May mga time talaga na parang gusto ko nalang sumuko sa buhay. Yung tipong parang ayaw ko na mabuhay. Ewan ko ba bat ganito Ang nararamdaman ko minsan.. Yung gusto Kong umiyak nalang Ng umiyak. Di ko Naman pwede sabihin sa iba Kasi pagtatawanan ka Lang nila at walang may maniniwala sayo. At kapag nag kwento ka sa iba mas mahaba pa Yung litanya nila sa buhay nila hahaha KAya Ang ending ikaw Lang Rin Ang mag comfort sa sarili mo. Pasensiya na po kaaga aga Kung ano ano na Ang nagsabi ko. Ang bigat Kasi sa dibdib eh
12 comments
Laban lang te, bawal sumuko
KAya nga eh bawal sumuko maraming umaasa sa atin
Naku sis Unang araw pa Naman Ng December laban lang dpaat
Heheh Dec 1 na nga pala ngayon. KAya nga sissy laban Lang talaga.
Kaya ayaw ko magkwento eh kasi sasabihin nila na kesyo ako nga ganito, ganyan. Ikukumpara ka sa sitwasyon nila na magkaiba naman. Mas ok din na tahimik dahil hindi mo kailangan mag-explain pa ng sarili mo. Good morning.
Ou sissy ganun nga. Mas marami pa silang sinabi about sa buhay nila hahaha. Tas eh mamarites kana nun sa iba. KAya ayaw ko Rin mag kwento sa iba. Good morning din po
Haha lalo pa tuloy nadagdagan iniisip mo. Pero hayaan mo magiging ok ka din nyan. Ako madalas ganyan din mag-isip eh. Napupuno utak ko ng mga negatibo pero pinipilit kong maging masaya kunwari para hindi halata. Unang araw ng December pa naman hehe.
Ok Lang Yan sis mas mabuti Po Yung nakakapag labas Ng sama Ng loob paminsan minsan. At mas ok dito KC Yung mga Tao dito di nanghuhusga Ng kapwa. Keep praying and God will listen he will guide you through the process of helling.
Gandang umaga.
Mas maganda na way gawin mo Sis manalangin ka sa Dios huminge ka ng lakas ng loob at tibay ng katawan para malagpasan mo iyan. Siguro po ganyan talaga ang buhay lalo na kapag nagkaka edad na yung tao
Always talk to God
Normal lang yan sis siguro lahat naman tayo dumadaan sa ganyan sitwasyon.. kesa wento sa iba sa Diyos nalang idaing lahat.. malalagpasan mo rin yan sis..