Dne transferring my funds from coins.ph to my BDO account. Wala pang 1 minute nasa BDO account ko na. Yan nga pala yung earnings ko sa loob ng 3 months and 24 days mula pa doon sa noise cash kasama na dito sa noise.app. Sobrang thankful sa dalawang plaform na nakaipon ako ng ganito kalaki at yun ang lubos na pinagpapasalamat ko talaga. Thanks to all donators out there. Netong mga nakaraang araw, mga ilang days na din ay sobrang kunti nalang ng narereceive ko dito pero sympre tuloy pa rin ang posting diba?😁 Walang sukuan! Fighting! Good evening.
31 comments
Same here sissy, pero laban pa rin hehe. Nakasanayan na at parang naging hobby na talaga ang pag bisita natin dito eh.
Tama sis kaya tuloy lang ang posting. Naranasan din naman natin ito sa noise cash kaya dapat positive lang lagi
Ang laki sis, congrats sayo. Hindi mo na inantay tumaas bch baka kasi anytime babagsak naman ulit
Bagsak nga ngayon sis eh. Bagsak din mga holdings ko. Yaan na. Ipon nalang ulit BCH. Hehe
Kaya nga sis, biglaan din talaga eh.
Nalulungkot nga ako sa mga hold ko. Naisip ko sana kinonvert ko na lang nung medyo tumaas eh ngayon mababa na ulit.
Buti ka pa naipon mo. Ako lagi nakurot kasi kailangan hehe. Grats sayo.
Siguro kong inipon mo rin sis malaki din yun. Hehe
Oww so its lessen due to the dip market? hehe
Wala na po atang nagdodonate. Hehe
galing naman sissy.. ang laki pala ng earnings mo dito
Kasama pa yan sis nong nasa noise cash pa tayo. Ngayon sobrang tumal na ilang araw na din.
zero nga ako today.. pero labarn lang.. i know babawi sila.. hehe.. think positive lang tayu..
Kaya nga sis. Ako din wala ngayon eh tska now lang din ulit nakapagpost. Medyo nabusy ako sa bahay. Hehe
3 months lang and 24 days yan? Ang laki ha. Parang naiinggit ako gusto ko na din yata itransfer lahat sa peso ang ipon ko kahit napag abutan na ng pagbaba ng rate ahaha.
Opo. Kinoconvert ko po kasi agad sa peso every day. Kasama na po diyan yung earnings ko noong nasa noise cash pa tayo pinagsama ko lang nung nagkaroon ng earnings dito sa platform na to.
Sana noon ko pa ginawa yan para nakinabang ako sa mataas na rate. Last kurot ko nasa 50k pa ang rate pero konti lang yun 5k lang yata kinuha ko tapos lahat ng natira napag abutan na ng mababa.
Ganun din kasi ako noon. Iniipon ko Bch pero kapag bumaba nanghihinayang talaga ako. Kaya nung nag ipon ulit ako kinokonvert ko na sa peso everyday.
Ilabas ko na kaya yung mga pumasok sa rate na 6k ahaha.
Hehe. Ikaw po bahala pero ako nagdecide talaga ako nun na di na muna mag iipon sa bch. Expect daw na mas bumababa pa ang market yun lang ang sabi nila pero volatile naman ang market kaya di rin talaga natin malalaman susunod na mangyayari sa market. May hold pa din ako eh. Sobrang baba na nga ngayon.😥
2.1 yung nasa wallet ko na hindi ko pa ginagalaw. Pero 1bch plus na din naman yung na sell ko nung nasa 25k. Bahala na bukas kung ano mangyayari pero sana nga tumaas ulit.
2.1 bch? Ilan nalang po natira? Lahat yun earnings mo lang din ba sa noise cash at dito?
Yan pa din.. di ko ginagalaw noon pa sa kabila ahaha. Ganon ako katindi mag hold kaya nakakahinayang na hindi ako nakinabang sa mataas na rate ahaha.
Hala sayang naman tumaas na noon eh. Nakakahinayang na talaga magsell lalo na ngayon. Ako kasi dati nung sa kabila pa tayo yung mga naipon kong bch noon kapag tumataas sell ko na din agad. Meron kasi akong naipon dati na bumaba ng bumaba kakaantay na tumaas. Hehe.
Yung 0.5 ko dati nasa 32k di ko pa ibinenta kaya ayun nasayang ang chance ahaha. Pambili sana ng laptop nakawala pa. Sa 25k yata ako naka decide na magpalit kaya nasa 10k yung nakuha ko. Pero total earnings na nailabas ko nasa 20k yata.
Ok na din po. Malaki na din. Hehe. Atleast nakapagbenta po kayo nung nasa 25k pa. Eh kung ngayon naku sobrang baba na.
Wow! malaki na din sis...
Kaya nga sis. Walang kurot yan sis. Talagang inipon ko lang yan
akala ko te ako lang kasi dati $0.15 ang narereceive ko madalas ngayon halos wala man lang pero okay lang naeenjoy ko naman to kahit papano
Kadamihan po ata ganun. Ako nga ngayon as in wala talaga pero ok lang tuloy lang ang posting hehe.
Sakin din unti pero hindi din kasi ako masyadong active. Laking blessings nyan girl. More blessings,😇