Lahat tayo ay dumaan sa pag kabataan, marahil sa inyo ay lumaki sa Syudad, samantalang kami ay sa probinsya.
Kaya naman naisip ko na ibahagi sainyo ang aking buhay noong ako'y bata pa lamang.
Nawa'y ito'y maging inspirasyon sa lahat.
Hello ako si Amiel, 23 taong gulang na. Ako ay lumaki dito sa Cagayan Valley. Ako ay pang apat sa 5 magkakapatid.
So sisimulan ko ang aking kwento noong ako'y nasa 5 taong gulang palang.
Alam niyo bang sa edad na lima na nararanasan na naming mamuhay ng wala ang aming ama't ina. Dahil ang aking ina ay may sakit sa puso, simula pagkabata, palagi ng naoospital ang aking mommy, at kami ay naiiwan sa aming bahay o nakikitulog sa bahay ng kamag anak.
Isang araw nakitulog kami sa bahay ng isa kong lola, hindi ko malilimutan iyon dahil ito'y medyo kakilakilabot. Natutulog kasi kami sa sala at ang aking higaan ay nakatapat sa kusina (pag gutom diretso kuha sa ref ng makakain 😆) ng isang umaga, 3am ito ako'y biglang napabangon. At sabay turo sa kusina, may multo, yan ang pabalik balik kong sambit hanggang sa magising ang lahat sa bahay. Ngunit walang nakinig sakin, bagkus ay tinawanan lang ako.
Naranasan ko na rin noong kabataan ko ang pumasok sa iskwela ng naglalakad, dahil aa baon naming limampiso, nakasanayan na naming maglakad para may maipang recess.
Noong nasa kindergarten ako, naalala ko pa mga kaklase kong takot sa karayom noong kaming magpapabakuna🤣 may isa akong kaklase na nahimatay, meron namang nag iiiyak at meron ding tumakbo ng hindi mabakunahan.
Noon naman na aking nasa Grade 1, yun ang una kong tuntong sa principal's office sapagkat ako'y napaaway, may inaayaw kasi ang aking kaklase at pinag tanggol ko lamang. Naalala ko pa madaming umawat sakin ngunit sa aking taglay na lakas ay hindi nila ako mapigilan noong aking tinulak tulak ang bully sa aming room.
Noon naman ako'y nasa grade 2 ay palagi akong isinasama ng aking daddy sa manila para kumuha ng pera panggastos sa pangangailangan namin at ng mommy ko sa ospital, ng isang araw pumasok ako sa eskwelahan ng may dalang orange. Sa aking magiging siga, natanong ko ang aking kaklase kung gusto niya makakita ng star😅 ng siya'y pumayag, aking pinisil ang balat ng orange sa kanyang mata, at ito ang nagdulot ng aking pangalawang offense sa skwelahan. Ang aking naging parusa ay ganun rin, pinisilan ako sa mata ng balat ng orange ng aking guro (kung ngayon yun nangyari sigurado tanggal na sa serbisyo ang guro dahil sa child abuse, na ako'y labis na hindi sumasang ayon dahil mas nagiging palasagot at bastos ang bata)
Grade 3 ng ako'y nagiging pasimuno na ng mga takas takas sa klase, gumawa pa kami noon ng sigarilyong gawa sa papel. Ako rin taga tinda ng aking guro ng kanyang yema at candies na aking inuubos😆
Grade 4 ako nung ako'y nag bago na sa dahil pilyong bata ako'y naging mabait na. Eto yung taon na nakakarecover na kahit papaano ang aking
Jump na tayo nung nag grade six ako. Ako yung tipo ng studyante na happy go lucky, walang pakeelam sa honors/top pero consistent nasa elite room/first section.
Highschool ako medyo nagulo ang aking first year, kasi napasama ako sa pioneer ng extension school. Kaso hindi payag ang dad ko at nung 2nd year ako nag aral ako sa Mindanao. From Cagayan Valley to Mindanao 🤣 taga don kasi ang dad ko at ang plano nila dun na ako mag graduate kasi Regional Science Highschool yun kaso nahomesick ako. Palaging wala kasi mga kasama ko sa bahay. Wala ako palagi nakakasama kaya pinili ko nalang rin umuwi.
As expected nasa first section lagi, pero nung 4th year na, naisipan ng principal namin na "Hetero" yung mixed na mga students. Pero nag top parin ako sa room.
After graduation ilang araw lang pumanaw naman ang aking mommy 😔 Pinaka nakakalungkot na yugto ng aking kabataas. Ngunit sa kabilang banta napanatag na't hindi na makakaramdam ng sakit si mommy.
Sa susunod na kabanata😊 colleege life naman ang aking kikukwento
FINAL THOUGHTS
✓ Habang bata ka pa huwag ka magpastress sa pag kuha ng top sa klase, enjoyin mo lang.
✓ Treasure your parents hindi mo alam kelan sila mawawala or kayo. Mahalin niyo sila at iparamdam ang inyong love at care sakanila.
✓ Hanapin ang bagay na iyong makakahiligan at mag pursigi makamit ang kinahihiligan
naalala ko rin ang aking kabataan