Lost In the Sea- chapter 1

8 49
Avatar for Argent
Written by
3 years ago
Topics: Series, Romance

Gaano ka katatag?, Makakayanan mo kayang malagpasan ang pinaka mahirap na pagsubok ng iyong buhay? Ang kwentong ito ay patungkol sa isang batang lalaki na sinubok ng tadhana matapos makipag sapalaran kasama ng kanyang ama sa pag asang makakaahn din sila sa kahirapan.

Chapter 1: Jean's Simple Life

Jean's Pov,

Isang napaka-gandang linggo ng umaga, maganda ang panahon, saktong sakto lamang para makapangisda at umasa na magiging maganda ang biyaya ng dagat sa amin. maaga akong bumangon mula sa pagkakahiga kaya naman naisipan kong pumunta ng dalampasigan at tulungan ang aking ama sa pag hahanda ng kanyang bangka upang mangisda.

" Oh anak, ang aga mo yata? gusto mo bang sumama mangisda?" nakangiting bungad na bati saakin ng papa ko. "Sige po Pa sama ako!" maikling sagot ko na may halong kaba at excitement kase sa totoo lang, ay hindi rin talaga ako sanay sumama sa pangingisda dahil na rin sa mas tutok ako sa pag aaral. Inabot din ng halos 20 minutes yung pag aayos namin ng mga dapat dadalhin bago kami pumalaot. "ready kana ba anak?" seryosong tanong ng papa ko, tumango lang ako ng marahan na may kasamang ngiti bilang sagot sa tanong niya.

"sa gitna ng laot"

"Oh alam mo naman kung paano mamingwit diba nak? di na kita kailangan turuan ulit niyan?" tanong ng papa ko, "syempre naman pa ako pa ba? yakang yaka ko na to" so, yun na nga habang namimingwit at naghihintay ng huli, saglit akong napatitig sa kalawakan ng dagat, bigla bigla ko nalang na-realize kung gaano kami ka swerte na malapit kami sa karagatan dahil dito namin kinukuha lahat ng pangangailangan namin upang mabuhay at mairaos ang pang araw araw na pamumuhay bukod pa don, ito rin lang ang alam na hanap buhay ng magulang ko dahil nga hindi rin naman sila nakapag tapos ng pag-aaral, kaya nga ganun na rin ako ka pursigido sa studies ko. "Hoy Jean,ANAK!...." malakas na bulyaw ng papa ko mula sa kabilang side ng bangka, "hindi tayo nagpunta dito para mag sun bathing" dagdag pa niya, naka-idlip pala kase ako kakaisip kanina.

"oh tama na yang kakatulog, focus kana diyan sa ginagawa mo para makadami tayo" sabi ulit ni papa, sabay sagot ko ng "Aye! Aye!, Capatain". Napangiti nalang siya ng bahagya at umiling iling sa sinabi ko sabay balik focus sa ginagawa niya. Maya maya pa ay biglang napansin kong may huli na ang isa sa mga bingwit na inilatag ko sa dagat at laking gulat ko ng hatakin ko paangat ang bingwit, "OH MY GOD!" gulat na gulat kung pagkakasabi na may halong pagka mangha sa nahuli ko, sobrang laki ng isda na sa tantsya ko ay aabot ng mga limang kilo, " Pa.......! BILIS .... BILIS TIGNAN MO!" pa intense na tawag ko sa papa ko ng may pagmamadali, dali dali naman siyang lumapit at agad sinapo ang isda papuntang bangka upang alisin sa pagkaka-bingwit. Pagkatapos ay inayos na niya ang mga gamit, "Oh anak iligpit mo na mga yan, sa tingin ko ay tama na ito, sa susunod naman tayo mangisda baka magtampo sa atin ang dagat kung magpapaka gahaman tayo sa biyaya niya" masayang turan ng Papa ko kaya niligpit ko na rin at pagkatapos ay mabilis din kaming bumalik pauwi ng bahay at masayang batiin ang mama at mga kapatid ko sa dami ng aming huling isda.

