PUSONG MASAYA
HINDI PORKET WALA KANG BABY, MAHAL, LOVE, IROG, HONEY O SINTA
AY WALA KA NG PUSONG MASAYA
SAPAGKAT ANG PAG-IBIG AY HINDI LAMANG SA MAGSYOTA
ITO’Y PARA DIN SA KAMAG-ANAK, KAIBIGAN, KAKLASE O PAMILYA
ALAM NIYO NUNG HIGH SCHOOL AKO PALAGI AKONG NAPAPAISIP
KUNG BAKIT, DAY CARE ANG TAWAG
SA BAWAAT PALAPAG NA HINAHAKBANGAN
NG MGA NAGSISIMULANG MAG-ARAL
AT ANG NAKUHA KONG SAGOT
NA BUKOD SA MAGULANG
AY MAY MGA TAO PANG HANDANG MAGPARAMDAM NG PAGMAMAHAL
KASI NGA, THEY CARE
KAYA IKA’Y KUMALMA
KUNG SA TUWING IKA’Y UUWING WALANG KAHAWAK KAMAY
HINDI KA HABANG BUHAY MAG-IISA
MAHAHANAP KA RIN NIYA
KAYA KUNG IKA’Y MAG-ISA PALAGI
HUWAG MAGMADALI
NGUNIT WAG DING MATAKOT SUMUGAL
SAPAGKAT DIYAN TAYO MAKAKATAGPO NG TUNAY NA PAGMAMAHAL
NGUNIT DI PORKET HINDI NAGMAMADALI
AY MAGHIHINTAY NA LANG PALAGI
HINDI PORKET SUSUGAL
PALAGI KANG MAG-AALAY NG PAGMAMAHAL
DAHIL DI MAN SIYA DUMATING
MAY MGA BAGAY NA SAYO’Y MAGPAPASAYA PA RIN
DAHIL ANG PUSONG MASAYA
HINDI LAMANG PARA SA MAGSYOTA
Sa true lang ❤