Mga Tanong sa aking Isipan

10 227
Avatar for Angel_183
2 years ago
Gagamitin ko muna ang wikang tagalog dahil kadalasang isinusulat ko ay wikang engles. Sana ay magustuhan nyo ang aking paksa ngayong araw. 
Mula sa google

Minsan, may naiisip ka bang mga bagay na hinding hindi mo maintindihan? Na mga tanong nagumugulo sayo?

Ito ang iba sa mga tanong na gumugulo sa aking isip habang sinusulat ko ang artikulong ito:

Ano kaya ang pakiramdam na maging isang hayop?

Ito ang isa kong mga pinag-iisipan at mga tanong sa aking isip na hinding hindi ko malalaman ang sagot. Napakadaming mga tanong ang aking mga naiisip tungkol sa mga hayop.

Ito ang mga iba kong mga tanong tungkol sa mga hayop:

  • Ano kaya ang pakiramdam na maging hayop? - naisip nyo na rin ba kung ano ang pakiramdam ng na maging hayop? Kung ano ang kanilang mga nasa isip. Paano Kaya kung tayo ay isa sa mga hayop katulad ng aso, ano kaya ang nasa isip natin.

  • kung ang mga hayop ay nagkaka-intindihan o pano sila nagkaka intindihan. - isa din ito sa aking mga naiisip tuwing iniisip ko kung ano ang pakiramdam na maging hayop. Iniisip ko, paano sila nagkakaintindihan ss pagtatahol lamang? Kung naririnig natin ang mga tahol ng mga hayop, iisa lang ang kanilang mga tunog. Ngunit kung tayo ay mga aso, iba iba ba ang ibigsabihin ng kanilang pag tahol?

  • may magkakaibang muka din ba sila katulad ng tao? - natanong mo na din ba ito sa iyong sarili? Kung titignan lang natin ang mga itsura ng mga hayop katulad ng mga pusa, mukhang makaka parehas lang ang kani-kanilang mga mukha maliban sa iba't ibang uri ng kanilang mga kulay, mabalbon o hindi at iba pa ngunit pag titignan natin ang kanilang mga itsura ay parang pareparehas. Kung tayo ay isang mga pusa, iba iba kaya ang mga itsura nila katulad ng mga tao?

  • Gaano kahirap kumain ang mga hayop? - Paano nga ba? Nahihirapan ba sila sa pagkain o ito'y madali lang para sa kanila? Kung gagayahin natin ang pag kain ng mga aso, ito ay napa kahirap dahil hindi mo gagamitin ang iyong kamay para kumain ngunit sa mga aso ay parang ang dali dali lang.

Natanong mo na din ba ito sa iyong sarili? Nalaman mo na rin ba ang mga sagot sa iyong mga katanungan? Ang dami dami nating mga katanungan, ngunit hindi natin kayang sagutin dahil hindi tayo ang nasa kalagayan nila.

Ano kaya ang nasa isip ng ibang tao?

Minsan, naiisip ko din kung ano ang iniisip ng iba o ano ang nasa isip nila ngayon. Ano kaya ang iniisip nila ngayon? Kung tayo ay nasa kanilang katawan, ano kaya ang ating pakiramdam o ano kaya naman ang ating iisipin? Ano Kaya ang gagawin nila? Iniisip din kaya nila ako o hindi

Kapag iniisip ko ito, parang gusto kong pumunta sa kanilang katawan at tignan kung ano ang kanilang nasa isip at alamin kung parehas ba kami ng iniisip.

Hindi ba tayo na na-iinip sa pag natutulog?

Ito ang isa sa mga nakaka litong mga tanong na aking naiisip kapag ako ay patulog na. Ito ang iba sa aking mga katanungan na ang hirap isipin o sabihin kung paano nga ba.

  • Ano kaya ang ating iniisip habang tayo ay tulog? Kapag tayo kaya ay tulog, ano kaya ang nasa isip natin? Nakaka isip parin ba kaya tayo o ano nga ba? Hindi natin mapapaliwanag ang ating mga iniisip tuwing tayo ay tulog na dahil madali natin itong maka limutan. Minsan iniisip ko din kung ipipikit ko ang aking mga mata, paano ako nakaka tulog? Sa tuwing iisipin ko ito ay hindi ako maka tulog dahil di ko maintindihan ang mga sagot sa aking katanungan.

  • Pag tayo ba ay natutulog, bakit tayo hindi naiinip ? Bakit nga ba? Tayo ay naka higa lamang at walang ginagawa na kahit ano. Ngunit samantalang pag tayo ay hindi tulog at walang magawa ay naka nakaka inip na.

Ano ang pakiramdam kung tayo ay patay na?

Kung iyong iisipin, ano kaya ang pakiramdam ng wala ng buhay. Ano na ang ating gagawin pag tayo ay patay na? Tayo ba ay magiging isang multo katulad ng ating mga napapanood, o tayo'y bigla nalang mawawala at wala nang gagawin. Pag tayo'y patay na, ang pakiramdam ba natin ay tayo'y parang naka higa lang? O ano nga ba?

Kahit na pag-isipan mo to ng ilang beses, hinding hindi natin malalaman ang nasagutan, dahil tayo ay buhay pa at nababasa mo pa ang aking artikulong isinulat.

Nauubos ba ang ating mga luha?

