Chapter 3: The Rumored Wealth Island
*Para sa kaaalaman ng lahat*
Matagal ng panahon ang nakalilipas mula ng mabuo ang isang isla na pinaniniwalaang nasa gitna ng karagatan malapit sa lugar ng pamilya nina Jean at Rosalind. Ayon sa mga kwento ang islang ito ay puno ng mga kakaibang mga hayop at sinasabing may isang batis sa pusod nito na ang ilalim ay puno ng kayamanan maging ang mga nakapaligid ditong mga bato ay pawang mga mamahalin at talaga namang nakakabighani.
Antonio's Pov,
Nasa may dalampasigan kami ng mga anak ko at ng kaibigan nilang si Rosalind nang mapadaan ang mga kumpare ko na kapit bahay lang din namin habang naglalakad ang mga ito ay may pinag-uusapan silang isla. Ang islang pinag kukwentuhan nila ay ang matagal ng usap usapan sa aming barangay mula pa noong bata pa lamang ako, ayon sa mga kwento ng mga nagpapatotoo rito ang isla raw ay puno ng misteryo na tila ba hindi ka pagkakalooban ng yaman nito kung hindi mo mapapatunayan na ikaw ay karapat dapat. Marami ng sumubok na makipagsapalaran patungo roon ngunit iilan lamang ang nakabalik ng buhay kaya nga matagal tagal na rin mula ng may sumubok na pumunta sa nasabing misteryosong isla.
" Uy Pare! Narinig mo na ba ang balibalita?" tanong ni pareng Kanor.
" Ang alin Pare? Ano bang meron" tanong ko0 pabalik sa kaniya. " Naku naman pare nagpapaka serious type ka kase sa pangingisda eh, si mang Timo, nakabalik na galing dun sa misteryosong isla at andaming dyamante at kakaibang mga bato ang dala niya!" pabiglang sabi ni pareng Kanor. "Talaga ba ninong?" tanong ni Jean kay pareng Kanor
"Pa!, bakit di rin natin subukan? baka biyayaan din tayo!" pagbabaka sakali ni Jean. "Oo nga naman tay wala naman pong mawawala pa2g sinubukan natin diba?" segunda naman ni Athalia habang si Rosalind nag thumbs up lang sabay sabing " Pagka pumunta po kayo dun sama po kami ni Jean, Di pa kase ako naka try sumakay ng bangka e"
"Oh yun naman pala pare e suportado ka ng mga anak mo tyaka isipin mo nalang kung gaano nito matutulungan pamilya mo" pag uudyok ni Kanor. "alam mo kase pare hindi naman sa ayaw ko noh, pero magkaiba ang kapalaran ni mang Timo sa kapalaran natin kaya tama nako sa simpleng buhay na mayroon kami ng pamilya ko " pagpapaliwang ko sa kaniya.
"Ikaw bahala pare, pero kung magbabago ang isip mo sabihan mo lang ako ah... nga pala maglalayag kami sa makalawa naka ready na rin lahat ng kailangan pati yung malaking bangka na gagamitin ang kulang nalang ay matatapang na tao na sasama sa ekspedisyon" pagpapaalam na pahayag ni Pareng Kanor.
* Sa bahay*
Pananghalian na ng bumalik kami at pumasok ng bahay doon, naabutan namin si Mirna na nakaupo sa sa may sala at namumutla. "MA!... anong nangyari bakit namumutla ka? okay ka lang po ba?" halos magkasabay na tanong ng mga anak ko. Agad agad ko naman siyang inalalayan at tinanong kung anong nararamdaman niya. "nahihilo ako, pa!" mahinang sagot niya pero pagkasabing pagkasabi niya nun ay agad siyang nawalan ng malay kaya dali dali namin siyang dinala sa pinaka malapit na ospital sa lugar namin.
*Sa ospital*
"Okay kalang ma?, kamusta pakiramdam mo?" tanong ko kay Mirna.
"Heto, maayos ayos naman na pa, pwede na ba tayong lumabas dito? wala tayong perang pambayad, sa bahay nalang ako magpapagaling" pakiusap niya sa akin.
"Sino po ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doktor.
