Totoo ba?
"YUNG PERA AT KAYAMANAN AY HINDI MO MADADALA SA HUKAY! KESYO MAYAMAN O MAHIRAP, PARE-PAREHAS LANG TAYONG MAMAMATAY!"
Linyahan ng mga hampaslupang walang pera na kapag namatay eh patung-patong na utang ang ipapamana sa mga naiwang mahal sa buhay. Ultimo gastos sa kanyang burol ay poproblemahin at ipangungutang pa ng kanyang mga kapamilya.
Sino ba kasing depunggal ang nagsabing kailangan dalhin sa hukay ang ating kayamanan ha? Excuses niyo na lang yan upang ma-justify ang inyong kahirapan. Take note na ang pera ay ginawa para gastusin at enjoyin dito sa mundong ibabaw, hindi para isama sa kabilang buhay.
Bill gates - “First of all, you should understand that Wealth does not mean having a fat bank account. Wealth is primarily the ability to create wealth. Example: Someone who wins the lottery or gambling. Even if he wins 100 million is not a rich man: He is a poor man with a lot of money. That's the reason why 90% of the lottery millionaires become poor again after 5 years. You also have rich people who have no money (Example: Most entrepreneurs) but are already on the road to wealth even though they have no money because they are developing their financial intelligence and that is wealth
Kung sakaling oras ko na talaga at bigla akong kunin ni Lord bukas, mamamatay akong masaya kasi sureball ako na hindi magugutom yung mga mahal ko sa buhay sa susunod na sampung taon. May peace of mind silang lahat in terms of financial security.
Yan ang primary reason kung bakit kailangan mong magpayaman kahit hindi mo ito madadala sa hukay.