Ang kwento ng matatanda tungkol sa mangkukulam. Bata pa ako noon, siguro nasa limang taong gulang na ako lagi kaming pinapaalahanan ng aming magulang na hwag kaming lalapit o kukunin ang anung pagkain na ibibigay ng kahit na sinong hindi namin kilala o matatanda. Tyaka sinasabi din nila sa amin ang mga kakilala nilang mangkukulam o sa ilocano "manggagamot".Naniniwala ako dito sapagkat tatlo sa mga pinsan ko ay sunod sunod nyang pinatay ang mga ito. Ika ng isa sa pinsan ko na binigyan nya ito ng pagkain na suman. Syempre bata pa sila nagutom siguro kayat kinuha at kinain ito. Walang awang matanda kaya nung nalaman ng lahat sa mga kanyang pinaggagawa, pinaalis nila ito sa lugar nila, kung saan saan sila napadpad ng lugar, maswerte sya dahil sya pinatay. Hanggang ngayon buhay pa yung matanda, bali balita hindi basta mamatay ang manggagamot kapag hindi nya naipamana ito sa mga kapamilya nya.
Manalig lang tayo sa ating mahal na panginoon at tayoy kanyang ililigtas sa anumang kapahamakan. Ang ating mahal na panginoon ang syang ating tagapagligtas kayat ating sambahin ang ating mahal na panginoon. 🙏
Totoo pala yung mangkukulam, di po kasi ako naniniwala sa mga ganyan. Hihi Meron din lugar dito sa Visayas na marami dawng aswang diko lang alam kung totooba.