pagka daong palang ng aming bangka ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Athalia, ang nag iisa kong kapatid, " Ma!...Ma!.. Andyan na sila papa, Yung lalagyan po bilis!....." tuwang tuwang sabi ni Athalia habang tumatakbo papalapit sa amin, dali dali rin namang sumunod si Mama habang bitbit ang batyang paglalagyan ng mga huli naming isda. "Waw ah!, andami naman niyan ang galing talaga ng mag-ama ko!" Palambing na sabi ng Mama ko, " siguro nabura na yung balat mo sa pwet nak kaya sinwerte kayo ngayon" pabirong dugtong pa ni mama. Pagkatapos niyon ay agad na rin kaming pumasok ng bahay para makapag pahinga kami ng papa ko at makapag hain na rin sila mama ng pananghalian naming pamilya.

Mirna's Pov,

Maaga akong gumising upang magluto ng agahan para sa mga anak ko at sa asawa ko, madami dami rin talaga kase ang huli nila kahapon kaya naman nakapagtabi pa ako ng ipanglulutong ulam para sa ngayon bukod pa roon ay may naitatabi pa naman kaming mga delata at itlog, tamang tama para makapag luto ng masarap na agahan para sa'king mag aama.

" Mga anak... gising na, magsibangon na kayo riyan at lalamig ang pagkain." marahang sabi ko sa dalawa kong anak. Mabilis namang bumangon si Athalia, paborito kase niya ang itlog at sardinas na pinaghalo at saka iprinito, samantalang si Jean naman ay humirit pa, "ma.....pwedeng 5 minutes pa?.. sarap matulog e.." sabi niya ng medyo malat pa ang boses. Pero dahil araw ng lunes at may pasok, hindi pwedeng hindi siya babangon kaya naman bahagya ko siyang pinasaringan, " hay naku, naku masamang pinaghihintay ang grasya sige ka baka magtampo yan sayo at sa susunod ay di na tayo biyayaan ulit!"

Pagkatapos kumain ay inalalayan ko naman ang aking bunsong si Athalia para mabilis siyang makapag ayos para sa pagpasok sa eskwela. Ilang saglit pa ay umalis na ang mag aama ko papuntang eskwelahan. " Mauuna na kami ma!" pagpapaalam ni Antonio, "mag iingat kayo, yung mga bata Pa ah!" tugon ko naman sa kaniya, " babye mama! I Love You!" Pahabol pa ng dalawa kong anak.

Jean's Pov

*Sa School*

kriiiiiiing!.....Kriiiiiiiing!.......Kriiiiiing!... tatlong beses na tunog ng bell na rinig na rinig hanggang sa labas ng gate kung saan kami nakatayo nila papa at Athalia, kararating lang kase namin galing ng bahay medyo mabagal din kase hinahatid sundo kami ni papa gamit ang Padyak niya pero at least nakakatipid kami sa pamasahe at hindi pa kami napagod sa paglalakad. " Sige na po pa pasok na kami ni bunso mahuhuli na po kami sa Flag ceremony eh!" mabilis kong paalam kay papa sabay dali daling lakad para makahabol sa pila bago mag umpisa ang pag awit ng pambansang awit.

" Bunso sige na pasok kana sa room niyo, galingan mo sa klase ah tapos kita nalang tayo sa canteen mamayang recess" nakangiting sabi ko kay Athalia, sinagot naman niya ako ng tango, pagdating kase sa school medyo mahiyain tong kapatid ko kahit na nasa grade 7 na siya samantalang ako likas na palakaibigan mula pa nung elementary hanggang sa ngayong nasa grade 11 na ako.

