Dilemma

0 15
Avatar for Angelus
3 years ago

Part 1

Kring! Kring! Kring!.

Agad na napabalikwas mula sa pagkakahiga si Ellaine nang marinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone. Dali-dali niya itong kinuha at sinagot.

"Hello?", bungad nito.

"Magandang umaga, Bb. Aurella!", bati ni G. Renato Lantigao sa kabilang linya. Siya ang propesor ng dalaga sa asignaturang Filipino. " Tila hindi mo napansin ang aking pinadalang mensahe kagabi."

Dali-daling hinanap ni Ellaine ang mensaheng pinadala ng propesor. Agad na namilog ang kaniyang mga mapupungay na mata nang mabasa niya ito. "Pasensiya na po, Ginoo! Maaga po akong dinalaw ng antok kagabi kaya't hindi ko na nabasa ang inyong mensahe. Gayunpaman, sisikapin ko pong makarating diyan sa inyong opisina sa itinakdang oras."

"Magaling! Ako'y maghihintay sa iyong pagdating, Binibini. Magpaganda ka ha?", namamagaw at tila nangingiliting turan nito.

Agad na ibinaba ni Ellaine ang telepono nang marinig niya ang huling sinabi ng propesor. Sa hindi maipaliwanang na dahila'y biglang nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo at ang kaba na kaniyang nararamdama'y 'di mapawi. Gayunpaman, sinikap ni Ellaine na 'wag magpapaapekto sa naging kilos ng propesor. Agad niyang inayos ang kaniyang sarili saka tumungo sa kanilang kampus.

----------

"Pasok!"

Marahang pinuksan ni Ellaine ang pintuan saka pumasok sa opisina ng propesor. Malapad ang pagkakangiti nitong humarap dito. "Magandang umaga, Ginoo!".

Imbes na sumagot sa bati ng dalaga ay isang malapot na tingin ang iginanti nito. Dahan-dahan niyang pinagmasdan ang dalaga mula taas hanggang baba. " Bakit ganyan ang itsura mo?", nagtatakang tanong nito.

Nagulat si Ellaine sa tanong ni G. Renato kaya't hindi siya agarang nakaimik.

"Hindi ba't sinabi ko na magpaganda ka?"

Hindi maitago ni Ellaine ang pangamba na ngayo'y sinasakop na ang kaniyang kabuuan subalit pinilit niyang huwag itong ipahalata. "G-g-ginoo, ako'y pumarito lamang upang kunin ang mga dokumentong kailangan para sa pagtatanghal na aking gagawin sa inyong asignatura. Iyon lamang po ang aking sadya sapagkat iyon lamang din ang inyong tinuran mula sa mensaheng ipinadala."

Ngumiti ito na tila kumbinsido sa tinuran ni Ellaine. Agad siyang tumayo saka lumapit sa kinatagayuan ng dalaga. "Magaling! Magaling! Subalit ibibigay ko lamang ang mga kailangan mo sa isang kondisyon.", ma-awtoridad na turan ng propesor.

"A-ano p-pong k-ko-kondisyon?", nauutal na tanong ng dalaga.

Nagpalakad-lakad ang propesor mula harap hanggang sa likod ni Ellaine. Dahan-dahan itong lumapit saka biglang hinapit ang baywang ng dalaga. Sa kaloob-looba'y nais manlaban ni Ellaine subalit ng mga ora's na iyo'y tila hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan.

"Kahit isang oras lang, Binibini. Mabilisan subalit mabagsik ang ating magiging eksena.", nang-aakit na bulong nito sa dalaga. "Huwag kang mag-alala, walang ibang makakaalam nito."

Pilit kinakalma ni Ellaine ang kaniyang sarili at hindi ipinapahalata sa kaniyang propesor ang takot na bumabalot sa kaniya. Huminga siya nang malalim saka pormal na hinarap ang propesor. "Ginoo, paumanhin ngunit ang lubos na ipinagbabawal ang iyong nais. At hindi rin ako papayag. Kung ipipilit ninyo ang inyong nais ay mapipilitan din akong magsumbong sa kinauukulan."

Sabay kuyom ng kamaong lumapit ang propesor sa dalaga. Mahigpit na hinawakan sa braso't ginawaran ng matalim ba tingin. "Subukan mong magsumbong. Subukan mo't makikita mo ang bagsik ko. Tandaan mo, may posisyon ako, estudyante ka lang. ESTUDYANTE LANG KAYO."

Halos hindi makahinga si Ellaine dahil sa kaba at takot na kanina pang bumabalot sa kanya. Gustuhin man niyang magsalita ay hindi na rin niya magawa sa takot na baka mas magalit pa ang propesor.

"Sa oras na tanggihan mo ang alok ko ay lahat kayo ay babagsak sa klase ko. Nanamnamin niyo ang singko. At pagdating ng buwan ng Marso ay lahat kayo'y maglalaway habang pinapanood ang mga estudyanteng nagpapaso. Mag-isip ka, Binibini. Mag-isip ka. Ngayon ay papapiliin kita, baliktaran o markang pulahan?", seryosong sambit ng propesor. Kagat labi't pikit ang mata ng dalaga habang nag-iisip. " At dahil propesor ako, kayang-kaya kong baliktarin ang lahat. Ikaw ang sisisihin nila sa oras na bumagsak sila sa subject ko.", singit pa ng propesor.

Maya-maya'y may biglang kumatok sa pintuan kaya't napahinto sa pagsasalita ang propesor. Bumuga ito ng isang malalim na hininga saka hinapit papalapit si Ellaine. "Pag-isipan mo ang mga sinabi ko, Binibini.", bulong nito saka tinulak patungo sa harap ng pintuan.

Tila naging normal ang lahat nang binuksan ni Ellaine ang pintuan at bumungad doon ang isang estudyanteng taga-ibang departamento.

1
$ 0.00
Avatar for Angelus
3 years ago

Comments