Balik tanaw sa tag-ulan

0 12
Avatar for Angelxiao28
3 years ago

Pag ganitong maulan,di ko maiwasan na d malungkot kasi ang daming bumabalik sa alaala ko 😔 April 02,2017 isang gabing ndi ako dalawin ng antok,d ako napapakali sa d malamang dahilan hanggang sa nagbukas ako ng Facebook at sa pag sscroll ay nabasa ko ang post ng kapatid ko na humihingi ng tulong na maka kontak sa sinuman na makakapag sabi sa lagay ng mama ko dahil nabangga daw ito,dun kinabahan na ko at nag pm ako sa kanya at tinanong kung anu nangyari at yun nga nabangga daw ng motor si mama,akala ko minor injury lang kaya pinilit ko rin makahanap ng kontak sa kung sinu man ang nasa hospital ng time na yun at ng may matawagan nga ako ay dun ko na nalaman na wala na raw si mama 😭😭ang lakas ng impact pala ng pagkakabangga dahil lasing ang driver ng motor,ilang minuto akong natulala saka na ako biglang naiyak..d ako makapaniwala ,kasi one week before ay nakausap ko pa sya sa phone ,buhay na buhay tapos biglang ganun..Gumawa agad ako ng paraan para makauwi kami ng bicol ,kasama ang asawa ko..Nang nasa harap na ko ng kabaong ni mama ay hindi pa din talaga ako naniniwala na wala na sya..Hindi nila ako nakitang umiyak ,pigil na pigil ko ang emosyon ko ng mga oras na yun. Para sa mga kapatid ko kala nila wala lang pero d nila alam na durog na durog ako that time.Kung lahat kasi kami magiging mahina sino pa ang magiging lakas nila lalo na sa bunsong kapatid ko na nakita mismo sa harap nya ang sinapit ni mama kaya walang tigil sa kakaiyak.Pag uwi namin dito sa manila saka ako umiyak ng umiyak😭 naalala ko lahat ng mga ginagawa ni mama,Yung pagluluto ng almusal tuwing papasok kami nung elementary,ung matyaga syang gumigising sa umaga para busog kaming papasok sa school,lahat ng luto ni mama hinahanap ko gang ngaun..Kung pwede lang ibalik ang pangyayari na un sana gusto kong mapigilan ang aksidente na yun..Naniniwala ako na si satanas ang may pakana ng sinapit ng mama ko.Lasing na driver,walang lisensya,ni hindi man lang tumulong ang pamilya nung burol ni mama..Galit na galit ako gusto ko syang sugurin at iparamdam sa kanya kung anung ginawa nya sa mama ko😭😭.Hanggang ngaun nasa proseso pa din ako na sana pag nakita ko yung taong gumawa nun sa mama ko ay sana mapatawad ko sya pero sa ngaun ndi pa..😭😭Ganito ako kalungkot kapag umuulan dahil nangyari yang aksidente ni mama ng umuulan..

2
$ 0.00
Avatar for Angelxiao28
3 years ago

Comments