May iba na akong gusto

0 28

"May iba na akong gusto".

Yan na lamang ang narinig nya mula sa lalaking minamahal niya. Madami syang binitawang salita ngunit ang limang salitang iyon ang hindi nya malimut-limutan.Diyan nagtapos ang kung ano mang meron sila. Dalawang taon na rin ang nakakaraan ng huli silang magkita.Dalawang taon pero naluluha pa rin at nasasaktan sya tuwing maalala ang sandaling iyon.

Tahimik at malamig sa loob ng kanyang sasakyan. Kasing lamig ng damdamin niya para sa kanya. Hindi nya alam kung bakit bigla nalang nag-iba, matapos siyang hindi magparamdam ng dalawang linggo. Litong-lito, nagtatanong siya sa sarili. "Ano ba ang mali kong nagawa?

"Bakit di man lang siya tumawag na dati rati nama'y lagi nyang ginagawa."

Dati naman kinakantahan pa siya nito sa telepono na parang nanghaharana. Dati nama'y gumigising siya ng masaya dahil nabasa niya ang napakatamis na mensahe niya na galing sa kanya. Bakit nag-iba na?

Walang umiimik, nais niya mang magsalita ay di niya alam ang kanyang sasabihin. Tila ba ibang tao ang kasama niya. Dati-rati, kahit wala silang sinasabi, kahit hindi sila naguusap, kontento na sila sa piling ng isa't isa, basta magkasama lang sila, magkahawak ang kamay, ang ulo niya ang nakahandig sa dibdib ng lalaki habang hinahaplos nito ang kanyang buhok. Nakikinig sila sa musika at minsan ay sinasabayan pa nila ang kanta. Ayaw na nyang umalis at hinihiling niya na sana ang sandaling yaon ay di na matapos pa. Masaya, dahil kasama nya ang mahal nya, alam niyang mahal din siya nito sapagkat iyon ang sinasabi niya. "Mahal kita." Salitang pinanghawakan niya.

Paano nga ba nagsimula ang lahat? Ah, oo sa isang kumakaway na mensahe sa FB na natanggap nya sa mula sa lalaki. Nagparamdam na naman siya. Matapos ang ilang taong wala silang balita sa isa't isa.

"Ano kaya ang kailangan niya?".

Nagisip siya kung ano ang dapat niyang gawin. Makaraan ang isang araw ay sinagot niya rin ito ng kamay na kumakaway at duon na nagsimula, kamustahan.

"Kamusta babe?"

Oo, yan ang tawagan nila noon. Natawa na lamang siya sa tanung na ito ng lalaki sa kanya. Pakiramdam niya'y binibiro lang siya nito. Ngunit sumagot pa din siya.Hanggang nagtanong muli ang lalaki sa kanya.

"Labas naman tayo, kung libre ka".

Kahit nabigla siya, naisip pa din niya na wala namang masama. May pinagsamahan naman sila bilang magkaibigan kaya pumayag na din siya.

Doon naging masayang muli siya. Walang sila pero parang nobyo niya ito kung umasta. Sinusundo siya nito mula ss opisina pagkatapos ay kakain sa kung saan at ihahatid siya sa kanilang tahanan.

Napakasaya sa piling niya. Sa mga yakap at halik niya. Pero muli, walang sila. Walang relasyon pero nahulog na muli ang puso niya at akala niya ay sinalo naman ito ng lalaking mahal niya. Lalo na ng sabihin ng lalaking "mahal kita".

"Mahal kita", paulit ulit nyang naaalala at salitang pinanghawakan niya.

Dalawang taon na. Ang sabi niya ay magiging magkaibigan pa din sila. Yan ang sabi niya. Pero nasaktan siya ng sobra. Ang masasayang alala ay natapos lang sa limang salitang nasambit niya.

Lahat ng komunikasyon sa lalaki ay pinutol niya. Ang telepono niya ay di na tumutunog dahil sa mensahe at tawag niya. Wala ng nanghaharana sa kanya. Lahat ng iyon ay nasa kanyang alaala na lamang.

Nalaman nalang niya na ang lalaki ngayon ay masaya na, sa piling ng iba. Ang ginagawa sa kanya noon ng lalaki ay siya ring ginagawa niya sa bago niya. Ang pinagkaiba lang, legal sila. May mga litrato silang dalawa na magkasama at masaya at ipinapakita nila sa social media.

Sinabi niya sa sariling magiging masaya na lang siya para sa lalaking minahal niya. Magiging masaya siya kahit sa kaligayahang iyon ay di siya kasama.

Ngayon ay masasabi din niyang masaya na din siya, dahil may bagong tao na,bagong lalaki na nagmamahal sa kanya. ❤️

_annabanana10

Sana ay nagustuhan niyo ang aking istorya. Nawa'y may napulot kayong aral.

Maari lamang pong i click ang "Subscribe". Salamat mga kaibigan.❤️❤️❤️ Mahal ko kayo.

1
$ 0.00

Comments

This article is very interesting for all person. This article is about ghost. There is no ghost. Thanks a lot.

$ 0.00
3 years ago

Sorry I couldn't translate this so I couldn't get the write here but it seems cleared the oc..

$ 0.00
3 years ago