Bomba

0 23

Nagsimula ang lahat sa palitan ng mensahe.

Pampalipas lang ng oras, walang magawa eh.

Araw-araw silang magkausap.

Pagkalipas ng isang buwan, sila ay nagkita na.

Ang unang pagkikita nila ay nasundan at nasundan at nasundan pa.

Patuloy pa din sila sa pagpapalitan ng mensahe at nagtatawagan pa.

Hanggang sa naging higit pa sa pampalipas ng oras lang ang mayroon sila.

Napagpasiyahan nilang mabuti pa siguro gawin nilang opisyal ang relasyon nila.

Naging masaya naman ang simula.

Kalauna'y nagkaroon na ng problema ngunit naayos pa din naman nila.

Paglipas ng ilang buwan, matatag pa rin ang relasyon nila.

Pamilya ng babae ay kilala na nitong si lalake.

Ngunit si babae'y hindi pa ganun kakilala pamilya ng mahal niya.

Kaya't biglang si babae'y naging mausisa.

Ginamit ni babae ang teknolohiya.

FB ni lalaki, kinalkal niya.

Sa kanyang pagusisa, ang nalaman niya ay parang BOMBA.

Sobrang lakas na sumabog sa harap niya.

Parang binuhusan siya ng yelo, nanlamig ang buong katawan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Parang kumikirot ang puso niya.

At bigla na lang, umagos ang luha.

Pagkat nalaman niya

Na itong si lalaki pala'y...

may ANAK na sa iba.

Nadurog ang puso niya, Ngayo'y PAANO na siya?

1
$ 0.00

Comments