read.cash Log in
@Annie1812

Aking Guro, Aking Kaibigan

Ikaw yung tipong guro ko at kaibigan Mabait, masayahin na aking kinagigiliwan Ikaw ang ay naging parte na nang aking buhay Narito ka na sa puso ko magpakailan pa man. Araw-araw tayong nagkikita sa paaralan Na kung saan may mga leksiyon ka na kinapupulutan Hindi lang leksyon ang tinuturo sa amin Pati mga iba't-ibang bagay na makakatulong sa amin. Sa klase ikaw ay nag leleksiyon At kaming estudyante ay nakikinig sa mga 'yon Inaamin namin na minsan kami'y inaantok Dala lang siguro sa sobrang pagod Ikaw ay mahusay sa sa diskusyon Kaya kaming lahat ay may nalalaman Tungkol sa mga bagay-bagay sa aming paligid Nararapat lamang bigyan namin ng pansin Marami na tayong pinagdaanan na mga karanasan Mga pasulit, sulatin, reporting at sagutan Maraming panahon na kami'y iyong inintindi Salamat sir sa iyong pagka-maintindihin sa amin Sa paaralan madami akong natutunan Nang dahil sayo aking guro ako'y naliwanagan Mga kasiyahang nararamdaman sa pang araw-araw nating interaksyon Ang hindi ko malilimutan magdaan man ang mga panahon.

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.