Bikolana/ Bikolano ka ba?

0 5

Kamusta ka? Kung binabasa mo to ngayon, salamat at tuloy lang sa pagbasa. Sa araw na ito ay ikikwento ko sa inyo kung paano ako nakarating sa probinsyang Bicol. Ito ay introduksyon pa lamang ng aking kwento,sana maging interesado kang basahin ang susunod na kabanata. : )

Sa totoo lang hindi ako dito lumaki, ngunit ang aking angkan ay dito talaga nagmula. Dito ako ipinanganak at nung ako'y limang taong gulang na ay lumipat ang aking pamilya at nanirahan sa Maynila. Dun ako nag-aral hanggang matapos ko ang hayskul. Nang matapos ako ng hayskul, napagdesisyunan ng aking mga magulang na bumalik kami dito at dito na manatili ng permanente. Noong una ay napakasama ng loob ko sapagkat maiiwan ako at mahihiwalay sa aking mga mahal na kaibigan, syempre hayskul ang pinakamasayang yugto ng buhay ng isang kabataan. Nanduon ang lahat ng kalokohan, tawanan, asaran, higit sa lahat, ang magkaron ng karelasyon.Sino ba naman ang hindi naging masaya sa buhay hayskul? Kaya naman ganun na lamang ang lungkot at konting galit na naramdaman ko ng sabihin ng aking magulang na kami ay uuwi na ng Bicol at dito na maninirahan. Naisip ko noon na kung sana pwede na ako magdesisyon para sa sarili ko ay mas pipiliin ko na lamang magpaiwan, pero hindi eh, di ko pa kaya buhayin ang sarili ko at umaasa pa lamang ako sa aking mga magulang kaya wala ako magagawa kundi ang sumunod.

Tandang tanda ko ang araw na kami ay bumiyahe na pauwi ng aming probinsya. April 2, 2004. Isang araw matapos ang aming pagtatapos. O diba, napaka lungkot. Yung pakiramdam na hindi mo makikita ang mga kaibigan mong naging mahalagang parte ng buhay mo. Yung kaibigan mo na syang dumamay sayo nung umiiyak ka dahil napagalitan ka ng magulang mo. Yung kaibigan pinatawa ka, yung naging dahilan kung bakit ka pa din pumapasok sa paaralan kahit napakasungit ng inyong guro. At ang higit sa lahat hindi mo na makikita ang pinakamamahal mong kasintahan, sayang ito pa naman ang unang pagkakataon na umibig ang bata kong puso, napurnada pa. Ano pa bang mas sasakit dyan?

Pagkalipas ng kalahating araw naming biyahe ay nakarating na nga kami sa aming destinasyon. Ang aming probinsya. Sinalubong kami ng aking tiyuhin, ang kapatid ng aking tatay. Gabi na ng kami ay nakarating kaya hindi ko masabi kung maganda ba ang lugar, isa pa sobrang pagod ako sa aming napakahabang biyahe kaya hindi ko na nakuhang pansinin pa ang nasa paligid. Ang naisip ko na lang, ito na ang simula ng bagong yugto ng aking buhay. Panibagong lugar, panibagong ako. Andito na ako, andito na sa Bicol.

Itutuloy...

4
$ 0.00

Comments

Galing. Sulat ka pa ng inspiring stories. Sigurado ako may mga matututunan kami dyan.

$ 0.00
4 years ago

Thank you for the upvote @ellimacandrea! ❤️❤️❤️❤️ Love love!

$ 0.00
4 years ago

Anu magagandang pasyalan ang matatagpuan sa Bicol? Maari bang magbigay ka ng ilang mahahalagang impormasyon?

$ 0.00
4 years ago

Madaming magagandang lugar dito,, unang una na si Bulkang Mayon, kung mahilig ka naman sa dagat, pwede ka pumunta sa Caramoan.. sa susunod kong artikulo, magbibigay na ako ng mga magagandang lugar, Pwede mo ko subaybayan.. salamat!

$ 0.00
4 years ago

Maganda ang iyong article patuloy e pag patuloy mo yan. God bless

$ 0.00
4 years ago

Maraming salamat! Binigyan mo ako ng inspirasyon na ipagpatuloy ang pagsusulat. ❤️❤️

$ 0.00
4 years ago