" Ah kami po doc, Ano po bang nangyari bakit po bigla nalang nanghina asawa ko?" mahinahong tanong ko sa doctor. " AH...we ran lots of test na po sa asawa ninyo and according po sa results, meron po siyang stage 1 leukemia, maaagapan pa naman po ito since maaga niyo po siya nadala sa ospital" pagpapaliwanag ng doktor, napahilamos nalang ako ng kamay ko sa mukha dahil sa nalaman ko. " pero Tatay kailangan po natin medyo malaki laking pera para sa pagpapagaling ng pasyente" dagdag 0pa ng doktor.
pagkauwi namin sa bahay ay halos mabaliw na ako sa kakaisip kung paano ako makaka hagilap ng sapat na pera pantustos sa pang araw araw naming pangagngailangan, sa pag papagamot ni Mirna at sa pag aaral pa ng mga anak ko. "Pa... wag ka ng masyadong nag aalala diyan, gagaling naman ako eh!" pagpapalakas ng loob sa akin ni Mirna. " Ma.. hindi pwedeng pabayaan yan baka mas lalo pang lumala pero hayaan mo at gagawa ako ng paraan" sabi ko nalang sa kaniya, "Oo nga po ma.. tutulungan ko nalang po si papa maghanap ng pera habang nag aaral ako" pagsabat naman ni Jean.
Habang naghahanda ang hmga anak ko ng hapunan bigla kong naisip ang alok sa aking ni 'pareng kanor patungkol doon sa misteryosong isla, iyon na lang kase ang naiisip kong paraan upang mabilis na makahanap ng pera bukod pa doon hindi ko na rin iisipin pa kinabukasan ng mga anak ko kung sakaling makakapag uwi nga ako ng kayamanan mula doon.
" Pa... bakit andito po kayo sa labas? kakain na po tayo, feeling ko po iniisip niyo yung offer ni mang Kanor?" biglaang sabi ng anak ko. " alam mo Pa same tayo ng iniisip tapos nakausap ko doin po si Rosalind ang sabi niya po may mga babae naman daw na sasama kaya gusto rin niyang sumama" dagdag pa niya.
Matapos naming maghapunan ay dali dali akong pumunta sa bahay ni pareng Kanor at sinabing sasama ako sa paglalayag nila papunta sa nasabing isla para makipagsapalaran para sa pagpapagamot ng asawa ko. "Aba eh tamang tama pare! Oh asahan ko kayo sa makalawa ah, magdala na kayo ng mga gamit nyo ah!" pangiti-ngiting tugon niya.
Jean's Pov,
"Oh pa, kamusta naman po lakad niyo?, pumayag na po ba si mang Kanor?" Tanong ko kay papa sinagot niya lang ako ng ngiti at tango na ang ibig sabihin naman siguro ay oo pagkatapos ay hinaplos niya lang ulo ko bago siya pumasok ng bahay.
"Pa gusto ko rin pong sumama, desidido na po ako!" Malakas na sabi ko sa papa ko bago pa man siya makapasok ng bahay, bahagya naman siyang tumingin sa kinatatayuan ko at tumigil saglit, "Ikaw bahala nak, malaki kana alam mo na ang tama at mali kaya di kita pipigilan pero isa lang pakiusap ko ah.. mag iingat ka dahil hindi sa lahat ng oras ay naka alalay ako sa inyo" seryosong pangaral ng papa ko.
tumago na lang ako at ngumiti ng marahan sa papa ko. " tara na po pa pasok na tayo!" pagputol ko sa usapan namin.
Dumating na nga ang araw na maglalayag na kami.
" Oh anak ... Pa.. mag iingat kayo doon ah! wag na wag pababayaan ang mga sarili!" Mangiyakngiyak na bilin ni mama sabay yakap sa amin ni papa. "Sali ako, mag iingat kayong dalawa ah tyaka kuya ingatan mo si ate Rosalind" sabi naman ni Athalia. Hinagod ko lang ang ulo niya at pagkatapos ay tumango.
"Sige na.. kami nalang ang inaantay ng barko oh!" pagputol ni papa sa moment namin. Maya maya pa ay sabay sabay na kami nina Rosalind na sumampa ng barko.
