Nagtiwala at Minahal kita, Pero Binalewala mo ito

1 13
Avatar for Angelicarose
3 years ago

Month of December , year 2010 noong una kaming nagkakilala, Nakilala ko siya sa isang pasayawan, na kung saan kami ay nag peperform ng sayaw. Isang araw, nung kami ay natapos ng mag sayaw, nagyaya ang aking barkada na bumili at tumambay muna sa isang tindahan.

Habang kami ay nakatambay, nakita ko ang isang babeng bumighani ng aking puso at prisensiya, at ito ang babaeng tindera sa tindahan. napakaganda niya at parang manika ang kanyang mukha at napakagandang pagmasdan pag ngumingiti siya.

Simula noong nakita ko siya, hindi na siya mawala sa aking isip. at nung gabing iyon, gustong gusto kong makipag kilala pero wala akong lakas ng loob, kaya nagpatulong ako sa aking mga barkada. at tumulong naman sila , pero ang tulong nila ay isa palang advice na hindi ko malilimutan, ang uminom muna ng alak para mag-karoon daw ako ng tapang at lakas ng loob. Kaya nag try naman ako ng isang bote noong gabing iyon. hanggang sa naramdaman ko na nga na tumatalab na ang bisa ng alak na iyon, at dali dali na nga akong nag ayos ng pustura.

At ayun na nga , saktong mag isa lang siya na nakaupo sa tindahan, lakas loob akong lumapit at nakipagkilala sa kaniya. ''Hai ate, pwedi po ba makipagkilala?'' ang sabi ko, pero hindi siya umimik, Hanggang sa inulit ko ulit ang sinabi ko, ''ay sorry, hindi ko kasi masyadong narinig kanina ang sinabi mo'' ang sagot niya.''ay ganun po ba? (sabay ngumiti ako)''. at sinagot naman niya ang tanong ko. Simula noon gabing iyon , nalaman ko na ang pangalan niya at masaya ng masaya ako dito.

Sumunod na gabi, niyaya ko ang barkada na tumambay sa tindahan na kung saan siya ay natitinda. Muli na naman kaming nagkita, at nag tanong ako sakaniya, '' ah ,hello ate, ako ulit,(sabay ngiti), matagal ka na ba dito ? '' . ''ay hindi kakasimula ko lang noong last week'' ang sagot niya. At nagkwentuhan na kami kung taga san siya at kung paano siya napunta sa tindahan na iyon.

Sumunod na araw, muli na naman kaming nagpunta sa tindahan, at nagusap na namn kami. Dito, naglakas ako ng loob na kung pwedi ko ba makuha ang number ng telepono niya, at ibinigay naman niya. Simula noon, araw-araw na kaming nagkakamustahan at nag kwekwentuhan.

First week of December, nagpag isip-isip kong simulan na ang panliligaw sakaniya. Nung una, hindi ko alam kung ano ang isasagot niya, kung pwedi ba or hindi pwedi. pero hindi naman ako nabigo sa pagtanong at pagsabi kong iyon, at pumayag naman siya.At nung sinabi niyang pwede, araw-araw akong nag eeffort na pumunta sa kaniya at manligaw sakaniya.

Hanggang sa dumating ang buwan ng June. at kailangan ko na mag enroll ng kolehiyo. nagpaalam ako sa kaniya na magaaral na ako sa isang unerbersidad na kung saan malayo sakaniya. pero ang sabi ko ipag-papatuloy ko parin ang panliligaw ko sakaniya, kahit malayo kami sa isa't isa.

Simula noon, patuloy parin ang panliligaw ko, kahit na Long Distance. Umabot na ng isang taon, at nagtanong na ako sakniya kung talga bang may pag asa ako sakinya, at ang sabi niya sakin,''OO,hindi ko na po papatagalin, simula po ngayon ay tayo na po''. Lubos akong nasiyahan at natutuwa sa sagot niyang iyon , para bang nanalo ako sa isang loto. at nag simula na nga ang aming relasyon, Long Distance kami kaya kahit mahirap kinakaya naming dalawa.

Nagdaan ang dalawang taon, nagtapos na din ako sa aking kinuhang kurso. Dali-dali na akong nag impake ng mga gamit ko at umuwi na sa aming bayan na kung saan naghihintay ang aking nobya.

To Be Continued...

Magandang hapon mga kaibigan!😉

Sana ay nagustuhan niyo ang unag kabanata ng aking kwento,😊

abangan niyo pa ang mga susunod kong ilalabas na karugtong nitong kwento kong ito,😘

maraming salamat sa pag basa at laging pag bibigay ng magandang komento sa aking mga artikolo.😍👍

Have a nice day RC FRIENDS,

ALWAYS KEEP SAFE!💕

3
$ 0.00
Avatar for Angelicarose
3 years ago

Comments

Sorry to here that mam. I'll always believe kpg my umaalis my dumarating. :) just love yourself na lan po muna and enjoy life with your family,relative and friends.

$ 0.00
3 years ago