Naranasan na ba ninyo na parang ikaw lang na mundong ito? Parang nag iisa ka lang sa kahit anong ginagawa mo? Walang pumapansin sa iyo? Kulang nalang magpapansin ka lang? Parang need ka nang approval sa mga ginagawa mo? Parang mas marami ang mali kaysa tama ang ginagawa mo para sa kanila? Para kang si Miss Nobody. Hindi naman masama ang ang malungkot at umiyak lalo na kung mabigat na ang dinadamdam mo. Ang problema lang, wala ka namang maka-usap sa pinagdadaanan mo. Kulang nalang ang mga halaman na lamang ang kakausapin para lang hindi ka masaktan. Kasi hindi mana ito nag sasalita, nakikinig lang ito. Para lang "praneng", kasi halaman na ang kinakausap. Pero kasi yon lang ang outlet niya. Kahit papaano ay naibsan ang sakit na nararamdam niya. Kahit sa halaman man lang ay may kasiyahan pa rin siyang nakikita sa likod nang kanyang pinagdadaanan. Pero hindi naman niya nalilimutan ang Panginoon. Nagdadasal na lamang siya na mamawala rin ito pagkalipas at makakayanan niya ang sakit na tumagos sa puso niya.
FerferClear