Nay, Huwag po!!

9 16
Avatar for Angel_183
2 years ago
Topics: Story, Fiction

Isang araw, pagkagising ni Angela ay may kakaiba siyang nararamdaman kaya ayaw niyang bumangon sa kama at natulog uli kahit mag tatanghali na.

Gising na!! Mag tatanghali na hindi ka pa bumabangon!! sabi ng kanyang ina. Ayaw parin ni Angela na gumising kaya tinapik na ito. Anak!! Sabay hawak sa balikat ni Angela. Naramdaman niya na sobrang init ng kanyang anak kaya ginising niya ito ng ginising upang makakain at painumin ng gamot.

Nagising naman si Angela ngunit tamad na tamad ito mag lakad. Pinapunta si Angela sa lamesa upang makakain na siya. Hindi si Angela makakain ng maayos dahil sa kanyang nararamdaman. Nang nakakain na ang kanyang anak, kumuha na siya ng isang basong tubig at gamot.

Mahirap painumin ng gamot si Angela dahil hindi niya kayang lunukin ang gamot. Kung dudurugin naman ito, malalasahan niya ang pait ng gamot. Dinurog ng ina ang gamot upang mainom ito ni Angela.

Anak, uminom ka ng gamot upang gumaling ka na, sabi ng kanyang ina. Ma, ayaw ko po sagot naman ni Angela. Pinilit na usinubo ng kanyang ina ang gamot ngunit ayaw talaga ni Angela kaya ang gamot ay natapon. Nainis na ang kanyang ina dahil ayaw nito uminom ng gamot kaya pinabayaan niya nalang ito at hindi pinansin si Angela. Nagka tampuhan silang mag ina at hindi nag-imikan kaya natulog nalang uli si Angela.

Pagka gising niya, sobrang init na niya at nagkasipon na din ito. Tinawag niya ang kanyang ina dahil di na niya kaya ang kanyang nararamdaman. Ma!! sabi ni Angela. Agad din namang pumunta ang kanyang ina sa kanyang anak. Ano, iinom ka na ng gamot? Tanong ng ina. Kumuha na ng tubig at gamot ang Ina niya upang painumin na ang kanyang anak.

Kahit ayaw niya ang lasa ng gamot, pinilit niya itong inumin para mawala na ang sakit na kanyang nararamdaman. Nawala din naman ang kanyang lagnat pagkatapos ng ilang mga oras. Naging masigla na uli siya at nakaka pag laro na uli. Ngunit ang kanyang sipon ay hindi pa rin nawawala. Ayaw niya itong sabihin sa kanyang ina dahil baka painumin uli nanaman siya ng gamot. Tiniis niya ito kahit nahihirapan na siya sa kanyang sipon.

Ngunit, walang lihim na hindi na bubunyan 🤣 at nalaman ito ng kanyang ina. Nakita niya na hirap na hirap ang kanyang anak sa sipon kaya kumuha siya ng serpentina upang ipainom ito sa kanyang anak. Hindi niya sinabing ito ay gamot dahil alam niyang hindi niya ito iinumin. Sinabi niya lang na ito ay tubig lamang para ito'y inumin ng kanyang anak. Ng na-amoy ito ni Angela, alam niya agad na ito ay gamot dahil na-amoy niya na din dito dati. Ma, ayaw ko niyan, ang sabi ni Angela sa Ina dahil alam niya na sobrang pait ng lasang ito.

Hinawakan si Angela ng kanyang kuya at ang kayang ina ang nagpainom. Tinakpan ng kayang ina ang ilong nito upang di niya ma-amoy ang lasa. Na inom din naman ito ni Angela ngunit ang tagal bago ito mainom. Bigla siyang nasuka at lumabas ang lahat ng plema.

Nawala na din ang kanyang sipon at hindi na din ito nahihirapan kagaya dati.

Aral:

Kahit na ayaw mo, pilitin mo dahil para din ito sayo. Sundin natin ang ating magulang dahil alam nila ang ikabubuti natin.

Hindi ito hango sa aking totoong buhay. Ang ibang parte ay masasabi kong nangyayari din sakin dati.

Isinulat ko ito dahil ni lagnat din ako kaninang umaga🤣. Ngunit paalala, umiinom naman ako ng gamot ngunit masasabi ko din na dati ay pahirapan din akong painumin ng aking ina ng gamot dahil hindi ko rin kaya itong lunukin.

Ngunit ang pag inom ng serpentina ay kinakatakutan ko pa rin hanggang ngayon kaya ayaw kong magka sipon🤣.

Salamat pala sa pagbasa ng aking artikulo. Ito'y tapos na, salamat uli sa pagbasa 💚💚

6
$ 15.27
$ 15.04 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @immaryandmerry
$ 0.05 from @dziefem
+ 2
Sponsors of Angel_183
empty
empty
empty
Avatar for Angel_183
2 years ago
Topics: Story, Fiction

Comments

Nice nice. Sumunod sa parents! Haha Akala ko ikaw na to at nilagnat ka din. Lol

$ 0.00
2 years ago

ganito din ako dati ..natatakot uminom nang gamot kasi nga ayaw ko sa lasa..kaso may aura talaga si mama ko na kapag sinabing inumin ang gamot mapapainom ka talaga kahit ayaw mo hiiiihihi...

$ 0.03
2 years ago

Haha true

$ 0.00
2 years ago

Kaya ako kung anong Ibigay sakin ng magulang ko na gamot kapag may sakit akk iniinom ko dahil alam ko naman yun ang ikabubuti ko😊 . Pero meron pading tao na hindi talaga hilig uminom ng gamot kapag nagkakasakit...

$ 0.03
2 years ago

Yes meron. Tinitiis lang

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha. Akala ko talaga ikaw yun e. Ayaw uminom ng gamot haha. Buti naman at hindi ka na pasaway. 😂 Pero okay ka naman na ngayon?

$ 0.03
2 years ago

Oo okay na. Pawala wala yung lagnat

$ 0.00
2 years ago

Pagaling ka na ng husto. Hirap magkasakit ng bongga.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga ehh

$ 0.00
2 years ago