Lost In the Sea- Chapter 2

0 23
Avatar for Argent
Written by
3 years ago

This is the continuation of the story of a Jean and his life struggles;

Chapter 2: The newly found Friendship

Rosalind's Pov,

"Hay,.... ambilis naman ng araw martes na kaagad, may klase ka nanaman Rosalind kaya bilisan mo na ang pag aayos at baka mahuli kapa!" sabi ko sa sarili ko habang inaayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin. "ANAK!.... HINDI KAPA BA TAPOS? MAHUHULI KANA SA SCHOOL MO NIYAN!" Pasigaw na pagtawag ng mama ko mula sa baba. Medyo matagal din kase akong mag ayos ng sarili lalo pa at mahaba at makapal ang hair ko kaya mahirap patuyuin.

*sa campus

Pag kababa ko ng tricycle ay agad namang bumungad sa harapan ko si Jean nakangiti lang siya and sa totoo lang may hitsura din naman siya bukod pa doon, nakakadagdag pogi points din ang kabaitan at pagiging kwela niya. Sa lahat naman kase ng mga kaklase namin siya yung unang lumapit at nagpresenta na umalalay sa akin kahit na mulhang torpe naman, pautal utal pa nga nung una e hahahaha! pero all in all okay naman siya. " Uy Rosalind, tamang tama sabay na tayong pumasok ng room nauna na rin kase si Athalia EH" maaliwalas na aya ni Jean sa'kin. Agad naman akong tumango ng may ngiti sa kaniya at iyon na nga sabay na kaming naglakad papuntang room.

" Uuuuy.....! kayo ah parang may something na ah, parang kahapon lang ah kayo nagkakilala tapos sabay ng pumapasok? Iba talaga si Jean" buladas sa amin ni Christopher isa sa mga kaibigan ni Jean na sobrang ingay, kahit saan mo yata dalhin tong lalaking t;o dadaigin at dadaigin talaga kahit babae pagdating sa kaingayan eh. So yun na nga pagkasabi ni Tope napakamot nalang sa batok si Jean sabay pabirong siniko ang kaibigan sa pang-aasar.

*first period Biology class*

" Good morning everyone!" ani ma'am Amy.

"Good morning Ma'am Amy!" Sagot naman ng klase in chorus.

"now before ko makalimutan, paki labas ng mga assignment ninyo, You all know my rules,No assignment is as good as no recitation plus kailangan niyong lumabas sa klase and wait for your next class!" Pataray na paliwanag ni ma'am Amy.

"SHET!... I forgot my notebook sa desk ko sa kwarto at sa lahat pa ng maiiwan eh yung notebook ko pa sa biology!, PANO TO?" pag aalalang sabi ko sa loob loob ko. Kung di niyo kase naitatanong si ma'am Amy yung tipo ng teacher na okay lang if maabutan niya kayong magulo sa classroom pero batas militar pagdating sa academics lalo na sa subject niya.

" Psst!, Rosalind, anong problema? bat parang kabadong kabado ka?" tanong ni Jean, napansin ata niya na namomroblema ako. "Ah...eh...! wala, wala okay lang ako chill ka lang diyan" sagot ko sa kanya. " Wala kang assignment noh?" biglang tanong niya ulit tapos bigla akong natigilan tapos humarap ako sa kanliya sabay yuko pagkatapos ay bahagyang tumango.

"Pero gumawa naman talaga ako ng assignment eh, yun nga lang naiwan ko sa bahay" pagpapaliwanag ko sa kaniya habang hinihilamos kamay ko sa mukha ko. Maya maya pa nasa tapat na namin si ma'am Amy, "Oh kayong dalawa nasaan mga assignment niyo?" strict na tanong ni ma'am.

" Ah ma'am pasensya na po! hindi ko po nagawa assignment ko nagka emergency po kase sa bahay kagabi po kaya diko po nagawa" Biglaang sagot ni Jean

" Oh alam mo na gagawin mo nak ah!... get out!" sarkastikong tugong ni ma'am. " ikaw naman ganda? wala din? Oh sige na samahan mo na boyfriend mo sa labas" pagtataas niya ng kilay na sabi sa akin. Katapos ay sumunod na rin ako kay Jean palabas habang sinusundan pa rin ng tingin ni ma'am Amy.

