Hello Guys. Just these few days it seems that a lot of us are affected by how the random rewarder works, and yeah, about the points too. And recently, Sir @Cain published a very detailed answer and breakdown of his thoughts about that. I think you can find both the problems and the solution to that by reading his article.
Since, I know that many Filipinos are also here and some are my affiliates, I tried my very best to translate the article in Filipino. Although it's not the best translation that you could get, I hope that my fellow Filipino users will understand it more effectively, not by assuming that you don't know and understand fully the english version but just a way to raise awareness for those who didn't have the chance to read the article and also for the new ones who will join this platform.
P.S. All the thoughts and ideas are not mine, I asked permission to do it so and all I did is translate it fully to the best of my knowledge.
Lunes, Hulyo 20, 2020
Sa ngayon, tayo ay mayroon ng matatag na 11,000 users, ngunit mas mababa pa rin sa 1% ang laki nito kumpara sa Steem (isa pang blogging platform na crypto-based), at huwag din nating ihambing ang laki ng read.cash sa Reddit o Twitter .
Syempre hindi ibig sabihin nito na wala tayong kakayahan na makipagkumpitensya sa mga komunidad na iyon pagdating ng panahon, pero para makamit natin ang ganoong lebel, wag nating tipirin ang ating utak at kailangan nating palawakin ang ating pagiisip.
Kung ikaw ay nasa site na ito upang makipagtalo tungkol sa iyong pang araw-araw nakukuhang puntos at ilang sentimo na nagkakahalaga ng BCH, hindi ka nagiisip ng malawak. Itigil nyo na ang pagtuon sa inyong pang araw-araw na nakukuhang sweldo at simulan ang pagtuon sa pagbuo ng inyong sariling istilo at pagtaguyod sa platform na ito nang magkakasama.
Hayaan mo akong ipalarawan to sainyo. Isipin lamang na sa isang araw, sa hindi naman masyadong mahabang panahon kung saan ang read.cash ay magkakaroon na ng kasing daming user tulad ng sa Reddit. Ayon sa emarketer.com, ang Reddit ay inaasahang kumita ng higit sa $250 milyon sa mga net ad sa taong 2021. Iyon ang kabuuan ng pera na ginugol sa mga gastos sa pagkuha ng traffic acquisition costs. Ngunit kailangan nyo ring isaalang-alang na ang Reddit ay may halos 500 milyong buwanang user na aktibo, at 11 milyon na aktibo naman araw araw kahit na sa palagay ko mas mabuti ng ipagpalagay na ang karamihan sa mga taong iyon ay pupunta lamang sa site upang ubusin ang nilalamaman at hindi upang mailikha ito.
Hindi ko alam kung ganon din sainyo, ngunit hindi ako kumita mula sa Reddit. At kung ako ay binigyan ng isang pagpipilian sa pagitan ng paggamit ng isang bersyon ng Reddit na hindi nagbabayad sa akin at ang isa na nagbabayad, kahit na ito ay isang maliit na halaga, tiyak na ang pipiliin ko ay ang huli. Ngayon paano kung ikaw ay maging isang tanyag na content creator? Sabihin natin na $100M ng $250M na iyon ay makakakuha ng isang pondo na ipambabayad sa mga users batay sa kanilang pakikilahok sa site na katulad ng pondo sa read.cash. Ang ilang mabilis na responde ng napkin math ay nagsasabi sa akin na posible na ang ilan sa mga mas tanyag na users ay madaling makalikom ng sampu-sampung libong dolyar sa isang taon, kung hindi ay higit pa, para lamang sa pagsulat ng mga maikling artikulo tulad nito. At hindi ko rin isinasaalang-alang ang katototohaan na ang read.cash ay ginagawa itong madali para sa inyo upang makakuha ng mga direktang sponsor sa site kung saan makukuha mo ang 90% at ang nakukuha ng read.cash ah 10%.
Maaari ka ring magkaroon ng mga tiyak na pondo ng komunidad. Isipin kung ang nabasa na content sa TV & Film community naging isang tanyag upang pumunta para sa mga mahilig sa pelikula upang makita kung ano ang pinapanood ng lahat. Bakit hindi magbayad ang mga studio ng pelikula upang ilagay ang mga ad sa mga artikulo na nai-post sa komunidad na iyon, isang makabuluhang bahagi na maaaring maibayad uli sa mga miyembro.
