Ang kwento ng Ahas at ng Alitaptap
Isang araw, nakita ng ahas si alitaptap na nagliliwanag sa dilim. Walang sabi sabi, biglang hinabol ng ahas si alitaptap. Naghabulan sila hanggang sa mapagod na si alitaptap at bumagsak sya sa harapan ng ahas. Pero bago sya kainin ng ahas, kinausap nya ito habang umiiyak.
Alitaptap: "ginoong ahas, kabilang ba ako sa mga pagkaing kinakain nyo araw araw?"
Ahas: "hindi".
Alitaptap: "gutom ka ba?"
Ahas: "Hindi rin."
Alitaptap: "eh bakit nais mo akong kainin?"
Ahas: "Dahil naiirita ako sa ilaw mo. Ayokong makitang nagniningning ka."
Sa buhay, may mga tao na naiinis sa pag-asenso ng iba... Nagiging ahas ang kanilang ugali dahil ayaw nila na sila ay nalalamangan..
Kung ikaw ay nagniningning, asahan mo, may mga ugaling ahas na gustong tapusin ang liwanag mo... Kaya dapat tayong magingat sa mga taong pinagkakatiwalaan natin. Dapat marunong tayong ihandle ang ganitong klase ng tao.. Wag tayong papatalo sa kanila. Pagningningin pa natin lalo ang ating kinabukasan.