Ano nga ba ang ibig sabihin nitong paru-paru?

0 16
Avatar for Buhayexperience
2 years ago
Topics: Life

Pasensiya na po kung matagal tagal din na hindi nakapag open ng read cash....Maliban sa busy ay hindi ako makapag focus.....Ilang days din kasi yong padasal namin na pabalik-balik hanggang sa dumating ang araw ng first death anniversary ng papa ko.....

Walang ibang mag aasikaso eh ako lang po dahil ang mama ko bed rest na po...Ang kapatid ko naman na lalaki ay pilay pa din gawa nong aksidente...Ang ate ko naman ay may sanggol pa na inaalagaan....Tatlo nalang kaming magkakapatid na buhay kaya Hindi ko alam kong paano mag budget ng oras na matapos ko lahat ng mga gawain.....Sa pag aalaga palang sa mama ko na may sakit eh magkaka undagaga na ako...Halos ang pahinga ko nalang eh oras ng pag tulog eh ngayon na nga din sana yong oras ng pahinga ko kaya lang kailangan pang mag trabaho.heheh

Share ko lang po sa inyo yong nangyari don sa first day ng panalangin para sa papa ko.....

Nong nagsisimula na kaming manalangin don mismo sa unang araw ay hindi ako makapag focus dahil may biglang lumapit sa akin na isang paru-paru.....Naaalala ko din na ito yong paru-paru na dumamo sa akin nong ikatlong araw pagkalibing ng papa ko.....

Isang paru-paru pero ramdam ko na parang siya ang papa ko at nag anyo Lang na paru-paru...Ewan ko po kung naniniwala din kayo sa ganito......Sa tingin ko merong oo at meron din na hindi....

By the way balik po tayo sa topic.....Dahil hindi po ako mapakali sa nakikita k0 na paru-paru na lumipad sa may paa ko at parang pinapahabol ako nito palabas ng bahay ay sinundan ko ito...Naawa ako sa paru-paru dahil para siyang nahihirapan na nakalipas...Para siyang lasing na hindi mo maiintindihan....

Dahil sa nangyari ay madaming tanong sa aking isipan...tulad ng mga ito..

Ang papa ko ba ang paru-paru?

Bakit siya nahihirapan lumipad?Pinapahirapan ba siya sa kabilang buhay?

May gusto ba siyang iparating na mensahe sa Amin?

O kaya hindi niya pa ba tanggap na wala na siya?

Sa kabila ng lahat ng aking mga tanong sa sarili ay nasasaktan ako...nangungulila...at ipinagdarasal ko nalang na ay maging tahimik na din siya at mapatawad sa kanyang mga naging kasalanan....

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Maraming salamat sa aking mababait na sponsors at sa tiwala kahit medyo busy ako ay andyan pa din po kayo....hehe

Hanggang dito nalang po muna.,...

❤️Buhayexperience

2
$ 0.00
Avatar for Buhayexperience
2 years ago
Topics: Life

Comments