Tinolang manok
Mga sangkap;
1 kilong manok
Luya
Bawang
Sibuyas
Sayote
Dahon ng sili
Asin or patis
Mantika
2 Chicken cubes
Maghugas muna ng kamay bago mag hiwa ng mga sangkap
Arat na simulan nanatin mag luto 😁
Mag lagay ng konting mantika sa kawali
Simulan na mag gisa
Unang igigisa ang bawang sunod na yung sibuyas next ng ilagay yung luya
Pag nakapag gisa kna ilagay na yung
manok igisa mo na yung manok sa
bawang sibuyas at luya patakan natin ng
konting patis para bumango haluhaluin
lng at takpan na muna at hayaan na
muna natin maluto ang manok pag luto
na yung manok ilipat natin ang ginisa
natin manok sa kaldero at lagyan ng
sapat na tubig at ilagay na din ang sayote
para lumambot hayaan na muna natin
kumulo ang tubig pag kumulo na tyka
nanatin timplahan ilagay na yung
chicken cube maglagay na din tayo ng
patis at pag malambog na yung sayote
pwede na natin ilagay yung dahon ng sili
Tapos na sana natutu kayo sa recipe na to
salamat ☺️☺️☺️
Favourite ng anak ko yan masarap yan tinolang manok