Nauubos kaya ang ating luha kapag tayo ay walang tigil sa pag iyak? Minsan napapa isip din ako kung paano kung naubos ang ating luha at wala itong mailabas. Nauubos kaya ito o hindi? Paano kung tayo ay umiiyak ng walang humpay o walang tigil sa isang araw, mauubos kaya ang ating mga luha?

Ayan ang mga ibang mga tanong na gumugulo sa aking isip.Natanong mo na din ba ito sa itong sarili? Mayroon ka rin bang mga tanong na hindi mo din maintindihan? Ano iyon?

Ngayon, ikaw ay nasa dulo na ng artikulong ito. maraming salamat sa pagbabasa mo hanggang dulo.

Salamat uli sa pagbasa ng aking artikulo, sana aynagustuhan mo ang aking paksa ngayong araw💚

6
$ 5.22
$ 5.02 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.05 from @dziefem
+ 2
Sponsors of Angel_183
empty
empty
empty
Avatar for Angel_183
2 years ago

Comments

Out of this world mga tanong mo beb...pero minsan natanong ko na rin kung paano maging hayop at pano maging ibang to kagaya nang mga artista..kung ano ba ibig sabihan nang freedom para sa kanila...di ko pa natanong sa sarili ko pag tulog☺

God Bless!

$ 0.00
2 years ago

Maraming tanong ang laging nasa isip ko ngunit kagaya mo sis ako'y naguguluhan. Ano kaya ang pakiramdam ng lumipad, ano kaya ang pakiramdam na maging isang manok papalakin at aalagaan ng 40 days bandang huli papatayin din naman para kainin ng tao . Ako ay takot makakita ng mga ganyang bagay kapag may kinakatay. Pero lahat talaga ng tanong ay yan ang hindi mawawala ang pakiramdam na maging hayop katulad ng aso maraming aso ang palaboy laboy walang makain ang iba ay sinasaktan pa ng mga tao ang iba naman ay ginawang pulutan sa mga lasinggero. Nakakaawa ang mga hayop kung sa tao ah umiikli na ang mg buhay, lalo na sa mga hayop dahil bukod sa pinapatay sila nawawalan na din sila ng kalayaan at ng mga tirahan .

$ 0.00
2 years ago

Tinatanong ko din yamg ano kayang pakiramdam ng hayop, lalo na yong mga inaabandona. Tinatanong ko sa isip ko, pero mababasa naman sa mga mata nila ang lungkot. Kahot nga minsan ung mga insect diko mapatau kasi naaawa ako ahaha.

$ 0.00
2 years ago

Pano po pag kinakagat ka na po ng lamok? Haha

$ 0.00
2 years ago

Ay ibang usapan na iyan ahahaha ayaw kong madengue, pero pag sa laggap tapos namamalayan ko naman, ayon hinihipam ko lang, diko kayang tirisin ee naaawa me haha

$ 0.00
2 years ago

Ako kahit di ako inaano, pinapatay ko kahit malayo pa sakin kaso nga lang di ko minsan na papatay ang bilis haha.

$ 0.00
2 years ago

Mula sa lahat ng tanong na nabanggit mo sa taas, ang ilan ay nais kong sagutin. Una, ano ang pakiramdam maging isang hayop? Ayon sa nabasa ko at paniniwala, para rin silang tao, ang kaibihan lang ay sa halip na salita ay pagtahol ang ginagamit nila. Katulad ng tao gayon din ang kanilang mga nararamdaman. Pangalawa, nagkakaintindihan sila gamit ang kanilang lenggwahe. Kung ihahalintulad sila sa tao, may iba ibang lenggwahe ang iba't ibang lahi. Pangatlo, makikita naman natin na may iba iba silang itsura at parang tao na kung minsa ang anak ng hayop ay nahahawig sa kanilang ina o ama. Halimbawa na lamang ng aso, lalo na pag kakulay ito. Pang-apat, maari nating maisip kung ano ang nasa isip ng ibang tao base sa pag oobserba sa kanilang kinikilos. Panglima, ayon sa nabasa at napag aralan namin, tayo ay wala nang pakiramdaman oras na tayo ay namatay. Kung ikaw ay naniniwala sa after life, maaring ang iyong kaluluwa ay makaramdam ng sakit kung hindi sa langit ang tungo. At panghuli, kung nauubos ba ang ating luha? Ang sagot ko ay hindi sila nauubos unless ay patay na, maaari lamang na tumigil mag produce ang ating mga mata pag tayo ay nakaranas ng dehydration. Hindi ako sigurado sa ibang isinagot dito, mangyaring mangalap pa ng impormasyon sapagkat ang iba kong ibinahagi ay base lamang sa aking obserbasyon.

$ 0.05
2 years ago

Ayy wow ang haba haha. Salamat pala

$ 0.00
2 years ago

Yan din ang tanong ko, ano kaya ang tingin ng alaga naming pusa sakin. Mabait pa ako? Masungit? Pano pag ako naging siya, siya naging ako? Bibigyan niya kaya ako ng pagkain araw-araw?

Isa pa yung, pano pag namatay ka na? Ano ang kasunod? Pupunta ka ba sa impyerno o langit? O babalik ka ba bilang isang sanggol o isang hayop? Ang daming tanong na walang sagot.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga ehh

$ 0.00
2 years ago