Hindi lahat kakampi mo

0 36
Avatar for Akane
Written by
2 years ago
Topics: Advice, Psychology, Facts, Life, Lesson, ...

Ang Tandang na ito ay nagkakahalaga ng daan-daang milyon sa tuwing nanalo siya sa isang laban, mayroon siyang bubong kung saan siya natutulog, ipinaghahain ng masasarap na pagkain, at inaalagaang mabuti. Maraming tao ang natutuwa at humahanga sa malaking tandang na ito tuwing nanalo siya sa isang laban.

Ngunit sa pagkakataong ito siya ay natalo, siya ay nakahiga sa lupa, at hindi pinansin ng lahat.

Katulad ng ating buhay, kapag tayo ay may pera at matagumpay, tayo ay may pakinabang... maraming tao ang nagmamahal sa atin, at sumusuporta sa atin. Ngunit kapag hindi ka na kapaki-pakinabang…itinataboy ka nila tulad nitong tandang.

Ang buhay ay walang kasiguraduhan kapag tayo ay may pera at matagumpay. Masaya ang tao kasama ka. Ngunit kapag dumating ang panahon na tayo ay naiwan sa wala at nalulumbay, saka tayo madaling itapon.

Tandaan ito palagi:

"Hindi lahat ng tumatawa at nagpapasaya sayo ay kaibigan, may ilan sa kanila naghihintay ng pagbagsak mo"

Sa totoo lang..Ganyan ang Buhay natin..mahirap humanap ng tunay na kaibigan..Minsan akala mo un na pala pero ang totoo ay gagamitin ka lang para sa sarili nya..akala mo tunay na pero bandang huli iiwan ka lang din sa oras nang hindi kana napapakinabangan...Mas magandang mamuhay ng iisa lang ang kaibigan pero totoo sayo at handa kang damayan..

Ganyan talaga buhay kaya magsikap ka at kung ikaw magtagumpay wag mo kalimutan magpakumbaba iyan tutuo ksys dapat lagi tayo manalangin humingi ng gabay sa panginoon dahil d natin alam ang nasa paligid natin nagmmatyag lamang lalo na mga ingitira.kaya lahat sa panginoon diyos natin ialay ayon sa kanyang kalooban .

2
$ 0.52
$ 0.52 from @TheRandomRewarder

Comments