Lahat tayo ay may mga karanasan sa buhay na hindi makakalimutan.May mga magagandang nangyari at meron din na hindi.Itong kwento na ibabahagi ko sa inyo ay ang aking karanasanan noong daanan ang lugar namin ng super typhoon Rolly.
Ang bahay namin ay gawa lang sa kahoy,kawayan at anahaw.Sa madaling salita isang maliit na bahay pero sementado naman ang aming sahig.Nakatira kami malapit sa ilog at malalayo sa mga kapitbahay.Ang ikinabubuhay ng mga magulang ko ay ang pagtatanim sa bukirin tulad petchay,kamatis,sitaw at kung ano-ano pa na pwedeng pagkakitaan..
Isang araw ang dumating at may nag balita sa amin na may malakas daw na bagyo na paparating..Ito na nga po yong ang super typhoon rolly.Sobrang nangamba ang mga magulang ko dahil marami na naman ang madidistruso dahil sa paparating na bagyo.Yong mga pananim ng papa ko ay hindi pa pwedeng anihin at sigurado masisira lahat yon hindi na kami makakapag ani.
Hapon palang bago manalasa ang super typhoon rolly ay may nag ikot ng mga official ng barangay na kailangan na naming lumikas dahil kinaumagahan ay maglalandfall ang super typhoon sa lugar namin.
Ako si mama ko at mga kapatid ko ay nagsilikas na sa evacuation center dahil alam namin na hindi safe ang bahay namin.Pero ang papa ko ay nag paiwan dahil baka daw mawala yong mga ibang gamit namin at kapag daw alanganin ay lilikas din daw siya..
Kinaumagahan 5am in the morning ay nagsimula na nga ang pabugso-bugsong hangin at ulan subalit hindi ko pa nasisilayan ang papa ko.Sobrang nag-aalala kami dahil baka kung mapano siya.Hanggang sa patuloy na lumakas ng lumakas yong hangin.Ramdam namin yong mga kalabog ng yero sa bubungan namin na parang binabato ng mga naglalakihang puno ng kahoy.
Makalipas ang isang oras ay nilipad na din yong bubungan namin.Basang-basa kami at talagang nakakatakot dahil kitang-kita namin ang mga nagliliparan na yero don sa paaralan kung saan kami nag evacute.
Matagal bago tumigil ang napakalas na hangin.Halo-halong emosyon ang naramdaman namin.Merong umiiyak,nananalangin at yong iba naman ay nakatayo sa may pintuan ng aming kwarto para harangan ito at huwag liparin ng napakalakas na hangin..
Nang tumila na ang napakalakas na hangin ay isa-isa kaming nagsilabasan.Hinanap ko ang papa ko ngunit wala akong nakita.Hanggang sa pinayagan na kaming umuwi sa aming mga tahanan.
Pagdating namin sa aming tahanan ay isang napakasaklap ang nangyari.Yong kalahati ng bahay namin ay nilamon na ng ilog.Nawala yong kusina,banyo at isang maliit na kwarto kung saan andon ang kwarto ng papa ko.
Hinanap agad namin ang papa ko.At nang matagpuan ko ay hindi ko mawari ang aking emosyon.Hindi ako makapagsalita,nanlamig ang aking mga kamay at bumuhos ang aking luha.Hindi ko matanggap na wala na ang papa ko..Nakita ko siyang nakahiga habang natabunan ng mga kahoy at wala ng buhay😭😭😭.Habang hinahawakan ko ang papa ko ay iyak ako ng iyak..Hindi ko talaga matanggap na wala na siya.
Dahil sa nangyari ay kailangan kong magpakatatag dahil ako ang panganay sa amin.Ang mama ko ay matanda na din.Hindi ko alam kung paano magsimula kasi wala na yong haligi ng aming tahanan.Nagdasal ako,sabi ko lord sana kung anomang pagsubok ang nararanasan namin ngayon.Sana patatagin mo ako,bigyan mo ako ng lakas para huwag sumuko at ipagpatuloy ang hamon ng buhay kasama ang aking pamilya.
Pakatapos ng libing ng papa ko ay gumawa ulit ako ng isang maliit na bahay sa tulong na rin ng mga kakilala at kamag-anak namin.Ganon talaga ang buhay kailangan huwag tayong susuko.Kailangan nalang natin na tanggapin ang mga bagay na nangyari na.
Mahirap man magsimula ulit dahil namatay ang papa ko,pero kailangan ulit subukan para sa mama ko at sa ibang mga kapatid ko na naiwan..
Author's notes
Salamat sa inyong pagbabasa ng aking kwento.Sana ay may-aral po kayong napulot.Dapat kahit anuman ang pagsubok na dumating kahit napakahirap man nito.Patuloy lang ang laban..
So sad nman po sa nangyari sa papa mo😔 kahit ano man po ang nangyari siguro may plano ang diyos sainyo lalo na po sayo.. magpakatatag ka lang po at anjan lagi ang diyos ggabay sayo kahit na hirap n hirap kana lakasan mo lang lagi ang loob mo para sa pamilya at anak mo madami ang nagmamahal sayo for sure yn🥰🥰🥰