Nag Mahal Ako , pero Ako'y niloko

2 17
Avatar for Angelicarose
3 years ago

Hello and good day to each and everyone, friends!

Today i am here to share some true story , na kung saan ay akala ko siya na ang una at huli kong mamahalin.

Uso pa saamin noon ang pasayawan, na kung saan makikidayo sa iba't ibang baranggay para makipag sayaw, kung saan pwedi kang isayaw ng isang lalake , at pwedi din kayo mag sayaw ng iyong mga barkada. ( party -party ba kumbaga.) Tinatawag nila itong christmass ball party.

Noon hindi naman talaga ako sumasama sa mga ganung okasyon. Pero isang araw niyaya ako ng pinsan ko, para naman maranasan ko daw kung paano maisayaw ng isang lalake. At di ko naman na natanggihan ang pinsan ko baka sabihan pa akong kj (killjoy). At sumama ako.

》fast forwad ....( na sa pasayawan )

At noong nasa pasayawan na kami at nasaktong love song naman ang piniplay ng dj. Na kung saan pwedi ng isayaw ng mga lalake ang isang babae.

May isang lalake ang lumapit saakin at natanong kung pwedi ba daw niya ako isayaw. Hindi na ako nakapag salita sa sobrang hiya na napapatanggi sana. Sinabi ko sa lalake Na hindi ako sumasayaw . At narinig ito ng mga kaibigan ko at mga taong nanunuod sa pasayawan. Sinabi nila saakin na masama daw tanggihan ang lalake, kaya itinulak ako ng mga kaibigan ko sa lalake. Na kung saan sa gitna pa ng pasayawan, hiyang hiya ako noon ng sobra. Di na ako nakatanggi at nakipagsayaw nalang ako sa lalake.

At diro habang sumasayaw kami, biglang nagtanong ang lalake saakin kung first time ko daw ba makipag sayaw sa isang lalake tulad niya, at sinabi kong "Oo first time kaya nahihiya ako , pinilit lang kasi ako ng pinsan ko". "Wag kang mahiya masasanay kadin " sagot naman ng lalake sa akin noong gabing iyon.

》fast forward....😉

At nagkita na naman kami ulit ng lalake, sinayaw niya ulit ako at sa bandang iyon ay nagtanong na siya kung pwedi ba daw niya makuha mobile number ko, as a friend lang naman daw. Kaya " ok sige , friend lang naman eh".

At di nagtagal nagkikita at palagi kaming nagkakasama sa mga pasayawan na pinupuntahan namin.

Isang araw sa last day ng pasayawan, isinayaw niya ako . Habang nagsasayaw kami, napansin ko na para bang may gusto siyang sabihin . Pero inunahan ko na magtanong, "bakit di ka mapakali bes, may sasabihin kaba ?". At ang sabi niya saakin " kung pwedi na daw ba kami to another level of friendship?. Nabigla ako at nasabi kong " ha? Nag jojowk kaba ?? Sabay tawa." At seryoso na sitang nagsalita ng "hindi ako nag jojowk, matagal na kitang gustong tanungin na kung pwedi ba kitang ligawan" sabay sabi ko ( pwedi , kaso dipa ako handa mag ka bf) at sabi niya " handa naman akong maghintay at di naman kita minamadali".

Simula noon nagsimula na siyang manligaw. Todo todo ang pag eeffort niya , kaya nagdaan ang isang taon na panliligaw niya saakin, ay sinagot ko na siya at naging kami na.

Naging masaya ang pag iibigan namin . Lagi lagi siyang may pa surprise. Dumating na naman ang buwan ng december. Na kung saan meron na namang pasayawan.

Isang gabi habang nakaupo kami sa may pasayawan, Sinabi ng karamihan na palitan naman daw ang makikipagsayaw, nagsuggest ang mga karamihan na Ladies Choice. Na kung saan ay ang mga babae ang pipili ng kanilang isasayaw sa mga lalake.

At ayun na nga, may lumapit sa boyfriend kong iyon. At sinabi sakin o ipinagpaalam saakin nung babae na kung pwedi daw ba niyang maisayaw ang boyfriend ko. "Ok cge po" ang sabi ko. Pero sinabi ko sa boyfriend ko na sayaw lang wag hahaluhan ng anumang malisya.

》fast forward ulit...

