Salamat sa SSS Unemployment Benefits

4 40
Avatar for Annthony18
4 years ago

Isa ako sa mga OFW na naapektuhan ng kasalukuyang nanalasa na pandemya sa buong mundo dulot ng covid19 virus. Isa akong seafarer na nag tratrabaho sa barko bilang isang laundryman at napabalik ako dito sa ating bansa nuong April 5 na hindi ko natapos ang aking kontarata sa trabaho sa barko na dapat sana ay matatapos nuong nakaraang july 15.

Hangang ngayon ay wala pa rin akong schedule ng balik sa barko na sa kasalukuyan sa aking experience itong 5 buwan ko na pamamalagi now sa pilipinas ay ito na ang pina ka matagal na stay ko o bakasyon na inaasahan ko pang madadag dagan pa ng ilang mga buwan lao nat meron pa rin pandemic na mhihirapan mag bukas uli ang mga cruise ships sa ibang bansa at mag pa balik ng mga crew nila sa pag lalayag uli, kagandahan na nga lang nito ay kasama ko ang aking mga mahal sa buhay sa ganitong oras ng pandemic at kaya para maka survive ay dumidiskarte ako at ang aking asawa sa pag luluto ng kung ano ano at pag tinda oline at meron din kami resellers at pati na rin ang mga raket namin oline na kahit maliit lang ang aming kinikita ay talaga namang napakalaking tulong sa aking pamilya sa panahon ngayon.

At bukod nga dun s a mga raket namin ay gusto ko din i share ang mga natangap ko na ayuda mula sa gobyerno natin na programa nila para sa mga distressed ofw una ay sa nakuha kong ayuda mula dole owwa akap program nila na kung saan ay naka kuha ako ng 10,000 pesos at iba pa nating mga ofw na na pauwi. At ng mabalitaan ko nga na meron din ang programa ng ating gobyerno na Social Security System na tinatawag na Unemployment Benefits na kung saan ay para sa mga myembro local na nag tratrabaho dito sa pinas o mga OFW na in voluntary na nawalan ng trabaho na merong nang mahigit na 36 na hulog sa SSS ay kwalipikado sa kanilang programa na maaring makatangap ng maximum na 20,000 pesos.

At dahil na nga rin sa kwalipikado naman ako dahil ako ay napauwi dahil sa covid19 ay nag apply ako sa kanilang official website na https://member.sss.gov.ph/members/ at nag pasa ako ng 2 dokumento na kailangan upang ma approved sa benefits una na nga dito ay ang certificate mula sa aking employer na nag papatunay na ako ay napawi at di nkatapos ng kontrata at pangalawa ay isa pang certificate mula sa DOLE or Department of Labor and Employment na nag papatunay na nawalan talaga ng trabaho na di natin kagustuhan.

Mabilis lang ang proseso ng pag aaply ko inabot lang ng one week sa pag apply ko oline ay may natangap ako na email na approved na ang aking application na umabot sa halagang 14,000 mahigit at after nga ng 1 week ay pumasok na sa personal bank accounts na nka enroll sa SSS ang pera na ayuda mula sa kanila. Salamat talaga at malaking tulong ito sa aking pamilya sa mga members dito sa read cash na kagaya ko na nawalan ng trabaho involuntary feel free to cooment lang po at handa po akong mag bigay ng gabay sa inyo para makakakuha din kayo ng ayuda salamat po......

4
$ 0.00
Avatar for Annthony18
4 years ago

Comments

Mismo! My kuya got some unemployment benefits too. Kahit papaano, nakakaraos sa pandemic na ito. At totoong mabilis nga po ang process 💛

$ 0.00
4 years ago

makakakuha rin ba yung mga dina nahulugan yung sss

$ 0.00
4 years ago

ang mga kwalipikado po na mabibigyan ng un employment benefits ay yong at least meron na 36 times na contribution sa kanilang SSS membership account at mga kasalukuyan po na nawalan ng trabaho in voluntary.

$ 0.00
4 years ago

congrats poh..sana makatanggap din yung iba..

$ 0.00
4 years ago