Pakibasa ng buo. Deserve malaman ng lahat ang side ng mga healthcare workers. Di pera pera ang usapan kundi pagpapahalaga kailangan man o hindi. We deserve some respect, love and care. Healthcare workers are not just an employee, we see our patients as a family not just a patient thats why we care of you even we're not in our real family.
Bago ako matulog magpapakalma muna ako. Need ko mailabas yung inis ko. Oo Pilipino ako, tayo. Pero bakit ganun parang nakakawalang gana na. Ang sarap na umalis at sabihing "HINDI AKO PILIPINO!". Bakit? Kasi ngayon mo nakikita bilang isang simpleng mamamayan na walang katungkulan kahit saan sa lipunan kung ano ang ginagawa ng mga sangay ng gobyerno.
Una, ang sabi ni H.sec. Duque need ng Pilipinas ng mga nurses pa para sa ating mga ospital. Mas ngayon sila kailangan. Nagahahanap sila ng mga nurses na pwede magtrabaho ng libre. May sumunod ba? Oo pero iilan. Bakit? Sa panahon ngayon di pinaprioritize ang mga healthcare workers na dapat sila ang inuuna dahil sila ang katabi ng pasyente sa anumang laban sa ospital. Mahirap maging nurse, kahit noon pang walang pandemic. Pagod, puyat, at mga mareklamong pasyente ang kalaban mo. Ang pwede pa mngyari ay mareport ka ng mga kasama ng pasyente dahil sa kasalanan din nila na isinisisi sayo. Pwede ka pa pag initan. Pano pa ngayong may pandemya? Doble doble, di lang pagod at reklamo ng pasyente ang inaabot nila, STRESS AT SAKIT na COVID dahil anytime pwede sila dapuan. Ano pa ang mangyayari? Babayaran sila ng gobyerno ng kakarampot para sa trabahong magdamagan. At uunahin nila ang mga taong nasa kanilang bahay. Ang tao na nasa bahay madaling turuan para kumita. Ang nurse na nasa ospital pagnawala sila walang kwenta ang inipon nila na kakarampot para mabuhay sila.
Next is sabi ng president "unahin natin bigyan ng bakuna ang mga sundalo dahil kung wala sila babagsak tayo" TALAGA BA? Kasi parang mas need ng mga TOTOONG FRONTLINERS yan pero kung sa bagay. Kung mag fail ang bakuna ligtas ang healthcare workers. Pero dapat di sundalo ang una sa listahan ng lahat mas unhin dapat nila kapakanan ng healthcare workers dahil mas exposed sila sa sakit.
Next yung ibang employee ng government. Wala na nga naiimbag wala na silang ginagasta para sa mamamayan nagawa pang kurapin yung pera na di kanila. Mas malalaki pa sahod nila uupo tatayo magsasalita sasahod sila ang mga healthcare workers nag iikot napapagod nagsusulat nagbibigay ng gamot nag aasikaso ng maraming sakit pero wala pa sa kalingkingan yung sinasahod nila compared sa ibang nasa gobyerno. Nadadala ba sa hukay yung pera? Sa pera nalang ba umiikot ang mundo? Para saan yung puso at utak? Bakit ba di nila ginagamit muna yun.
Madaming nagugutom madaming nahihirapan madaming namamatay pero mas matakot tayo kung pati mga nurses doctor at iba pang nagtatrabaho sa ospital ay nawala, namatay o lumipat ng ibang bansa dahil tayo tayo rin walang mapapala
Kaya wag tyo magtataka kung bakit walang tumatagal sa Pilipinas. Dahil di naman kaming nagtatrabaho sa ospital ang nirerespeto, inuuna sa listahan at pinapahalagahan. Ang tingin lang saamin ay empleyado na pwede ibaba murahin at iparamdam na walang kwenta.
wag sisihin ang gobyerno.kung wala ang gobyerno malamang nandyan ang pandemic at magkakamatayan nalang tayo kasi nga walang gobyerno.tandaan nyo di lang pilipinas ang may virus kaya wala dapat sisihan walang may gusto ng sakit na yan.tao nga naman gumawa ng mabuti ang gobyerno may nasasabi parin kayo ang tumayo sa gobyerno at sisihin ano kaya ang magagawa nyo.