" Babye papa,Kuya.... ate Rosalind love you!..!" sigaw ni Athalia habang kumakaway sa papalayo naming barko. Makalipas lang ang ilang minuto ay nahanap na rin namin ang room namin na tutuluyan habang naglalayag papunta ng misteryosong isla.
Magkakasama kami ni Rosalind sa kwarto na tama lang ang laki at may dalawang bed naman samantalang si papa ay sa kabilang kwarto naman na tapat lang din ng room namin. Inayos muna namin ang mga gamit at pagkatapos ay sabay sabay na kaming lumabas para matanaw naman ni Rosalind ang ganda ng dagat habang nakasakay sa barko.
"WoW!....ang saya naman nito Jean!" manghang manghang sabi niya.
"parang ngayon kalang talaga naka sakay ng sasakyang pandagat noh?"tanong ko, "Oo nga wala naman kaseng dagat sa Manila diba?" sarkastikong sagot niya, tapos sabay tawanan namin.
"Oo nga pala bakit ka pala sumama dito?" seryosong tanong ko sa kaniya, " Wala lang gusto ko kaseng makawala sa gulo ng buhay namin sa bahay" tugon niya. "huh? e bat dito ka sumama, dimo ba alam na napaka delikado ng paglalayag na to?" pagtatakang tanong ko, "Alam ko naman, eh kasama ko naman kayo e kaya alam kong magiging safe naman ako pag kasama ko kayo ni papa mo diba?" paliwanag niya. Tumango nalang ako bilang sagot tapos niyaya ko siyang pumasok na para makapag pahinga ng kaunti.
Rosalind's Pov,
Habang papunta kami ng kwarto ni Jean, may nakakatawang pangyayari na dahilan ng hindi ko pagpigil ng tawa ko. "Jean!" tawag ko sa kaniya. Lumingon siya ng bahagya at sabay sabing " Oh napano ?" pero imbes na sabihin ko kung anong problema ay natawa nalang ako ng super lakas na halos maluha luha nako.
"Hoy bakit ka tawa ng tawa, anong meron?" tanong ulit niya ng may pagtataka habang nakataas na yung kilay sa akin pero hindi ko pa rin talaga mapigil tawa ko hanggang sa nag step forward siya at nacorner niya ako sa bandang gilid ng pader na dinadaanan namin, "sasabihin mo ba ? O hahalikan kita?" sabi niya ng may seryosong mukha, ako naman, natameme at bahagyang napalunok ng laway sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa as in kaunti nalang talaga magdidikit na mga ilong namin. Bahagya kong nilingon sa gilid mukha ko sabay sabing,
"Yu,...yung pants mo bes butas!" pautal kong sabi sa kanya pagkatapos ay nag kagat labi sa kaba dahil sa ginawa niya.
"Huh!... bat ngayon mo lang sinabi? jusko nakakahiya" bulalas niyang sabi habang dali daling pumasok ng kwarto hahahaha. Siguro nahiya kase kulay pink yung underwear nyang suot hahaha.
Maya maya pa ay sumunod na rin naman ako sa kaniya, pagdating ko ng kwarto nakapag palit na siya ng pambaba pero naka top less naman siya and SHET!... seryoso bang 17 years old palang siya sa ganda ng katawan niya? ang Yummy niya, jusko kahinaan ko pa naman mga ganiyang katawan...
"Oy magdamit ka nga kita mong may babae kang kasama sa kwarto bat di kana lang sa banyo mag bihis!" kunwari nalang na naasiwa ako sa kaniya pero sa totoo lang okay lang naman. Agad din naman siyang nagbihis at nahiga na ng kama niya.
" Arte mo bes hindi naman madumi katawan ko diring diri ka!" sabi niya
"eh what if may pumasok na iba baka isipin na ano?" banat ko naman , tapos biglang bangon siya at lapit ulit ng mukha sakin, " Isipin na ano? may ginagawa tayo? ikaw ah!...dumi ng utak mo" sabi niya sakin ng may mukhang mapang asar. " Ewan ko sayo bleh!" sagot ko nalang.
pagkatapos nun ay nagkaniya kanya na kaming likot sa sarili hanggang sa makatulog.
*To be Continued*
*Not Proofreaded*
kala ko may kwarta na ako peste ka hahahaaha