Itinaas ng diyos ang mga ibinababa ng mga taong mapng husga.

16 52
Avatar for Annthony18
4 years ago

Sa buhay ko ngayon ay masasabi ko na hindi rin biro ang aking pinagdaanan lumaki ako ng walang guidance ng ina ng mamatay ang aking ina sa edad kong limang taon, nag rebelede ako nuon nag loko sa pag aaral, napabarkada at naluluong din dati sa mga ipanagbabawal na gamot, pero mlahat yun ay bakas na lng ng aking nakaraan. At salamat sa diyos at ipinadala niya sa akin ang aking asawa at ng dahil sa kaniya ay nag bago ako at nag karronhg ng direksyon ang aking buhay.

Nag karoon kami ng mga anak at naging kump0leto na nga ang aking buhay at lumigaya, nag simula ako na mag work nun bilang isang janitor sa isang mall hangang sa makapag work na nga ako sa aking trabaho ngaun bilang seafarer sa isang cruise ship. Subalit talaga palang sa bawat tagumpay mo ay may taong nakasubaybay sayo at hinihintay ka na lumagpak.

Real Talk ko na masasabi na ganun nga talaga ang buhay kasi iyong mga totong kulay ng tao ay makikita mo kapag ikaw ay nasa medyo hindi magandang kalagayan o estado ng iyong buhay, Noong dati kasi mga kamag anak ng asawa ko lagi lapit sa amin pag may kailangan at bigay namin kami tapos sisksik sa bahay ayus lang sige walang problema pero noong umangat lang din sila ng kaunti ay nag iba na ang ihip ng hangin, napauwi ako sa aking work sa barko dahil ko ntapos ang aking kontarata dahil sa p0andemic, at yong tila na parang tuwa pa ang ibang tao dfahil sa nangyari sa amin pero cge ayus lang kung saan sila masaya basta alam ko wala kaming ginawang masama sa kanila at wala kaming utang na loob sa sinuman sa kanila kaya namin mag asawa na makaraos sa buhay gaya nga ng ginagawa namin pag titinda oline ng mga luto niya aty pag gawa ko rin nmg mga pag kakitaan ng extra money online at pasasaan ba at magiging ayus din ang lahat yun nga lang iba na kc nalaman mo na ang totoong ugali nila na insecure pala sa lahat ng mga nakamit namin sa buhay pero bahala sila ipagdasal na lang namin sila.

At last week nga ay nkatangap na nga ako ng muling pag babalik trabaho sa barko at kailangan ko na namn uli iwanan ang aking pamilya para sa kinabukasan ng mga anak namin lahat gagawin ko hangat malakas pa ako at kaya ko pa at hindi ko na iisipion ang ibang tao kung ano man ang tingin nila tunay ngang itinataas ng diyos ang mga ibinababa. Salamat sa Diyos.

7
$ 0.00
Avatar for Annthony18
4 years ago

Comments

napakakulay ng life experiences mo..kung may pagsubok man na ibinibigay yun ay upang ihanda ka sa mas maganda at maginhawang buhay na nararapat para sayo.

$ 0.00
4 years ago

sana nga maibigay ko talaga ang maginhawang buhay na iyon sa aking pamilya lalo nat ngayon na nagyari itong pandemic ay nagastos ang mga ipon namin at back to zero na naman at panibagong simula na uli pero masaya pa din talaga ako at d kami pinapabayaan ni GOD at lagi sya nandyan para gabayan ako at ang aking pamilya.

$ 0.00
4 years ago

Laban lang po. Don't mind iyong mga ganyan klaseng tao. Sila kasi iyong puna ng puna sa baho ng iba na hindi nila natitingnan ang sarili nila kung sila ba ay malinis. Keep it up po! And be safe sa pagbabalik trabaho.

$ 0.00
4 years ago

salamat po miss ferfer uu laban lang talaga sa buhay ano man ang mga dumating at mga humaranag na pag subok laban lang lahat gagawin ko para sa aking pamilya at l;ahat aking makaya sa ngalan ng panginoon na laging nkagabay sa ating lahat na mga nanalig sa knya.

$ 0.00
4 years ago

Your a good Father, a good husband and a good person. Keep it up po! Laban hanggang kaya. Si God andyan lage naka gabay satin yan.

$ 0.00
4 years ago

inaamin ko naman talaga sa sarili ko na hindi ako perpektong tatay sa mga anak ko at lalo na sa aking asawa nag kamali na ako dati at natuto na talaga ako sa mga pag kaka maling iyon at ngayon nakita ko na ang tunay na kulay ng mga taong inaakala namin ay maasahan namin ay bahala na sila pag dasal ko na lang sila at san alumigaya sila sa buhay nila wala na lang paki alaman, tnx sa comments laban lang talaga!

$ 0.00
4 years ago

As long natatama natin ang pagkakamali natin sapat na iyon. Sino ba naman kasi ang perpektong tao. Lahat tayo nagkakamali. Kaya nakakahanga iyong mga taong kayang tanggapin ang pagkakamali at kayang itama iyon. Salute po sa yo! Aja!

$ 0.00
4 years ago

May mga taong punong puno ng inggit ang kanilang puso. Ayaw nilang umaangat ang iba at natutuwa pa sila sa ganitong kalagayan. Sa kabilang banda. Magpatuloy kalang kabayan. Laging magtiwala sa Diyos at ikaw ay papatnubayan.

$ 0.00
4 years ago

kaya nga kabayan hindi talaga mawala yang mga kontra bida sa buhay natin parang pelikula lang at parang sa social media din na kung tawagin ay mga basher. Hindi naman ako ganun sa kanila naging mabuti ako sa kanila at hindi ng isip ng ano m,an kapalit sa mga naitulong ko sa kanila ngunit sa kabila ng lahat ay kami pa pala ang masama sa paningin nila.

$ 0.00
4 years ago

Tama po kayo,kailangan lang po natin diretso at focus sakung ano man ang ating ginagawa na sa tingin natin ay tama,deadma na lang po natin yung mga taong mga ganun kasi pagsubok din yan ni Lord kung hanggang saan ang tapang natin,at sa kahuli hulihan din po ang mga taong mga ganyan ay sila ang hindi makakarating sa kanilang ibig paroroonan kasi sila yung di nkafocus sa anumang mission na ibinigay ni God sa Kanila kasi lingon sila ng lingon sa kapwa po nila diba? Feel ko po kayo kasi ganun din yung karanasan ko at ang hirap pa po kung ang mga taong ganun ay kadugo mo din lang..God bless po🙏🙏🙏

$ 0.00
4 years ago

Yan nga talaga ang hirap jan na tangapin ang katotohan na kung sino pa mismo ang kamag anak mo ay sila pa mismo ang humihila sa iyo pababa at kung medu nka kuha na mga biyaya ay masasama pa ang loob nila ganyan na siguro tayong mga pilipino hindi na talaga natin cguro maalis yan sa iba nating mga kababyan kaya tama ka nga gtalaga dapat focus lang sa mga bagay na gusto natin ma achieve sa buhay huwag na lang talaga pansisnin ang mga puna nila.

$ 0.00
4 years ago