Pagdating ng classroom, naabutan kong nagdadaldal ang mga kaibigan ko sa kanto ng room bandang likod, sa isip isip ko nun may pinagkukwentuhan nanamang kalokohan mga to kaya nasa pinaka dulong sulok sila nagkukumpulan. Syempre naintriga ako mga besh kaya nakigulo ako. "HAHAHAHA! PUTEK KAYO! akala ko kung ano pinapanood niyo,WAHAHAHAHA" iyon nalang kusang lumabas sa bibig ko sa nakita ko, kaya pala nagkukumpulan yung mga ungas, nanunuod pala ng alam niyo na... yung puro kalaswaan at kalibugan ang content. "Oy Jean, wag kang ano diyan par, manood kana rin dali na hahahaha" sabi nung isa pero hindi ko pa rin talaga mapigilan tawa ko sa kalokohan nila, yung isa halos lumuwa na yung mata sa kakapanood habang yung isa naman animo'y giraffe sa haba ng leeg kakapilit isiksik yung sarili niya makita lang yung pinapanood.

"hoy ano nanaman yang pinagkukumpulan niyo riyan? kayo ah di niyo manlang ako sinasali!" pabirong sigaw ng teacher namin sa biology, Shet! sa sobrang busy nila at sa sobrang aliw ko sa kanila ay hindi manlang namin namalayan na nasa loob na pala ng room namin si ma'am Amy pero in fairness ah hindi siya yung tipikal na teacher na kapag naabutan kayong hindi pa naka ayos ay pagagalitan na kayo. " okay class before tayo mag umpisa sa ating lesson for today, mayroon muna tayong kaunting patalastas" panimulang sabi ni ma'm. Ilang saglit pa ay may pumasok na ang isang dalaga, halos kasing tangkad ko lang siya, siguro mga nasa 5'7 ang tangkad, maputi at medyo payat ang pangagatawan. Kung mukha ang pag uusapan aba ay palaban itong si ate, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata at may pa dimples pa kapag ngumingiti. Habang naglalakad siya sa harapan ay para bang tumigil ang ikot ng mundo ko at para siyang bituin na nakaka akit ang ningning na para bang hindi na maibaling sa iba ang aking tingin. "JEAN!" pagbubulyaw na tawag ni ma'am Amy. "uy Jean yung laway mo tumutulo oh!" pabirong sabi naman nung isa naming kaklase at nagtawanan ang buong klase dahil doon. "Quiet!....class, meet Rosalind, your new new classmate!" pakilalang maikli ni ma'm Amy sa bagong estudyante.

"Hello Rosalind welcome to our class!" sabay sabay na pag welcome ng buong klase kay Rosalind.

"Hi, good morning ako nga pala si Rosalind 16 years old, ahm.... galing akong manila pero nagdecide sila mama na lumipat dito kaya napilitan din ako magtransfer, yun lang po!" maikling pakilala niya sa amin. "Oh Rosalind hanap kana ng mauupuan mo at ng makapag-umpisa na tayo" utos sa kaniya ni ma'am Amy. Saktong wala ng ibang bakanteng upuan maliban sa upuan sa tabi ko, nasa likod kase ako laging umuupo at dun talaga ang gusto kong pwesto para iwas tawag kapag may recitation at talaga namang swerte yung pwesto ko at makakatabi ko pa yung bagong lipat na estudyante at crush ko pa, arrrgggh!

Kriiiing!...kriiiing!....Kriiiing!.. alingaw ngaw ng bulok naming bell, oras na pala ng recess at syempre chance ko na to para magpasikat kaya niyaya kong sumabay sakin si Rosalind sa pagpunta ng canteen, " Hi Rosalind, tama ba? ah....! gu..gusto mo samahan nalang kita sa canteen? p..para naman may kasabay ka tyaka para dika nag iisa." pautal utal ko pang yaya sa kanya. Tumango naman siya agad at ngumiti, "jusko lord sana naman siya nalang itinadhana mo para sa akin!" sa isip isip ko nun.

