Ako

1 19
Avatar for Bembem
Written by
3 years ago

Nagbigay na ba kayo ng tunay na pagmamahal?

Nakatanggap na ba kayo ng tunay na pagmamahal?

Noon naiwan ka sa gitna mg kawalan

Humahagulgol habang bumubuhos ang ulan

Ngunit natuto ng iba’t ibang paraan

Para kalimutan

Ang mga karanasan na nasa libro na lamang ng nakaraan

Lahat ng tao ay nakakaranas ng sakit, muhi, inis at galit

Pero hindi yan ang paraan upang maghilom ang sugat mong masakit

Na parang mantsang dumikit sa suot mong damit

Halika at tuturuan kita

Para tumila na ang luha sa iyong mga mata

Una, balikan ang mga alaala

Isipin mo lahat ng ginawa niyang masama

Ikutin pabaliktad at gawing maganda

Sapagkat ang mabisang pantanggal ng gusot at mantsa

Ay yung mga nagawa niya sa iyong maganda

Pangalawa, ang pagpapatawad

Yung bukal sa’yong loob, yung tipong ika’y mabubusog

Sa’yong paglunok ng yong dangal

Dahil maniwala ka, yan ay isang mabisang paraan

Patungo sa tunay na pagmamahal

Pangatlo, ang pagmamahal

Isang salita na may sampong titik

Kung hindi mo alam ang kahulugan

Dahil ang buhay ay hindi isang malaking paghihintay

Hindi ito ang pagtunganga

Hanggang sa bagyo ay tumila

Hindi ito tungkol sa pagputi ng mata

Ito ay ang pag-aaral kung paano sumayaw sa gitna ng sigwa

Wag mag-alala nandito lang ako

Ako na siyang aalalay sayo

Iiwan ka nilapero hindi sila ako

Aya ibahin mo ako

Ako, na magmamahal sayo

Kahit hindi mo gusto

Ako, na tatami ng mga pagkakamali mo

Ako, yung kahit hindi mo naaalala ay nag-aalala sayo

3
$ 0.00
Avatar for Bembem
Written by
3 years ago

Comments

Bat naiiyak akoooo? 😭 napakaganda ng iyong gawa. Nangingibabaw ang emosyon❤ gusto ko sana upvote kaso wala nako balance. Hahahhaha

$ 0.00
3 years ago