Pagdadalaga at pag bibinata.

7 93
Avatar for Bryskie
4 years ago

Ang mga inaasahang kakayahan at kilos  sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata

Ina:anak totoo ba na may crush kana? Naku ang bata bata mo pa para dyan...
*ang bata mo pa para makialam sa mga desisyo dito sa bahay.
*Anak, sana maintindihan mo na kaya ka namin madalas na hinihigpitan ay para rin sa iyong kabutihan... Dalaga kana kasi
*Dalaga ka na dapat hindi naaayos ang iyong silid

Pamilyar ba sa iyo ang mga ganitong salita? Marahil sinasabi mo sa iyong sarili ngayon, "parang naririnig ko na 'yan". Nalilito ka ba? Ganyan talaga ang buhay ng isang nagdadalaga o nagbibinata.


Ang yugto ng pagdadalaga o pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang para sa iyo kundi maging sa mga taong nasa sapat na gulang sa iyong paligid. Marahil maging sila hindi malaman kung paano ka na ituturing. Isa ka bang bata pa o papunta na sa pagiging matanda?
Alam kong nararamdaman mo na ang napakaraming pagbabagong sa iyong sarili sa yugtong ito ng iyong buhay, sa iyong pangangatawan, sa iyong damdamin, at sa iyong pakikitungo sa kapwa. Alam kong malinaw na sa iyo na kinakailangan mong harapin ang napakaraming pagbabagong ito. Mahalagang malagpasan mo ang anumang hamon na ibinibigay ng mga pagbabagong ito. Sabi nga nila, "Naku dapat mature kana". Ang daming inaasahan sa iyo. Sa iyong pakiramdam lahat ay naghihintay sa mga bagay na iyong gagawin, sa mga salitang iyong sasabihin at sa mga pagpapasiyang iyong isasagawa. Kaya nga mas nararapat na handa ka, maging mas maingat ka at maging mas malawak sa iyong pag-iisip sa maraming bagay sa iyong paligid. Sabi nga nila, "ganiyan talaga ang buhay."
Gaano man kalaki ang hamon sa iyo, kailangan mong harapin ang mga ito. Kailangang handa ka at taglay mo ang mga kaalaman na makatutulong sa iyo upang maging matatag ka sa iyong pagharap sa hamon ng pagdadalaga o pagbibinata.


Mahalagang maunawaan mo na ang bawat  tao ay may mga inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan. Kailangan ang mga ito upang malinang ang kaniyang mga talento at kakayahan at matamo ang kaayusan sa pamayanan. Mahalagang kilalanin ang mga inaasahang kakayahan at kilos na ito lalo na sa yugto ng maagang pagdadalaga o pagbibinata(early adolescence)
May tatlong gabay mahalagang layunin ang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao.


-UNA, nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay. Mahalagang maunawaan ang mga ito upang matamo ang mga kasanayang angkop dito. Mahalagang isagawa ito sa ilalim ng patnubay ng magulang at mga guro
-PANGALAWA, nagsisilbing pangganyak o motibasyon ang mga ito sa binatilyo o dalagita upang gawin niya ang mga inaasahan sa kaniya ng lipunan.
-PANGATLO, malilinang ang kakayahang iakma ang kaniyang sarili sa mga bagong sitwasyon ;kaya't maiiwasan ang stress o nakahihiyang reaksiyon dahil makapaghahanda siyang harapin ang mga ito. Halimbawa, ang batang nagmamasid sa paraan ng pakikitungo ng binatilyo o dalagita sa katapat na kasarian ay madaling maikma ang sarili pagdating sa katapat na kasarian ay madaling maikma ang sarili pagdating niya sa yugtong ito.

7
$ 0.00
Sponsors of Bryskie
empty
empty
empty
Avatar for Bryskie
4 years ago

Comments

Though I don't Understand that what's the meaning of this article because I don't know this language. But I think it's so good.

$ 0.00
4 years ago

Ihhh😁sorry I didn't translate it in english but this topic is about adolescence maam.

$ 0.00
4 years ago

I see. That means the topic is very important.

$ 0.00
4 years ago

Thank you maam

$ 0.00
4 years ago

Nice article. Thank you for sharing this. But it would be better if it was translated since some of the readers are not familiar with our language. Plus there is a lot chances for more comments and interactions with others. Well, all in all, keep it up. Keep posting important articles.

$ 0.00
4 years ago

Oh I will maam thank you so much

$ 0.00
4 years ago

Always welcome😊

$ 0.00
4 years ago