Tinuruan ko ang aking kaibigan
I had one friend that had ask me to go out? Bakit? Kasi kailangan daw niya ng financial advice at palagi na lang daw siya naiiscam. 10 years na siya sa abroad pero wala pa rin siyang savings. Napakamalas daw niya.
Sabi ko "Hindi ka malas... tanga ka lang talaga. Masakit man pakinggan pero yan ang katotohanan. Shushunga-shunga ka kasi. Ang dali mong mauto sa mga easy money investment schemes. Huwag ka mag-alala, hindi ka nag-iisa. Marami kayong tanga."
Ang problema kasi sa ating mga kababayan sa abroad at diyan sa Pinas, ang hilig mag-invest sa mga easy money kahit too good to be true.
Machika lang nung isa na may kumita na, maniniwala na agad. May magpatotoo lang na nakatanggap ng payout, papasok na agad. Ending? Maiiscam. Iiyak. Ubos ang pinaghirapang savings.
Sa kagustuhang makabawi sa natalong pera, papasok nanaman sa panibagong investment scheme. Tapos ano? Maiiscam nanaman hanggang sa nagkabaon-baon na siya sa buhay. Imbis na maganda na sana ang kanyang estado sa abroad, lubog na lubog pa tuloy ngayon sa utang. Sounds familiar? Yup! Napakarami nila!
So paano ka makakaalis sa unending cycle na ito?
First of all, acceptance. Kailangan mong tanggapin na nangyari na ang mga nangyari. Nawalan ka ng malaking pera. Move on. Move forward. Start a new life. Be wiser this time. Hindi pa huli ang lahat.
Itigil mo na yung eagerness mo na makabawi at mabalik yung mga nawala sayo dahil yung gigil na yan ang siyang magpapahamak lalo sayo. Believe me. Been there, done that. Mag-focus ka na lang sa kasalukuyan at kinabukasan. Tuluyan mo nang iwan ang mga katangahan mo sa iyong nakaraan.
Naniniwala kasi ako na kung talagang gusto mong umasenso sa buhay, kailangan mong unahing pagkagastusan yung mga bagay na magbibigay sayo nang mas malaking income dahil kapag inuna mo yung mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan, eventually ay ibebenta mo lang din lahat ito nang palugi kapag ika'y nangailangan.