Tiyak na may mga tao ngayon na matagumpay na nag-monetize ng kanilang mga Instagram at YouTube account. Ngunit ang mga taong iyon ay kakaunti at malayo sa pagitan, at hinuhulaan ko na ang 99.999% ng mga gumagamit ay hindi kumikita. Karamihan sa mga kita na kinita ng mga site na iyon ay pupunta upang bayaran ang kanilang mga empleyado, ang kanilang overhead, ang kanilang mga shareholders. Ngunit dahil ang read.cash ay itinatag sa Bitcoin Cash, pinapayagan ito para sa isang bagong klase ng negosyo kung saan ang bawat user ay maaaring maging isang kalahok ng pagkita sa platform. Dahil hindi lang tayo mga users, tayo ay mga miyembro.
At ito pa lamang ang simula. Dahil ang site na ito ay itinatag sa Bitcoin Cash, aking napapagtanto na ang mura, mabilis at mapagkakatiwalaang transaksyon na naging posible dahil sa BCH ay papayagan ang mga panibagong tampok na hindi pa natin na naituturing na maganda ding katangian.
Ngunit kailangan nating palakihin ang ating komunidad. Naniniwala akong mayroon tayong malaking oportunidad dito na gumawa ng anumang bagay na di pa naisasagawa, ngunit para maabot ang ganon kataas na pamantayan makakapagsimula tayo sa pamamagitan ng karanasan sa read.cash upang makalikha ng may halaga.
Gawin natin ito sa pamamagitan ng paglikha muna at pag-curate ng magandang nilalaman. Tigilan na ang pag-aaksaya ng iyong oras upang kumita ng ilang pera sa pamamagitan ng pag-spam ng mga artikulo o pagsulat ng mga walang saysay na komento. Itigil na ang pakikipaglaro sa system kabilang ang mga Upvoting rings at pagpa-flag ng account. At kung nakikita mo ang iba na tila nag-aabuso sa system, i-flag ang mga ito o gamitin ang pindutan ng downvote dahil ang mga ito ay hindi ang uri ng mga taong nais nating mangibabaw sa kultura ng read.cash.
Sigurado ako na ang artikulong ito ay papunta sa mga kalituhan ng mga tao sa ibang paraan, ngunit sa tingin ko, kung hindi ka nagdaragdag ng halaga, inaalis mo ito, at kung ang mga taong iyon ay higit sa mga nag-aambag sa pamamagitan ng pagsulat ng mga pinagisipan na artikulo, o pagbabasa ng mga artikulo at pagtulong sa pag-curate ng mahusay na nilalaman, hindi tayo makakarating sa milyun-milyong user.
Dahil sa napatungo rin naman ito tungkol sa mga kalidad na artikulo, nung isang araw nabasa ko itong artikulo ni @Myt.24 at may nabanggit siya na sa tingin ko ay swak na swak sa aking naiisip. Sinulat niya:
"So, let's learn the basic way of socializing. 'Coz that's how this platform works."
Sa aking palagay, natumbok nya iyon. Sino ang gustong pumunta sa party kung saan ang lahat ay pinipilit na makipagusap para lamang makuha ang kanilang 2 sentimo? Sino ang gustong pumunta sa party kung saan ang tanging rason bakit ang mga tao na nandun ay dahil sa pagbabakasakaling kumita kahit konting halaga para sa kanilang pamamalagi?
Gawin natin ang read.cash bilang isang lugar na pupuntahan ng mga tao dahil makakahanap ka ng iba na nakikibahagi sa iyong mga interes, kung saan nakikipag-ugnayan ang mga tao sa isa't isa tulad ng mga tunay na tao, kung saan makakakuha ka ng mahahalagang feedback, o panghihikayat, o magtuklas, lahat ng iyon ay habang nagkakaroon ka rin ng kita. Ngunit huwag ding matakot na ipamahagi ang ilan na kita sa iba. Hindi ko sasabihin sa iyo kung ano ang gagawin, ngunit nais kong makita ang mga tao na nagbibigay ng tip sa isa't isa, sa kaliwa at kanan para sa mga artikulo na kanilang nasisiyahan, kahit na ilang sentimo lamang, dahil ito ay magpapalaganap ng sigasig at kagalakan ng kung ano naman sa pakiramdam ang kumita ng iyong unang BCH.
Tulad ng sinabi ni @Myt.24 , alamin natin ang pangunahing paraan ng pakikihalubilo, dahil sa ganoong paraan gumagana ang platform na ito. Kahit na ang ating mundo ay tila nasa hindi magandang estado, hindi nangangahulugang hindi tayo maaaring makabuo ng isang mas mahusay, global, digital na komunidad dito mismo sa read.cash. Siyang mapagbigay, mas maalalahanin at mas karapatdapat ng gantimpala.
Salamat sa pagbabasa.
Nga Po, maganda nga Po Yun. Meron Tagalog version.