Simula nung gabing iyon, ay madalang na kaming mag txt sa isa't isa. Madalang narin siyang pumunta sa bahay , para bang nanlamig agad agad ang boyfriend ko. Hanggamg sa tinanong ko siya kung ano ang problema bakit ganun nalang siya nanlamig saakin. At sinabi niyang "busy lang ako sa work kaya di ko na magawang pumunta o bisitahin ka". At sa sinabi niyang iyon ay inintindi ko.

Nagdaan ang mga araw, habang kami ay magkasama ,hiniram ko ang telepono niya at agad naman niya wtong pinahiram. Habang hawak hawak ko ang telepono niya may biglang nagtxt sakanya pero walang pangalan(unknown number.) At ang sabi sa txt "Bhaby asan kana pupunta ba tayo mag sisine ?.") Sa bandang iyon nabitawan ko ang telepono niya at nabigla ako sa mga nabasa ko.

Nagtanong ako sa boyfriend ko kung aino yun, sabi nia baka lang daw yung kaibigan niang nang gogoodtime sakaniya.

Pero sinabi ko mababaw na dahilan. At dito banda ay nag aaway na kami, umuwi siya ng walang paalam nangiwan sa park. Simula noong araw na iyon ay palagi na kaming nag aaway. Hindi na siya napupunta sa bahay , hindi narin siya nag yayaya lumabas.

Hanggang sa palihim akong pumunta o bumisita sa bahay nila.

Pero hindi ko lubos inaasahan ang mga sumunod na mangyayari. Sumilip ako sa bahay nila kung saan ay nasa gate palang ako. May nakiakong babaeng lumabas kasama ang boyfriend ko na para bang bihis na bihis sila at parangmay pupuntahan.

Tinawagan ko ang boyfriend ko at tinanong ko kung asan siya at sinabi niyang "nandito lang ako sa bahay ng pinsan ko,nakikipaglaro."

Pagkalabas nila ng gate na gulat sila at napabitaw ang boyfriend ko sa balikat ng babae. At sinabi nung boy na "Bhe bakit nandito ka ? . Dito , hindi na ako nakapagsalita or kahit umimik ng kaunti sa nakita ko. Dahan dahan nalang akong naglakad papalayo na para bang walang nangyari, kasabay neto ang pagtulo ng luha ko, at napapaisip na bakit saan ba ako nagkulang ? Ginugol ko naman ang lahat ng oras ko at ibinigay ang makakaya ko para mahalin siya . Pero bakit nagmahal parin siya ng iba.

Hindi ko naisip na hindi lang pala sa isang pelikuha o teleserye nangyayari ang mga gantong bagay.

Dito ay naranasan ko kung paano masaktan umiyak magdamag at sising sisi sa aking sarili.

Pero kahit na ganito ang nangyari saakin , pinilit kong mag move on . Kalimutan ang lahat ng nangyari saamin. Masakit man para sakin to pero kelangan kong tanggapin.

Dito ko napagtatnto na hindi lahat ng relasyon ay nagiging masaya,

Minsan may marupok at Minsan may matibat na relasyon. At lesson learned din sakin na wag ibigay ang lahat ng pagmamahal mo sa isang tao, marunong ka din dapat magtira para sa sarili mo. Dahil kapag dumating ang isang araw na niloko ka nia madali kalang makakalimot dahil alam mong di siya deserve para sa buong buo mong pagmamahal.

Hanggang dito nalang po ang aking unang kwento , may karugtong pa ito.

Maraming salamat po sa mga nagbasa at patuloy na magbabasa sa aking artikulo.

You can like it and give a comment if u want po. Kung gusto niyo naman i subscribe ako pwedi din po . Pwedi niyo din po tignan ang mga articles ko.

Maraming maraming salamat po ulit.

Have a nice day.

1
$ 0.00
Avatar for Angelicarose
3 years ago

Comments

I remember my younger days because of your story. We also have this sayawan or in our terms it is called 'bayle'.

In our life, we will meet someone that can make our hearts flutter. Make us swoon to our feet. Make us feel that love is so beautiful. But not all remains. We have to keep reminding ourselves that people change. People come and go. But it teaches us a lesson to remain strong. And if someone leaves, someone will come definitely. Never stop loving. It is better to love and get hurt to never love at all.

$ 0.00
3 years ago

Thank you for the great advice po. Im very appriciate it . Ganun po talaga siguro pag sinusubok ka ng pag ibig. Never give up kundi magpakatatag sa bawat hamon sa buhay.

$ 0.00
3 years ago