Hanapin

10 19
Avatar for Bembem
Written by
3 years ago

HANAPIN

Ang pag-ibig bibihirang dumating

Madaming landas na tatahakin

Pero wag mag-alala ito’y darating

Minsan kang susubukin, ngunit ika’y pasisiyahin

Kaya kung ang puso man ay nag-iisa

Huwag matakot o mataranta

Huwag magmadali ng desisyon

Kunting hintay, natrapik lang yun

Hanapin mo ang taong ituturing kang tahanan

Hindi yung gagawin kang waiting shed at iiwan pagkatila ng ulan

Hanapin mo yung taong ituturing kang halaman at aalagaan

Hindi yung gagawin kang punong panangga sa sikat ng araw sa initan

Hanapin mo yung taong ituturing kang mahalaga

Na kahit sibuyas ay hindi hahayaang paiyakin ka

Hanapin mo yung taong tulad ko

Na kahit hindi mo suklian ay patuloy na nagmamahal sayo

6
$ 0.00

Comments

Ganda ng atake ahh..gumagawa ka ng kanta kuys?

$ 0.00
3 years ago

Hindi po ako gumagawa ng kanta idol.tula lang po

$ 0.00
3 years ago

Sayang kuys gusto ko sanang makipag colab ehh

$ 0.00
3 years ago

Ay idol hindi ako kumakanta.hindi po ako marunong

$ 0.00
3 years ago

💗💗💗💗

$ 0.00
3 years ago

Sana po nagustuhan niyo

$ 0.00
3 years ago

Naman! Kaso naalala ko tuloy yung naunsiyami kong pag ibig LOL!

$ 0.00
3 years ago

Ganun po talaga ang pag-ibig

$ 0.00
3 years ago

Sana all mahanap na ang ganyang pag ibig🤪

$ 0.00
3 years ago

Sana nga po.hehe

$ 0.00
3 years ago