabigat sila ay lumubog ito at hanggang dibdbib ng mother ko ang tubig..

Screenshot from youtube

Whole Friday

Simula friday ay walang kain ang mother ko..Nakalutong lang sila sa gitna ng karagatan..Wala tulong na dumarating..Kinagabihan namatay ang 3 sa kasamahan nila....Walang ibang ginawa ang mother ko ay manalangin at palakasin ang loob para maka survive at makita niya pa ang kanyang mga magulang..

Whole Saturday

Panibagong araw ng pagsasakripisyo..Wala pa din na dumarating para tulungan sila..Makulimlim yong panahon pero sa awa ng diyos ay nakayanan pa din ng mother ko ang gutom...Nakita ng mother ko na may mga dumadaan na maliliit na pating(shark )At kinakain ang mga katawan ng mga patay na nasa malayo sa kanila..Doon natakot ang mother ko..Nawalan ng pag-asa na baka ito na ang huling araw ng mama ko....Nawalan na din siya ng boses..Hindi na siya makapagsalita...Nakita niya din na nagsisipatayan na din yong ibang mga kasama niya...

Screenshot from youtube

Sunday Morning

Mainit na ang panahon...Nagising siya sa sinag ng araw..Nawalan na pala siya ng malay dahil sa gutom pagod at lamig...Subalit nagising siya dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya...Pagka gising niya ang akala niya ay nakasurvive na siya pero hindi pa pala..Andon pa din siya sa kalagitnaan ng karagatan....May natanaw siya sa malayo na isang mangingisda...Pinilit niyang tanggalin ang kapirasong damit ng katabi niya na patay na din para iwagayway niya ito at makita sila ng isang mangingisda...Nagwagi ang mother ko dahil sa wakas ay lumapit sa kanila ang isang mangingisda pero hindi sila nito kinuha..Agad na umalis ang mangingisda at pagbalik nito ay madami ng mga kasama....Parang lantang gulay ang mother ko at nawalan na ng malay....

Pagkagising ulit ng mama ko ay nasa gilid na sila ng dagat na nakahiga..Madaming tao at pinagkaguluhan sila...Laking pasasalamat ng mother ko dahil isa siya sa 9 na tao na nakaligtas sa trahedya na nangyari sa kanya..

Sobrang thank you din dahil nakaligtas ang mother ko dahil kung hindi ay wala ako ngayon dito..Walang @Buhayexperiencena bumabahagi ngayon sainyo ng ganitong karanasan...

Thank you so much sa patuloy na sumusupport at gumagabay sa akin dito sa read.cash...especially to my very amazing and generous sponsors...

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

From the buttom of my heart...❤️❤️❤️

Thank you so much

Godbless you all

@Buhayexperience

5
$ 0.18
$ 0.10 from @kingofreview
$ 0.03 from @dLifeWanderer
$ 0.02 from @Zcharina22
+ 2
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Survivor

Comments

Ooh my nakakatakot naman kahit sa drama lang minsan nadadala na ako how much sa totoong pangyayari..Grabe ang tatag Ng mama mo ah kinaya niya magpalutang lutang sa tubig ng ilang araw..

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po sis...siguro dahil bata pa siya noon pero kung sa akin yon nangyari ewan ko lang.heheh

$ 0.00
3 years ago

Iba siya matapang na matatag..

$ 0.00
3 years ago

Nakakatouched naman yung story ng mother mo... Parang diko naiimagine sarili kong mababad sa tubig ng ilang araw☹️ Saludo ako sa mother mo..ang tapang nia.

$ 0.00
3 years ago

Salamat po..Believe nga ako sa nanay ko kasi nakayanan niya yon..Sabi niya malakas pa daw kasi yong resistensiya nya di tulad ngayon na matanda na siya..

$ 0.00
3 years ago

Ako nalang cguro ang hindi pa nakakapanood ng titanic at walang balak panoorin ito 😁..,

Kudos to your mother, she's a living testimony na hindi nya pinababayaan ang anak nya.., God has planned to keep to her to be able to have you po..,

$ 0.00
3 years ago

Bakit ayaw mo po panuorin yong titanic?heheh..

$ 0.00
3 years ago

Hindi ko rin po alam.., andami kasing reviews, kaya parang hindi interesting para sakin 😁

$ 0.00
3 years ago

Sissy grabe ang trahedyang sinapit ng mama mo pero ang tapang nia. Naalala ko din yong trahedyang ngyari sa papa mo na naisulat mo din

$ 0.00
3 years ago

Oo sissy..namimis ko na nga ang papa ko...Parang kilan lang malapit na palang mag 1yr na wala ang papa ko..

$ 0.00
3 years ago

Lakasan mo lang loob mo sissy, ang lahat ay ayon sa plano ni God. Walang pagsubok na di natin makakayanan basta magtiwala lang tau sa God, Insha Allah everything will be fine

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat sissy...Tama ka po..Sabi nga hindi daw tayo bibigyan ng pagsubok ni god kung hindi natin kayang harapin...

$ 0.00
3 years ago

Nakakainspire naman po yung experience ng Nanay niyo. Tanong ko lang po kung tinangka pa rin po niyangbsumakay ng barko despite po ng nangyari? Ang ganda po ng kuwento hehe.

$ 0.00
3 years ago

Salamat po at nagustuhan mo ang aking kwento...Actually simula noon nag eroplano nalang ang mama ko kapag pumupunta ng maynila.Parang nagka phobia na po kasi siya..At ngayon po kapag nagkukwento ang mama ko nanariwa pa sa kanya yong nangyari..

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot naman nyan sis ,may nangyari talagang ganyan ,buti isa siya sa mga naka survive.

$ 0.00
3 years ago

oo nga sis mabuti nalang at malakas ang loob ng mama ko..

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot naman Ang pangyàyari kinilabutan ako , mabuti na lng na nakaligtas Ang mother mo ,may Plano si Lord para sa kanyà kaya siya iniligtas. Kaya dapat talaga huwag bibiyahe PAg masama ang panahon.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po siguro dahil magkakaroon pa siya ng pamilya at anak tulad ko..

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sis may mission pa siya at kayo yon ng iyong mga kapatid at mga apo

$ 0.00
3 years ago