Sino nga ba ako? Ano ang aking mga katangian? Ako ba ay mabait o masamang bata?
Halika't at alamin natin kung sino nga ba ako.
Ang tawag ng aking mga kapatid o kahit ng aking mga magulang ay "neng neng" kahit ngayon ayun parin ang tawag nila sakin. Sa aking palagay tinawag nila akong ganun dahil sa aking nanay na ang palayaw din ay "nene" sa kanilang lugar.
Ako ay isang mabait na bata at minsan at masama rin. Masasabi kong ako ay isang mai-tuturin na mabait na bata rin ngunit aaminin ko din na ako'y minsan ding masama. Hindi ko palaging sinasagot ang aking magulang at sa halip, mahal ko sila, pero hindi mawawala na minsan ay na-iinis tayo sa kanila.
Minsan, pag nagpapaturo sila sa paggamit ng teknolohiya, minsan ako'y naiinis dahil hindi nila maintindihan ito. Minsan sa sobrang inis, nasisigawan ko sila at naiisip ko ring masama ito kaya humihingi din naman ako ng patawad. Minsan din naman, agad ko rin namang sinusunod ang utos ng aking magulang. Ako din ay madaling utusan sa aming magkakapatid pero pag ako'y tinatamad, hindi ko sin ito nagagawa.
Ako din ay isang bata na feeling ay maganda 🤣. Minsan, gandang ganda ako sa aking sarili. Pag tumitingin ako sa salamin, ako ay nagpapaganda. Pinapaganda ko ang aking sarili tas pipicturan ito. Minsan, gumagamit din ako lagi ng filter para gumanda ako🤣. Ang mukha ko lang ako aking kukuhaan dahil sa baba ay payat at pangit tignan.
Ako ay isang chismosang bata. Ito ay inaamin ko dahil ganun talaga ako🤣. Yung may kausan ang mama mo sa pinto tas lalapit ka para marinig iyon. Tas pag natapos sila mag usap, tatanungin mo ang mama mo tungkol sa pinag-usapan nila🤣. Ngunit hindi ko naman ito ikinukwento sa iba dahil wala akong pag kwekwentohan nito🤣.
Ako'y isang parang reyna sa bahay paminsan-minsan. Totoo iyan! Minsan kapag tinatamad ako, lagi akong nag-uutos at kung may inutos naman saakin, iuutos ko din sa iba para di ko ito gawin. Pero minsan, ako ang laging inuutusan 🤣
Ako'y isang matapang na kapatid. Pala sagot din ako sa aking mga kapatid kapag kami ay nag-aaway. Lagi kong sinasagot ang aking ate. Minsan, naiinis din ako sa aking ate dahil ito ay matapang kaya tinatapangan ko rin ito🤣. Alam kong ito'y masama ngunit minsan napupuno din ako.
Ako din ay pang-asar sa bahay. minsan kapag nag-aaway kaming magkakapatid, nang-aasar ako at na-aasar ko ang aking ate. Ngunit ang talagang pang-asar sa aming bahay ay ang aking kuya. Ako ay lagi nyang ina-aasar at hindi ko siya ma-asar.
Ako ay side kick ng aking nanay. Hindi ako masyadong malapit sa aking ama at hindi rin ako tumatabi sa kanya pagtulog. Ngunit sa aking nanay ako malapit. Lagi ko siyang sinasamahan pag umaalis siya. Gusto ko siya laging katabi matulog at lagi din ako nagpapayakap sa kanya pag tulog.
Ang aking paborito:
Masabaw na ulam - gustong gusto ko talaga ang masabaw na pagkain. Ginaganahan akong kumain kapag ito ay masabaw. Makaka dagdag ako ng 3 beses na kanin dahil dito. Katulad ng Tinola,Sinigang,Nilaga, o kahit ang noodles. Gustong gusto ko ang masabaw na pagkain dahil ito'y malambot kesa sa prito na tuyo.
Saging - isa din ito sa aking paborito. Sa tingin ko ako ay nagmana sa aking lolo dahil saging din ang paborito nito. Lahat ng saging ay kinakain ko at kung ano man ang luto nito. Kahit nga sa bilo-bilo, ang aking target ay ang sahog na saging dito🤣. Kahit na hilaw na Saba ay kinakain ko rin. Pero sa tingin ko lahat ata ng prutas ay kinakain ko.
Ang aking hilig:
Hilig kong manood- lagi akong nanonood ng nakakatawang palabas sa Facebook kapag ako'y walang magawa. Gusto kong palabas ang nakakatawa na kaya akong patawanin.
Ayan ako. Ngayon alam nyo na. Ngayon, anong masasabi nyo tungkol sa akin🤣? Ganito rin ba kayo?
Ngayon, ang aking masasabi ay salamat sa pagbasa💚. Salamat sa pagabasa ng aking artikulo hanggang dito.
Ay may bata pala dito. Hehehe. Bet ko yung sidekick ka ng mama mo. Nakakaaliw naman itong naisulat mo. :)