Habang papalabas ako nagtataka talaga ako kung bakit sinabi ng mokong na yun na wala siyang assignment eh nilabas naman niya kanina notebook niya at napansin kong nagawa naman niya kaya pagdating sa labas agad ko siyang tinanong.

" Bakit mo ginawa yun?" tanong ko.

"Ang alin yung sinabi ko kanina? *kibit balikat" sagot niya sa akin. Dahil nga hindi ako satisfied sa kibit balikat nyang sagot kaya kinulit ko siya hanggang sa.....

" Gusto kase kitang samahan eh ikaw lang naman walang preparation kaya syempre sinamahan kita, isa pa mahahabol naman natin lessons niyan bukas e kaya okay lang"
Pagpapaliwanag niya samantalang ako pasimpleng napangiti sa sinabi niya in fairness gentleman din naman pala tong lalaking to mali nga lang yung timing.

"Jean, pwede ba sabay tayong umuwi mamaya?" tanong ko sa kaniya. tumango naman siya na may matamis na ngiti, ewan ko kung bakit pero cute din pala siya pag naka ngiti ng sincere eh. "Saan kaba naka tira ?" tanonng niya, "Diyan lang sa Katipunan" maikling sagot ko. "talaga? saan banda doon? bat di kita nakikita,e taga dun din ako?" bulalas na sunod sunod niyang tanong.

"Ah sa Don. Emilio st. malapit sa may dalampasigan"...

"Ah kayo yung sinsabi nila mama na bagong lipat dun?, edi magkapit bahay lang pala tayo!" ngiting ngiting sabi nanaman ni Jean. " Oh pano ba yan sabay kana lang samin nila papa ko ah hatid sundo kase kami eh pero padyak lang ah wagkang mag expect ng Ferrari wala kami nun!" excited na dagdag pa niya, ako naman tumango nalang pagkatapos nun ay nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano hanggang sa naubos na namin ang oras para sa first subject.

* sa classroom*

Jean's Pov,

Pagkatapos na pagkatapos ng first subject ay dumeretso kami agad papuntang room, masaya naman palang kausap itong si Rosalind e akala ko naman mahinhin ng sobra, kalog din pala ng very very light hahaha. Andami dami naming napagkwentuhan sa loob ng one and a half hour naming free time hahaha.

" Jean... kamusta? anong feeling ng mapalabas kasama si Rosalind? sulit ba?" sarkastikong tanong ni Tope, kahit kailan talaga puro kalokohan tong mokong na to, walang ibang ala kundi mang asar pero isa ring torpe pagdating sa mga chix.

"Para kang ewan noh par? hahaha sikretong petmalu ko na yun!" pagyayabang na sagot ko. "Naks naman!.... iba ka talaga lodi ikaw na talaga" pang aaasar niya pa.

" Alright Class, our topic for today is about kin relationship and for the sake of our discussion, I want you to find a pair at dapat ang isang pair ay opposite gender, you understand?" pagpapaliwang ni sir Kim.

" YES PO SIR!...." class in chorus.

So yun nga, dahil malapit lang din naman si Rosalind sa akin at close na rin naman kami kahit papaano kaya siya nalang ang pinili kong partner ko for the activity na ipapagawa ni sir. And shet, shet ang pinapagawa sa amin ay dapat sa buong time ni sir is kikilalanin namin ng mabuti ang bawat isa pagkatapos ay ikukwento namin sa klase kung ano na ang pagkakakilala namin sa mga partner namin base sa mga kwento na kapwa isishare namin with each other.

