Ekonomiya o Kalusugan????

6 35
Avatar for Annthony18
4 years ago

Sa kasalukuyang kinakaharap ng ating gobyerno sa laban sa covid19 virus pandemic ay hindi nagiging madali lalo na ngaun na ang Pilipinas na halos araw araw ay nkakaranas ng mga record highs sa pag pasok ng bilang ng mga positibo sa virus na ito na habang sinusulat ko nga ang artikulo na ito ay pumalo na nga tau sa 100k na sa kabuuan ay nasa 103,185 na ang kaso ng mga positibo dito sa ating bansa ng covid19 virus at ang isa nga sa kadahilanan nga niyan na sinasabi kung bat lumobo ang bilang ay dahil sa pag lagay natin sa General Community Quarantine na mas maluwag kumpara sa mga nkaraang Community Quarantine na kung saan pa nga ay nag karoon ng total lockdown at dahil nga duon ay nag labas ng boses ang ilan sa mga front liners natin na ibalik sa ECQ o Enhance Community Quarantine sa kadahilanang halos puno na ang mga bed capacity ng mga ospital na nakalaan sa covid patients at maging silang mga front liners ay tinamaan na rin ng virus na ating kalaban.

Sadya talagang anlaki na ng pinsala na idinulot ng covid19 virus na ito sobrang pahirap sa kabuhayan ang dala nito lalo na nung nkarang mga buwan at lalo na nga nung nag karoon ng lock downs sa buong bansa kung saan ay nahinto ang takbo ng ekonomiya natin nag sarahan ang mga establishments at ang resulta ay madaming nawalan ng trabaho at kahit nga na nag bukas na uli ang ekonomiya natin dahil sa nalipat tau sa mas maluwag na GCQ ay madami pa rin ang hi di na nakabalik sa kani kanilang mga trabaho at ang ilan nga mga industriya ay ngaun pa lang uli mag bubukas gaya ng mga gyms at spa at ang pag balik ng pasada ng mga binansagang hari ng kalsada na public utility jeeps.

At dahil nga sa hinaing na yan ng mga mismong front liners na mga naauna sa pag laban sa kalaban natin na hindi nakikita ay nahihirapan na at dumadaing na muling ibalik sa ECQ ang ekonomiya ay sadyang napa kalaking desisyon ang naka atang sa balikat ng ating Gobyerno lalo na sa ating mahal na Pangulong Duterte kaya ngaung araw ay may special na meeting ang ating Pangulo sa kanyang mga gabinete at inaasahan na mag lalabas ng bagong amyenda na ihahayag bukas tungkol sa usapin sa hinaing ng mga front liners. K a read cash kung kayo ang tatanungin ano ang mas matimbang para sa inyo Ekonomiya or Kalusugan??????/

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Annthony18
4 years ago

Comments

Mahirap talaga mamili ngayon :(

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga ito na siguro ang pina ka mabigat na pag desisyunan ng isang presidente para sa kanyang bansa swerte pa rin tau talaga na mga pilipino na kahit papano si Pangulong Duterte ang ang ating lider sa ngayon at hindi kagaya ni Mar Roxas at ng iba pa, pero dapat pa rin talaga maging maayos ang lahat ng mga magiging desisyunan nya para sa bayan.

$ 0.00
4 years ago

Pag aaralan ng ating gobyerno yan!

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga dapat talaga na masusi na pag aralan ng gobyerno ang mga magiging hakbang nila at mga desisyon tungkol sa isyu na ito na kung ano ang mas mainam na paraan para parehong di maapektuhan ang ano man sa kalusugan at sa tayo ng ekonoiya ng pilipinas ngaung panahon ng pandemic na dumarami na ang kaso at bilang ng mga positibo ng covid19 virus.

$ 0.00
4 years ago

Oo nga naman mahirap unahin ang dalawa kasi alam naman natin na importante ang ekonomiya at kalusugan. Siyempre sa ngayon kalusugan muna dapat, aanhin ang ekonomiya kung ang mga tao o mga manggagawa ay nagkakasakit.

$ 0.00
4 years ago

Mahirap talaga pumili kung ano sa dalawa ang mas matimbang kung kalusugan or ekonomiya at ginagalang ko po ang desisyon mo paps importante nga naman talaga ang kalusugan ng bawat isa na mamayan, pero mahirap din kasi na isa alang alang ang kalusugan para ipahinto uli ang pag bubukas ng ekonomiya ng ating bansa na kung saan ay naranasan na natin nung nag karoon ng lockdown ng mahigit 3 buwan sana lang talaga ay mas magandang paraan pa ang gobyerno na hindi kailangan ikompromiso ang alinman sa dalawa.

$ 0.00
4 years ago