Ang Bumihag Sa Aking Puso

0 8

Ikalawang Bahagi-

Eto na ang karugtong ng aking unang kwento. Ituloy na natin ang kwentuhan.

Ayun nga, nakarating na kami sa Bicol ng aking pamilya, wala kaming bahay na sarili kaya nakitira kami sa bahay kung saan lumaki ang nanay ko. Hindi ito kalakihan at luma na, gawa ito sa kahoy at dalawang palapag. Sa ibaba ng bahay kami tumira, kasama ang pamilya ng aking tiyuhin, sa taas ay mayroon namang tatlong pamilyang umuupa. Maingay dahil ang daming taong labas pasok sa kabahayan. Hindi ko sila kilala, nahirapan ako sa simula, lalong lalo na ang pagsasalita ng bikol. Pero di kalauanan ay natutunan ko na din tanggapin ang katotohanan, na ito na ang aking magiging mundo.

Makalipas ang ilang taon,natapos ko na ang kolehiyo at nagsimula na din akong magkaroon ng trabaho. Sa panahong ito ay magaling na akong magsalita ng bikol at madami na din akong kaibigan, tuluyan ko na ngang nakalimutan ang Maynila.

Sa panahong ito ay napamahal na ako sa Bicol. Sa ngayon ay mahigit sampung taon na ako namamalagi sa probinsyang ito. Makailang ulit na rin akong umalis at pumunta sa ibang lugar upang magtrabaho pero bumabalik at bumabalik pa din ako sa aking mahal na probinsya.

Mas nakilala ko na ang aking probinsya, ang ugat ng aking angkan. Masasabi ko ng isa na akong "Uragon".

Marami -rami na din akong narating sa probinsyang ito. At marami pa akong gustong puntahan. Tuloy lang sa pagbasa at makikita mo kung gaano kaganda ang lugar namin.

Calaguas

CALAGUAS ISLAND

Kung akala mo Boracay ang nasa larawan, nagkakamali ka! Iyan ang pinakaunang isla dito sa Bicol na bumihag sa aking puso. Yan ang napakagandang isla na matatagpuan sa Camarines Norte. Mula sa aking lugar,kelangang bumiyahe ng humigit kumulang walong oras upang marating ang kabigha -bighaning isla na ito, ilang sasakyan din ang sinakyan ko. Kailangan din sumakay sa bangka papunta dito dahil iyon lamang ang transportasyon na papunta sa isla.

Sa ngayon, iyan muna, abangan ang susunod kong artikulo. Sana ay nagustuhan mo.

1
$ 0.00

Comments

Nice one @Annabanana10 proud bicolana here. Pwede mo rin ito isubmit sa ibang filipino community para makita ng iba ang ganda ng bicol. 😊

$ 0.00
4 years ago

salamat @ellimacandrea! Sge i-se share ko pa sa ibang community. Salamat sa pagbabasa! ♥♥♥

$ 0.00
4 years ago

Ako ay naging tagahanga muna. sana ipag patuloy mo pa ang magagnda mong kwento para mas lalong dumami ang iyong ma inspired at isa ako dun. Bawat publish dito ay aking binabasa ginagawa kong pampalipas oras ang pag babasa ng mga artikulo na sina submit niyo dito at ito namay ay nakalilibang dhil ibat ibang kwento nababasa ko. Salamat at ikay mag ingat kaibigan.

$ 0.00
4 years ago

Maraming salamat sa mga papuri @salma. Akon ay kasalukuyang gumagawa pa ng artikulong karugtong nito. Kung gusto mo ma notify. Maari lamang na mag subsribe ka ❤️ para ma notify ka kung may bago akong artikulo . Maraming salamat kaibigan! ❤️❤️❤️❤️

$ 0.00
4 years ago