Bago kami dumiretso ng canteen ay dinaanan muna namin si Athalia sa room niya para sabay sabay na kaming kumain. "Oh kuya?, Girlfriend mo? iba rin talaga tong kuya ko oh magaling pumili!" masiglang banat ng bunso kong kapatid, " hindi,...hindi ko boyfriend ang kuya mo, bago lang kase ako dito kaya sinamahan ako ni Jean!" mahinhing sagot naman ni Rosalind sa kanya sabay bato ng matatamis na ngiti.

*Sa Canteen*

"Anong sayo Jean? tyaka diyan sa dalawang magandang dilag na kasama mo?" tanong ng tindera sa canteen. "Ah ate tatlong order nga po ng pansit tiyaka bigyan mo po kami ng tatlong juice din po" malakas na sabi ko kay ateng tindera para diko na uulitin kung ano order ko. Pagkatapos nun ay umupo na kami sa upuan malapit sa kung saan kami nag order ng pansit, maya maya pa, " Oh mga gwapo't magandang estudyante na mahilig sa pansit, ito na po order niyo" palambing na sabi ng tindera, " ikaw naman ate syempre naman masarap luto mo kaya binabalik balikan namin" pasuhol kong sagot sa kanya.

Pagkatapos ng recess ay nagpatuloy na ang klase.

"Okay class, that's all for today and have a good day!" pagpapaalam ng teacher namin sa last period. Pagkalabas na pagkalabas ng gate ng school ay hinanap agad ng mata ko si Rosalind pero hindi ko na siya nakita., nauna na siguro umuwi, di rin kase ako nakapag paalam sa kaniya kanina kase nagpatulong yung teacher namin na dalhin mga gamit niya pabalik ng faculty. Ilang minuto pa ay dumating na din si Athalia at sabay na naming hinintay si papa para sunduin kami.

"Jean!, Athalia anak!" mahinang tawag ni papa sa amin, dun pala siya sa bandang likod pumarada kaya hindi namin agad napansin. 15 minutes after ay nakauwi na kami ng bahay. " oh mga anak kamusta school? ginalingan niyo ba?" tanong ni mama habang nakaabay sa amin ni Athalia, "Oo naman ma!, pero alam mo ba ma, si kuya...." pabirong sabi ni Athalia.

" Pssst, oy bunso manahimik ka nga, hay naku ma wag kang maniniwala diyan hindi totoo yan!" mabilis na sabat ko para matigil agad ang balak sabihin ni Athalia. " Jean ano yun ah?...." pagtatakang tanong ni mama na alam ko namang nang aasar lang. " Oo nga napaka defensive diba ma? wala pa nga akong sinasabi e hahahaha" dugtong pa ni Athalia, Tapos tawanan in chorus. " tama na yan pasok na tayo at ng makapag hapunan na!" pagpapatigil ni papa sa asaran namin.

At sabay sabay na kaming pumasok ng bahay para makapag hapunan at makapag pahinga na rin.

"OH dear God, salamat po sa napaka gandang araw ko ngayon sana po makita ko ulit si Rosalind bukas para naman maganda lagi mood ko maghapon, goodnight po!" maikling dasal ko bago ako matulog.

*To be Continued*

*Not Proofreaded*

4
$ 2.11
$ 2.11 from @TheRandomRewarder
Avatar for Argent
Written by
3 years ago
Topics: Series, Romance

Comments

Walang tatalo sa kriiiiiiing kriiiiiiing hahahaha. Hindi nyo kaya yon

$ 0.00
3 years ago

hahahaha ampangit kase pag walang ganun ...Argent lang may ganun hahahaha

$ 0.00
3 years ago

umasa ka ba na si rewarder bot to? wala na izz a prank hahahaha

$ 0.00
3 years ago

at least nagawa ko request mo

$ 0.00
3 years ago

hahaha siraulo gulat nga ako inantay talaga e

$ 0.00
3 years ago

[deleted]

$ 0.00
3 years ago

Done hahahaa

$ 0.00
3 years ago

Hahaha

$ 0.00
3 years ago