Ang pangatlong subok dito sa mundo ng READ CASH....

2 29
Avatar for Bruss
Written by
2 years ago

Hello sa lahat ng mambabasa at magandang buhay sa ating lahat.

Ito ang unang article na isusulat ko sa account na ito, Oo tama unang beses sa account na ito sapagkat pangatlong account kuna ito sa readcash. Siguro nagtataka kayo kung bakit andami ko nang naging account. Ang readcash kasi ay enirekomenda sa akin ng isang kaibigan, nung una d ako masyadong nagka interest dahil nga sa kadahilanang may pinagkakaabalahan pa ako nung trabaho. Dumating sa punto na kahit pangload ko sa aking sarili cellphone ay di kuna kayang masustentohan ay panay kona hinge ng pera sa aking mga magulang sa kadahilanang huminto ako sa napasukan kung trabaho.

Talaga palang hindi kompleto ang saya ng buhay kong wala kang sakto o tamang pera para bilhin o masustentuhan yung mga pangangailangan mo sa araw-araw o yung mga bagay na nagpapasaya sa na mabibili molang o makukuha mo pag may pera ka.

Dahil sa pandemya, nawalan nadin ako nang gana mag apply nang ibang trabaho. At walang ibang ginawa ay ang pakikipagbarkada at sinasayang ang bawat minuto't araw na lumilipas na wala man lang nagawa para sa sarili't pamilya.

Isang mabuting kaibigan ang nag recomenda sa akin upang pasukin ang mundo ng crypto. Dahil sa kanya, natuto akong kumita ng pera gamit ang mobile phone ko. Natuto akong lumayo kunti sa barkada mula nung kumita ako ng kunti sa crypto.

Isa sa mga pinagkakakitaan ko ay ang Twetch at noise cash, pero una kong sinubukan ang readcash bago ako napasok sa twetch at noise.

Isa sa pangunahing dahilan kong bakit nilisan o nakalimutan ko ang readcash nung una ay di ako nabigyan ng pagkakataon o kunting halaga para man pang mabigyan ako ng lakas para mag sulat ng magsulat pa. Sa ilang araw na inilagi ko sa readcash at iilan nadin ang aking naisulat sa mga araw na yun. Subalit sa kabila ng lahat ay di parin ako nabigyan kahit kunti ni Random Rewarder hahah. Maniwala man kayo o sa hindi ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapaganda at kaakit-akit sa mga mambabasa ang inilathala kung sulatin nung una kong inilagi sa read cash.

Pero ako ngayon ay nagbalik ulit hahaha di nawalan nang pagasang umasa ulit na baka mapagbigyan na. Ganun naman talaga diba? Di natin malalaman kung di natin susubukan.

Ang sarap lang kasing magsulat dito sa readcash yung tipong malaya kang isulat lahat ng nasa isip mo na wari'y may kinakausap ka. Yung tipong naibabahagi mo ang nilalaman ng iyong puso't kaisipan sa pamamagitan ng pagsusulat.

Nung una kung mga sulat dito ay binigyan ko ng oras at panahon kung pano ko ilalahad ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari para mas kaakit akit sa mambabasa. Subalit sa pontong ito ay isinusulat ko lamang kong ano ang sasagi at papasok sa isipan ko kong baga ang sulating ito ay imprompto na hindi ginagamitan ng borador.🤣

Sa panahon ngayon na nasa gitna tayo ng crisis dahil sa hinaharap nating pandemya na siyang nagpapahirap sa iilang tayo sa ibat ibag sulok ng mundo. Maraming tao ang nawalan ng trabaho, nagugutom, kawalan ng makain dahil sa kahirapang kinakaharap ng buong mundo.

Maraming mga tao ang pumasok sa iba't ibang hanapbuhay para makaahon sa gutom at masasabi kung iisa ako sa mga taong iyon.

Napasok ako sa mundo ng crypto dahil sa kawalan ng trabaho, kumita ako ng konting pera sa twetch at noise subalit kulang parin at may araw na wala talagang kita sa isang araw.

Mas maganda nayung sinasayang mo yung oras at panahon mo sa mga ito may posibilidad pa na kikita ka ng pero kumpara sa pakikipagbarkada na walang ibang magawa kundi ang mag inuman, lakwatsa at pakikipagsuntokan.

Una kong pinagkikitaan ang twetch community subalit minsan lang at di sapat ang kita ko sa twetch kung kayat tinangka king pasukin ang mundo ng readcash.

Pangalawang beses konang sinubokan ang readcash at pangatlo na ngayon. Di ako nawalan ng pag asang umasa't magbabakasakali na sanay mabigyan ng pagkakataon na kumita kahit kunti man lang.

Isa din ako sa mga pumasok sa mundo ng noisecash. At ganun parin hindi sapat ang kinikita ko. Pero ito patuloy na lumalaban para sa kinabukasan😁

Sa sa mga mubabasa humihingi ako ng pasensiya sa sulatin kong ito na tila ba mahirap maintindihan ng mga mambabasa. 😂

.....

2
$ 0.12
$ 0.10 from @Aiah_05
$ 0.02 from @LykeLyca
Avatar for Bruss
Written by
2 years ago

Comments

I hope ypu continue writing from your previous accounts, if hindi ka nmn spam dun sana pinagpatuloy mo nlng. Anway, just keep writing good contents and eventually rusty will notice you too. Goodluck!

$ 0.00
2 years ago

Sulat Lang ng sulat. Mapapansin ka Rin Nyan. ☺️

$ 0.00
2 years ago