*20 mins later*

" Okay class, enough of the sharing it's time for you to introduce your partner base sa pagkakilala niyo sa kanila" utos ni sir Kim. Ang galing nga naman ng palabunutan ni sir at kami pa ang nabunot na mauna sa activity pero okay lang , si crush naman ang ikukwento ko eh hehehehe!. siguro inabot din kami ng mga 5 minutes kaka share ng mga nalaman namin sa isa't isa and it was very good naman kahit puro kalokohan lang yung ibang alam namin.

*Sa labas ng gate*

Nag- aantay nalang kami ng sundo namin ni Athalia para makauwi na at syempre kasama namin si Rosalind, sasabay kase siya sa amin kagaya ng napag usapan namin kanina since magkalapit din naman ang mga bahay namin at isa pa makaka tipid na din siya sa pamasahe pero syempre ang pinakang importante ay makakasama ko siya. Nagkwentuhan muna kami habang nag aantay kay papa.

" Rosalind friends na rin naman na tayo diba?" tanong ko sa kaniya.

" Oo naman bakit mo naman natanong pa yan eh obvious na rin naman diba?" pabalik na tanong niya sakin.

" So ibig sabihin nun pwede tayong magsabay gumawa ng mga homeworks natin kase diba magkapit bahay lang naman tayo tyaka naniniwala naman ako sa *2 heads are better than one'" sabi ko sa kaniya na medyo kinakabahan pa, pero buti nalang talaga at pumayag naman siya. Maya maya pa ay dumating na rin si papa.

" Oh nak, sino yang kasama nyo?" tanong ni papa. " Yan yung girlfriend ni kuya pa! hehehe , ayieeeeh!" pang aasar na sabi ni Athalia samantalang si papa naman parang tangang nakatitig lang sakin ng seryoso pagkatapos ay kinindatan lang ako sabay tawa ng malakas. "Oh ano pang hinihintay niyo? sakay na.. iha tabi kayo ni Athalia at ikaw Jean dito ka sa likod" utos ni papa pagkatapos ay lumarga na kami pauwi.

habang papauwi ay napakwento si papa ng kung ano ano hanggang sa... " alam mo ..." paputol na sabi niya habang nakatitig kay Rosalind, " Rosalind po!" pagdudugtong na sagot nai Rosalind kay papa. " ayun alam mo Rosalind maswerte ka dito sa anak ko bukod sa matalino na masipag at madiskarte pa, at boto ako sa inyo pero wag muna mag aanak hah!?" payabang na pagcheer up ni papa. Habang kami naman ni Rosalind ay nagkatinginan nalang at sabay humalakhak sa sinabi ni papa.

"Tito magkaibigan lang po kami ni Jean" pagpapaliwanag ni Rosalind na sinegundahan ko naman, "Oo nga pa wala pa naman sa isip namin yung mga ganyang bagay tiyaka mga bata pa naman kami oh" sabi ko nalang.

"Oh bakit sa pagkakaibigan naman nagsisimula ang lahat, hindi ba mga anak?" pagkokontra pa ni papa, " Isa pa hindi ko naman sinabi na kayo na" pahabol pa niya. "Oo nga napaka defensive niyo" dagdag pa ni Athalia kaya napabuntong hininga nalang ako. Maya maya pa ay tumigil si papa, nasa tapat na pala kami ng bahay nila Rosalind.

"oh dito nako niyan Jean, Tito thank you po sa rides ah,Jean sabay tayong pumasok bukas ah! babye , babye po tito, Athalia!" mabilis na paalam ni Rosalind. "Ayun oh kuya sabay daw kayo oh, ayieeeh! sana all pogi hahahaa" patutsada nanaman ng bunso namin. sarkastiko ko nalang siyang nginitian pero sa loob loob ko nun okay lang asarin ako ng ganun ni bunso kase sa totoo lang kinikilig din naman ako e hahaha.

Natapos ang araw ko na may ngiti sa aking mga labi at gigising kinabukasan na dala parin ang ganitong ngiti dahil sa bagong pagkakaibigan na nabubuo sa pagitan namin ni Rosalind.

*To be Continued*

*Not Proofreaded*

2
$ 1.22
$ 1.22 from @TheRandomRewarder
Avatar for Argent
Written by
3 years ago

Comments