Angel's Stories(2)

0 20
Avatar for Angelxiao28
3 years ago
So ito na nga po yung continuation ng "IKAW ANG DAHILAN"
make sure na nabasa nyo ang unang chapter para masundan nyo ang kwento.😊

IKAW ANG DAHILAN

Chapter 2

 Dumating na nga ang araw ng kanilang pagtatapos sa paaralang sekondarya.

"Congrats saten best " masayang bati ni Jhaisy kay Shaylah at saka yumakap dito.

"Congrats din sayo best" ganting bati ng dalagita "Sabi ko na nga ba walang duda ,ikaw talaga magiging valedictorian eh" dugtong niya

"Sus baka nagwapuhan lang sakin yung principal naten" biro nito sabay halakhak

"Loko ka marinig ka" sabay silang napahalakhak "Deserve mo yan noh.kulang nalang maging human encyclopedia ka eh" ganting biro naman ni Shaylah.

"Kayong dalawa dyan bilisan nyo na ng makapag celebrate na tayo." Tawag ni Chase Villamadrid,and Daddy ni Jhaisy.

"Sige po Dad.o best tara na,asan ba si Tita Estef?" a nito na hinahanap ang ina ni Shaylah

"Ayun oh,sige wait lang tawagin ko ,mukang napa tsismis na naman sa kumare nya." A ng dalagita at nagkatawanan sila.

" Okey best antayin nalang namin kayo sa kotse ah.sa bahay na tayo mag celebrate naka set na yan " a ni Jhaisy at tumango nalang si Shaylah

Bago pa makalapit si Shaylah sa ina ay sinalubong na sya ni Rico.

"Congrats Shaylah" a ni Rico

"Sayo din congrats" ganting bati nito at ngumiti ng bahagya.

"Ahm san mo balak mag college?" Tanung ni Rico

"Hindi ko pa alam eh,depende kung san ako makakakuha ng schoolarship" sagot ni Shaylah

"Sana magkita pa tayo ulit." Nakangiting sabi ni Rico.

"Oo nga eh.s-sana" ___ "Sana makita pa kita ulit !" Mahina lang na turan ng dalagita.

"Hah?" Si Rico

"W-wala sige punta na ko kay Mama"

"Shaylah p-pwede bang anu..."

"Anu?"

"Nevermind.." ngumiti na lamang si Rico

Napataas na lamang ng kilay si Shaylah ng hindi itinuloy ni Rico ang gustong sabihin.

"Anu kayang sasabihin ng mokong na yun? " tanung lamang niya sa isip.

"Manliligaw kaya sya sakin???" _____ " Ba yan asyumera na naman ako" saway niya sa sarili.

Dahil magkapitbahay lang din naman sila Jhaisy at Shaylah ay sa bahay na nga ng binatilyo idinaos ang

graduation party nila.kasama ang ilang close na mga ka klase at kaibigan..

Matapos ang kasiyahan.....

"So panu yan may 2 weeks nalang tayo magkakabonding best" ani Jhaisy at napabuntong hininga naman si Shaylah.

"Hindi ka na magpapapigil?" Si Shaylah

"Wala naman ako magagawa sa ngayon kundi sumunod palang sa gusto nila Daddy at mommy eh."

"Sabagay...medyo nakakalungkot lang.."

"Magkakausap pa naman tayo kahit nasa malayo ako anu ka ba?" 

"Syempre pag na busy ka na dun kung san ka man pupunta..baka katagalan mawalan ka din ng time makipag usap sakin." May pagtatampong himig ni Shaylah

"Naku hindi mangyayari yun, aabangan ko pa mga ikwwento mo sakin tungkol kay Rico hahaha"

"Uy grabe ka" at napangiti ito.. at nagkatawanan sila.


Two weeks later...

Hindi mapigil ni Shaylah ang pangingilid ng kanyang luha ng ni Shaylah.

"Huwag ka na malungkot best.promise i will keep in touch" a nito na yumakap sa bandang likuran niya.

"Nakakapanibago lang kasi.alam mo naman dito sa subdivision naten ever since the world begun eh ikaw na yung kakulitan ko eh" 

"Babalik ako best wag ka mag alala" 

Gustuhin mang pigilan ni Shaylah ang kaibigan ngunit hindi naman niya pwedeng handlangan kung anu man ang mga hangarin nito sa buhay kaya napaiyak na lamang

siya na hatid tanaw ang pag alis nito.


To be continue...










5
$ 0.00
Avatar for Angelxiao28
3 years ago

Comments