Mahal?
Iyon ang gusto kong itawag sa iyo
Iyon ang nais kong maramdaman mo
Nais kong alalahanin mo na sa bawat sandali
Sa bawat saya at pighati
Sa bawat pagpintig nitong dibdid
Ikaw lamang ang iniibig
Ala-ala ko pa ang ngiti sa iyong mga mata
Mga nigiting magpang-abot langit ang dala
Noong mga sandaling binibigkas mo ang mga kataga
Mga kataga ng iyong mga pangako
Mga pangako na ikaw lamang at ako
Natatandaan mo pa ba?
Noong tayoy walong taong gulang pa
Ipininta mo sa isang kapiraso ng papel ang aking mukha
At nag-iwan ka ng mga salitang
Ikaw lamang sapat na
Ala-ala mo pa ba?
Noong nakita ito ni ina
Ibinahagi niya ang piraso kay ama
At tayo’y pinagtawanan nila
Sapagkat hindi sila makapaniwala na tayo’y umiibig pala
Sabay tayong lumaki
Sabay nating pinagmasdan ang langit at buwan
Sabay tayong namalagi sa dalampasigan
At saksi ang kalangitan
Sa matamis nating nakaraan
Ako’y labis na nasiyahan
Noong ako’y pinayagan ni ina na magtungo sa iyong kinaroroonan
Iyon ang aking ika labing siyam na kaarawan
Dala-dala ko ang kahon na laman ang ating mga sula’t at larawan
Labis akong nagalak, walang mapagsidlan
Dali-dali akong nagtungo sa iyong silid aklatan
Katabi ng kusina sa baba ng inyong tahanan
Ang sabi ng iyong ina ay naroon ka upang magbasa
Ako raw ay magtungo upang ika’y masurpresa
At dahan-dahan akong nagkubli sa likod ng lamesa
Isa, dalawa, tatlo
Ako ay nagbilang hanggang sampu
Dahan-dahan kang lumingon sa aking direksyon
At sa muli ikaw ay kaharap ngayon
Dali-dali kang lumakad tungo sa aking harapan
Iyong mga hakbang ay sadyang kay bilis hindi ko mabilang
Ang iyong mga bisig ang sumalubong sa aking katawan
Ngiti mo’y magpang-abot kalangitanan
Ang iyong yakap ang syang aking inaabangan
Yakap na mahigpit, na nagsasabing ako’y iyo lamang
Wala kang pinagbago kahit lumipas man ang ilang siglo
Ikaw pa rin ang dati na kilala ko
Ikaw pa rin ang bumuo ng aking pagkatao
Ang iyong mga mata’y nangungusap
Tumitingkad na parang alitaptap
Isa, dalawa, tatlo
Apat, lima, anim, pito
Pitong taon na pala ang nakalipas
O! mapait na pag-ibig ba’t di ako nakaligtas
Ba’t ako ay nahihirapan, sadyang kay malas
Sa loob nitong pitong taon
Hindi ko mawari ang mga panahon
Kung may araw ba na ipinanalangin ko na sanay kapiling kita?
Sadyang oo, sapagkat ni isang araw ay hindi lumipas
Ng hindi ikaw sa aking mga panalangin ay naibibigkas
Ako ngayon ay naritong muli
Kaharap ang kwarto kung saan ka namalagi
Pinagmamasdan ang bawat sulok
Baka sakaling makitang muli
Baka sakaling ikaw lamang ay nagkukubli
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Hindi mapigilang lumuha ang mga mata
Ako’y nagbilang muli ng isang daan pa
Baka sakaling ika’y magbalik na
Ilang libo pa ba ang bibilangin?
Upang ikaw ay muling makapiling
Pinunasan ko ang aking mga luha
Idinilat ang mga mata sa ibaba
At ibinulong ang mga kataga
“nawa’y ika’y maging masaya, kahit na ako’y kailan man hindi na liligaya,
Pagkat alam mo na sa iyong piling lamang ako’y muling sisigla.”
Kailan man sa buong buhay ko ay wala akong nais pagsisisihan
Subalit kung mayroon man akong nais baguhin sa nakaraan
Iyon ang hindi ka na sana kailanman natagpuan
Upang sana, ang puso’y hindi ngayong nagdurusa
At sana ikaw ngayon ay buhay pa, kahit kapiling ka ng iba
Sana’y hindi na tayo nagtagpo
Sana’y ako na ang kusang lumayo
Sana ay itinaboy kita dati pa
Sana ay hindi kana nakilala
Sana’y hindi mo na ako minahal
Sana hindi na tayo pinagtagpo ng Maykapal
Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana
Ang ating kahapon ay hindi na muling maibabalik pa
Sadyang ubos na ang papel ng ating istorya
Hanggang dito nalang ang lahat ng pait at saya
Ikaw at ako ay nagtapos na, subalit mahal pa rin kita
At sa huli’t huli ikaw pa rin, walang iba
Note: This article is a 'spoken poetry' recited during the author's University's Foundation Day Celebration.
(c) photo: Pixabay
Awesome! Ang galing naman nito Amare parang totoo ah..keep writing.