Buhay studyante noon at ngayon

3 25
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Edukasyon

Ano nga ba ang kaibahan ng mga studyante noon at ngayon. Alam naman natin na sa paglipas ng panahon ay nagbabago ang sitwasyon lalo na ng mga kabataan. Hindi natin inaasahan na biglang magbabago ang sistema ng pagpaparal sa mga bata sa kasalukuyan. Itong aking ibabahagi sainyo ay mga kaalaman at karanasan ko sa totoong buhay.

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Noon

  • June ang start ng klase ng mga bata at nagtatapos ito ng march or april.

  • Bago magstart ang pasukan ang mga magulang ay binibilhan nila ng bagong uniform,sapatos,bag at mga gamit ang kanilang mga anak.

  • Excited ang mga bata sa pagpasok sa school dahil sa bago nilang gamit, baon at sympre bagong kaklase.

  • Ang mga bata noon kahit malayo ang kanilang bahay ay magtatyaga silang maglakad kahit na abotin ng isang oras sa paglalakad makarating lang sa kanilang paaralan.

  • Noon sa school may flag ceremony bago mag simula ang klase at kasabay pa ng masayang exercise at kung minsan ay may program pa.

  • Noon sa school madaming activities or extra curicullum na pwding salihan ng mga bata tulad ng girl scout and boy scout,

  • Noon ang mga bata ay buong maghapon nila ay nasa skwelahan sila papasok ng 7am uuwi ng 4:00pm.

  • Noon malaya ang mga batang maglaro sa paaralan kahit na uuwi silang madungis at amoy pawis ay ok lang basta ang alam nila masaya sila.

  • Noon kahit saging o walang baon ay papasok sila magkaron lang ng kaalaman sa araw na iyon.

Ngayon

  • Simula ng nagsimula ang pandemya 1year ago lahat ay nagbago. Naging mahirap sa mga bata at magulang ang bagong patakarang ito.

  • Ngayon ang mga bata nagaaral sa bahay at hindi na muna pinapayagan mag face to face sila.

  • Ngayon ang mga bata online at modular na ang paraan para sila ay matuto sa kanilang aralin.

  • Ngayon ang mga mag-aaral ay hindi nila kilala ang knilang kaklase at kanilang guro.

  • Ngayon ang mga magulang nalang ang pumupunta sa school para kumuha ng modules.

  • Ngayon ang mga bata ay limit nalang ang kanilang pag aaral kung ano ang nasa module yun lang ang kanilang gagawin.

  • Ngayon nasusubukan ang pagiging matalino ng mga bata pati ng mga magulang nasusubok ang kanilang tyaga at pasenxa nila sa kanilang mga anak.

Author's note:

Ano man ang nangyari noon at ngayon magkaiba man ang sitwasyon noon ay ang importante ay ang matuto ang mga bata.

Kilangan lang ng sipag at tyaga sa pagturo sa kanila. Kasi kung hindi nman natin sila tuturuan ay kawawa din sila paglaki nila. Edukasyon lang ang tanging maipamamana natin sa ating mga anak.

3
$ 0.09
$ 0.05 from @ibelieveistorya
$ 0.03 from @beastion
$ 0.01 from @wondergirlwriter
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Edukasyon

Comments

Opo totoo pong napakahirap maging teacher ngayong modules ang mga bata.. lalo na kung may work ang magulang or madamu ang mga anak na tinuturuan napakahirap po tlga. Pero ganun pa man ay patuloy lang tayo matatapos din itong pandemyang ito.

$ 0.00
3 years ago

Tama po kayo..Ako nga din po kahit isang anak lang..Pero nahihirapan ako kasi nga po..First time ko maging titser sa kanya..Yong naka focus po talaga habang nagtuturo...Madami kasi akong responsibilidad na kailangan unahin pero ngayon kailangan ko mag adjust dahil mas kailangan pagtuonan ng pansin ang aking anak lalo na ang pagtuturo sa kanyang module ngayon..Ganon paman ay natutuwa ako dahil sa kabila ng pandemic na ito ay naranasan kong maging guro sa aking anak..

$ 0.01
3 years ago

Yun nman talaga ang maganda sa nangyari yung mga magulang na gusto maging guro noon ay ngayon ay intant teacher na sila hehehe. Welcome here sa read cash po keep on writing lang po..

$ 0.00
3 years ago