My journeys

0 34

Isa sa mga pinagkakaabalahan ko ngayon ay yung magbisikleta at pumunta sa malalayong lugar kung saan payapa at tahimik na kaisipan. Minsan kailangan natin sa buhay ng katahimikan mula sa isip hanggang sa puso tahimik na buhay

Madalas kaming pumunta kung saan saan nakakagaan lang ng kalooban kase nalilibang ako sa hobby ko na ito at nagtatanggal ng stress ko sa trabaho at pamilya pansamantalang tumahimik at naging payapa.

Sa kabundukan kung saan sobrang tahimik at mga huni lang ng ibat ibang hayop ang iyong maririnig, mas nakakagaan ng kalooban dahil pansamantalang nawala lahat ng bigat ng mga naranasan ko nung mga nakaraan araw kapag masama talaga loob ko mas gusto ko yung nililibang ko ang aking sarili.

Camp Sinai san mateo RIZAL to MANILA Halos sobrang ganda sa lugar na ito makikita mo yung kagandahan ng kalikasan kung gaano kaganda ang ginawa ng panginoon at binigyan tayo ng ganitong kagandang kapaligiran.
Nagayayaan lamang kami magkakaibigan na pumunta sa CAINTA RIZAL nung una sobrang nagdadalawang isip pa ako dahil unang beses ko itong bibisikletahin at dahil bago lamang akong rider nagdadalawang isip pa talaga ako pero nung nakita ko ito halos namangha talaga ako ng sobra di ko maipaliwanag na sa kaloob looban ng lugar mas madaming magagandang tanawin na ni minsan di ko maipaliwanag na makakakita ako ng ganun kagandang lugar at dahil lumaki ako sa magulong lugar nanibago ako dahil sa katahimikan.

Hihintayin mo pa bang masaktan ka para ikaw ay matauhan?

Hindi mo deserve yun. Huwag mo na hintayin na masaktan ka. Hindi sakit ang solusyon para matauhan ka, para magising ka sa katotohanan.

Deserve mong mahalin, deserve mong alagaan, at deserve mong paglaanan ka nang oras.

Huwag mo hahayaan na saktan ka, dahil hindi ka isinilang sa mundong ito para doon. Don't settle for less, you deserve the best!

Thankyou sa lahat ng sumuporta 🤟💙 Mas madami pa tayong pag sasamahan at ibabahagi ko lahat ng journey ko at ipapakita ko sainyo ang kagandahan ng mundo (Next destinasyon namin INTRAMUROS Manila at yung bagong gawang BRIDGE sa manila. Hopefully nagenjoy kayo again thankyou

Samahan nyo akong lakbayin at padyakin ang lugar kung saan maraming natatagong magagandang kalikasan, payapang buhay at kaisipan!


Sponsors of Akosimastermo21
empty
empty
empty


2
$ 1.00
$ 1.00 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Akosimastermo21
empty
empty
empty

Comments